Share

Kabanata 145

Patay na si Peter para kay James.

"Ano naman ang tungkol kay Nine Fingers?" Kalmado siyang nagtanong.

"Mula din siya sa parehong panahon gaya ni Peter. Umangat din siya sa pinakataas noong eighties. Pero, mas mabagsik ang taong 'to kaysa kay Peter. Ang tunay niyang pangalan ay Greg Martin." Ang sabi ni Henry.

"Noong wala pang nakakakilala sa kanya noong nagsisimula pa lang siya, may nakabangga siyang tao, at naputol ang isa sa mga daliri niya.

"Kaya naman, nakilala siya sa bansag na Nine Fingers noong naabot niya ang pinakatuktok.

"Sa madaling salita, gusto niyang malaman ng mga tao na siya ang bagong pinakamataas at pinakamakapangyarihan sa underworld.

"Marami siyang negosyo, pero ang pinaka pangunahin dito ay ang mga loan shark."

Tapat na sinabi ni Henry ang lahat ng impormasyong nakalap niya.

"Dagdag pa dito, nagkaisa ang Great Four at humingi sila ng tulong kay Peter at Greg."

Nagdilim ang mukha ni James pagkatapos niyang marinig ang balita.

"Walong araw na lang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status