Share

Kabanata 744

"Wala." Umiling si Blake.

Tumingin siya kay James at sinabing, "James, sinabi ko na sa'yo ang paraan kung paano mo aalisin ang lason kapalit ng pagtakas mo sa'kin sa kulungan. Patas na tayo ngayon. Kaya, ibigay mo na sa'kin ang lunas sa lason, at magkanya-kanya na tayo."

Ngumiti si James. "Sa tingin mo ba posible 'yun? Isa kanya kriminal na hinahanap ng batas. Saan ka pwedeng tumakas?"

"Hindi mo na problema 'yun."

"Blake, paano kung makipagtulungan ka sa'kin?"

"Makipagtulungan?" Tumingin si Blake kay James.

Tumango si James at sinabing, "Si Reign ang kalaban na pumatay sa pamilya mo. Bukod dito, kalaban ko din siya. Kasabwat siya ng Emperor, at gaya ng sinabi mo, balak nilang sakupin ang mundo gaya ng ginawa ng mga taong iyon isang daang taon na ang nakakaraan. Kapag nagtagumpay sila, lalamunin ng kaguluhan ang buong mundo. Dapat silang pigilan."

Nagtanong si Blake, "Ano namang kinalaman ko sa kinabukasan ng mundo?"

Sumagot si James, "Ilang dekada ang nakakaraan, tinanggih
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status