Share

Kabanata 87

”Ang tunay kong pangalan ay Scarlett Brooks, Commander.” Tapat na sumagot si Black Rose.

“Sige, Scarlett. Gusto kong bilhin ang commercial city sa Cansington. Ikaw ang gagawa nun. Tutulungan ka ni Henry ng palihim at ihahanda niya ang lahat para sa’yo upang mabili mo ang lugar sa pinakamababang halaga. Ang kailangan mo lang gawin ay kumuha ng mga foreign investment at gawin itong isang top-tier financial center.”

“Masusunod!” Tumango si Scarlett, hindi siya nangahas na tanggihan ang kanyang utos.

“Henry.”

“Nakikinig ako, James.”

“Sabihan mo ang mga tauhan natin sa Southern Plains na imbestigahan ang ancient tomb ng Prince of Orchid Mountain at ang mastermind na nag-utos sa Black Rose Gang upang pasukin ang libingan. Tsaka, alamin mo kung sino ang mamamatay tao na nagnakaw sa kayamanan at kung miyembro ba siya ng Black Rose gang o ibang tao ito.” Ang utos ni James.

Tumango si Henry at umalis. Nilabas niya ang kanyang phone, tinawagan niya ang Southern Plains Headquarters at inutus
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status