Share

Kabanata 96

Tumawag si Thea at pinaalam niya kay James na naayos na nila ang problema.

Bumalik si James sa bahay at naghanda ng pagkain, hinintay niya si Thea at ang iba na makauwi para kumain ng tanghalian.

Mabilis silang nakauwi.

Pagpasok nila ng bahay, napansin ni James na may mali.

Lahat sila ay may kakaibang ekspresyon sa kanilang mga mukha.

May mga luha pa nga sa mga mukha nila Thea at Alyssa.

Nagdududang nagtanong si James, “Thea, may problema ba? Akala ko ayos na ang lahat. Bakit hindi niyo kasamang bumalik si David?”

Tumingin si Thea sa kanya at umiyak, naghihinagpis siya.

“Anong problema?

“Sabihin mo sa’kin kung may problema. Pwede kong ayusin ‘yun para sa’yo.” Ang sabi ni James sa kanya.

“Ha…” Bumuntong hininga si Gladys.

“Anong problema, mom? Bakit ka bumuntong hininga?” Ang tanong ni James.

Gayunpaman, walang sinuman sa mag-anak ang nagsalita.

Pumasok sila sa bahay at umupo. Agad na inihanda ni James ang mga mangkok at mga kubyertos, naghain siya ng kanin para sa lahat.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status