Share

Kabanata 125

Nagulat ang mga lalaki sa naging reaksyon ni Megan.

Tiningnan nila ito mula ulo hanggang paa—high heels, puting pangitaas at isang napakasikip na skirt. Naging kasing ganda ito ng isang babaeng bida sa isang pelikula!

“Pulis ako! Ibaba niyo na ang mga hawak ninyong sandata ngayundin!” Nanlalamig na sinabi ni Megan.

Pulis?

Agad na nagdilim ang itsura ng mga lalaki. Tumingin sila sa isa’t isa at agad na pinaligiran si Megan.

Sumakit dito nang husto ang ulo ni Darryl. Walang kahit na anong sandata ang babaeng ito, pero nagawa niya paring harapin ang mga lalaking ito?

Napahampas na lang siya sa kaniyang ulo habang dahan dahang lumalapit sa mga lalaki.

“Mga kapatid, itali ninyo siya!” Sigaw ng lider. Isa itong hindi inaasahang regalo! Masyado siyang maganda.

Malademonyong ngumiti ang mga lalaki na lumapit kay Megan dala ang isang tali.

“Mahilig talagang maghanap ng gulo ang babaeng ito,” Isip ni Darryl. Dito na siya huminga nang malalim at sumugod papunta sa mga lalaki.

“Ban
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jayson Galendez
Kakaumay na yung story kung saan saan n lng napupunta mapagaba lng.
goodnovel comment avatar
Jay Vinson Capuno
unlocked pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status