Share

Kabanata 187

Ano na ngayon?

Tumayo lang doon si Lily, napuno siya ng panic sa dibdib habang ngumunguso ang kaniyang mga labi.

Nang biglang isang kagulat gulat na eksena ang nagpakita sa screen. Isang wala sa sariling tao ang nagpadala ng isang damukal na mga regalo sa kaniyang platform na nagkakahalaga ng 2 million dollars!

Wow!

Agad na umingay nang dahil dito ang buong chatbox! Nagawa nitong magbigay ng 2 million dollars na halaga ng regalo sa isang iglap? Isa kaya itong bilyonaryo?

Nanginig sa pagpapasalamat si Lily habang tinitingnan ang pangalan ng taong ito: Hill.

Matapos magdonate ng pera, nagcomment ang user na si ‘Hill’ sa chatbox.

[Wala ka nang kailangan pang gawin. Kumanta ka kung gusto mo nang kumanta.]

Agad na natahimik dito ang user na si ‘Donghai Boss’.

Matapos basahin ang comment ni ‘Hill’, napuno ng pagpapasalamat sa kaniyang puso si Lily. Tatayo na sana siya para pasalamatan ito pero agad niyang nakita ang pagalis ni Hill sa kaniyang page.

Knock! Knock! Knock!

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Elmer Panganiban
ganda ng pamagat nito I like it
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status