Share

Kabanata 73

Agad na naintindihan ni Florian ang gustong mangyari ng kaniyang asawa. Agad niyang dinala ang eight diagram na salamin para itabi ito kay Rebecca.

“Napakagaling mo talaga, Darling!” Pinuri ni Florian si Yumi habang ibinababa ang salamin.

Hindi na nagawa pang sagutin ni Yumi ang kaniyang asawa. Nilagay niya ang salamin sa tabi ng kama at pumunta sa bintana para buksan ito, ipapakita nito na tumakas sa bintana ang taong gumawa nito kay Rebecca.

Malinaw na fineframeup nilang dalawa si Darryl.

Kaninang umaga, nagpakitang gilas si Darryl gamit ang kaniyang kaalaman sa teorya ng Feng Shui na nagawa ring magsabi na nahimatay si Abby nang dahil sa salaming ito. Kahit na hindi nito nakumbinsi si Yumi, alam niya na maraming naniwala rito kasama ang biniktima ng kaniyang asawang si Rebecca.

Dahil marami nang nalalaman tungkol sa metaphysics ng Feng Shui si Darryl, maaaring marami na rin itong nalalamang paraan para mawalan nang malay si Rebecca sa pamamagitan ng salaming ito. Kaya sa sandal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Angelina Marcos
were can buy this book?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status