Share

Chapter 8

Nakapangalumbaba si Abigail habang tulalang nakatingin sa binabantayan niyang palay. Ang sabi ni Axis ay hindi siya mababagot pero ito at parang gusto na niyang magpapadyak dahil sa inis. Para siyang tanga na nakaupo lang dito. At sa totoo lang ay feeling niya'y panis na ang kaniyang laway sa ilang oras na hindi siya nagsasalita. Nakakaramdam na rin siya ng antok at parang gusto na niyang pumasok sa kuwarto para matulog. Feeling niya ay wala na siyang buto dahil parang dadausdos na siya sa kaniyang kinauupuan.

Buti pa ang hudyong si Axis ay naroon sa kuwarto nito at baka masarap na ang tulog nito. Habang siya ay nandito at pinipilit na huwag sumigaw sa inis. Paulit-ulit na humugot siya ng malalim na hininga. Mariing pumipikit pa siya baka sakaling mawala ang antok niya.

Itinukod niya ang siko sa tuhod niya bago ipinatong ang baba sa kamay niya at pumikit nang hindi na niya mapigilan ang antok. Puwede naman siguro siyang umidlip, 'di ba? Total wala naman siyang nakitang manok na kumaka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Om's Fernandez Pasandalan
AnG gnda ng kwinto
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status