Share

Failed to Protect

"WINONA," dinig kong anas ng lalaki sabay dampi ng labi nito sa leeg ko.

Pagkarinig ko sa pangalang iyon bigla na lang akong natauhan. Mabilis kong kinalas ang sarili mula sa mga bisig nito. Pakiramdam ko ay parang binuhusan ako ng isang baldeng yelo sa sandaling ito.

Hindi ko napigilan ang emosiyon at isang malakas na sampal ang binigay ko sa kaliwang pisngi ng lalaki.

Nagulat ito sa ginawa ko at napaatras biglang naging pormal ang mukha nito. "I am sorry. Hindi ko sinasadya, isa iyong pagkakamali," pahayag nito sa pagmumukha ko. Ang tinutukoy nito ay ang halikan na naganap.

"Oo, isa iyong pagkakamali," ani kong diniinan ang huling kataga. Pinilit kong hindi gumaralgal ang boses ko. Gumuhit sa aking labi ang isang pekeng ngiti.

"I am sorry!" muling paghingi nito ng paumanhin.

"No! Hindi mo kailangan na humingi ng despensa," ani kong dagling tumalikod. Paraan ko na rin iyon upang ikubli ang mga butil ng luha na namumuo sa gilid ng aking mga mata. Hinakbang ko ang paa pabalik sa resthouse.

"I have to," pagpumilit nitong sinundan ang mga hakbang ko.

"Hindi na, okay lang ako. Ginusto ko naman," pinilit kong hindi pumiyok ang boses. Wala itong dapat ipagpa-umanhin dahil ginusto at sinuklian ko ang halik ng lalaki. Nilakihan ko pa lalo ang hakbang.

"Kung ayaw mong tanggapin ang despensa ko'y siguro ang pagpapasalamat sa pagligtas mo sa buhay ay iyong tatanggapin?" pagpumilit nito.

Napahinto ako at maingat na hinarap ang lalaki.

"Thank you for saving my life Miss—" sadya nitong binitin ang huling kataga.

"Amella!" tipid kong sagot.

"Hade." Nilahad nito ang kanang palad sa harapan ko. Kusa ko namang tinanggap."Thank you, Amella for saving me." Pinisil nito bahagya ang palad ko. 

"It's nothing," ani kong maingat na binawi ang palad ko mula sa pagkapisil ng lalaki. Ang dantay ng palad nito ay animoy may dalang kuryente na nakakabaliw sa pandama."K-Kahit naman ibang tao ay gagawin din ang ginawa ko," patuloy ko na sinabayan ng pilit na ngiti.

"But then again thank you," muling paghingi nito ng pasalamat. "Anyway, ihahatid na kita sa loob sobrang lamig na ng hangin," suhestiyon nito nang kapwa kami nakadama ng lamig sanhi ng simoy ng hangin.

Hindi na lang ako nagsalita at dagli kong hinakbang ang mga paa ko bilang pagsang-ayon. Binaybay namin ang buhanginan patungo sa rest house na wala ni isa nagtangkang magbukas muli ng paksa. Sobrang naaasiwa ako na tila ba tinititigan ako ng lalaki mula sa likuran.

Ang tinding lamig nadama ko kanina lang ay naglaho animo'y pinagpawisan ako dahil sa tindi ng tensiyon na namamagitan sa aming dalawa.

Nakakabinging katahimikan ang namayani na tanging ang kapwa mga yabag namin sa buhanginan ang gumawa ng ingay habang patuloy naming binaybay ang daan. Hanggang sa narating namin ang bukana ng bahay. Agad kong tinigil ang aking mga hakbang at dagli ko itong hinarap.

"S-Salamat." Nauutal ako na halatang kinabahan. Gusto kong kurutin ang sariling singit. Kanina pa ako nabagabag sa presensiya nito.

"Yeah, goodnight," mahinahon nitong sabi at umatras na hindi hiniwalay ang mata sa akin. "You should go in first," suhestiyon ng lalaki.

"I am fine, you can go now," taboy ko habang sabay na ikinumpas ko ang aking palad sa ere.

"Pumasok ka na, h'wag kang mag-alala at hindi ako babalik do'n," ani nitong ngumiti ng tipid.

Hindi ako sumagot bilang pagsang-ayon dali akong tumalima at binuksan ang pinto. Nais kong makawala sa mga titig nito. Mabilis akong tumalilis at pumasok sa loob. Sinara ko ang pinto na hindi man lang inabala ang sariling lingunin pa itong muli. Nang tuluyan ko na iyong naisara. Binuga ko ang hininga na kanina ko pa pinigilan.

Sapo ko ang dibdib. "This is strange," dumausdos ako papaupo sa sahig dahil kanina pa nangangatog ang tuhod ko sa tinding kaba.

What's going on Amella? Hindi ko na maintindihan ang sarili kong parang nilalamon ng Hade na iyon ang katinuan ko.

MAGDALAWANG araw na kami ni Shane na nanatili sa loob ng Villa. Hindi ko naman mapigil ang pinsan sa hilig nito. Ayon at kay aga-agang nagbabad sa araw.

Ako nama'y nanatili lang sa loob ng kwarto at paminsan minsa'y sumisilip sa dalampasigan. May isang tao kasi akong ayaw makahalubilo. Gusto ko din sana mag-gagala sa ilalim ng araw pero mas pinili ko na lang magmukmok sa loob.

Namamaga at nangingitim ang ilalim ng mga mata ko. Hindi ako nakatulog masyado dahil magdamag na gumagana ang utak ko. Magdamag akong iniisturbo ng Hade na iyon.

Muli ay parang may sariling isip ang mga kamay ko't hinawi ko na naman ang kurtina sa bintana. Ayon at biglang sumimangot ang mukha ko sa nasaksihan.

Nakanguso akong nakamasid sa mga panauhin sa dalampasigan. Nando'n ang babaeng maganda na kasama ni Hade at ang anak nitong lalaki na nagtampisaw sa tubig dagat. Pawang halakhak ng babae ang pumainlang sa baybayin.

Walang akong karapatang mainis pero naiinis ako kung bakit ay hindi ko alam. Nakakainis  ako sa pagmumukha ng babae at kung makalambitin sa Hade na iyon ay parang lenta. Nakasuot pa ng sobrang daring na tabas ng bikini na halos lumugwa ang hinaharap.

It is none of my business anyway!

Padabog kong muling inayos ang kurtina sa dati nitong ayos. Matamlay kong binagsak ang katawan ko sa ibabaw ng kama habang titig na titig ako sa kisame.

Anong gagawin ko ngayon?

Should I take a nap? Pero kanina ko pa pinilit na ipikit ang mga mata ko pero wala iyong epekto. Should I eat? Eh kakakain ko lang ah. Should I read a book? Eh naubos ko na lahat ng pages nitong dala kong libro at halos panglimang beses ko nang binasa ulit.

Nakasimangot kong inikot ang eyeballs ko. Should I take a walk? 

Pwede, eh ano ngayon kong andoon sila sa labas at nagsasaya. They should mind their own business at sino naman ako para pansinin ng mga ito. Ako lang itong eksaherada at apektado. Maglakad-lakad ako upang maibsan ang pagkabagot at inip ko sa loob ng bahay.

Ni walang minuto ay nakababa na ako't binaybay ang buhanginan. Nakahinga ako ng maluwag nang mapansin kong tanging ako lang ang naroroon sa oras na iyon.

Napa-isip tuloy ako kung nasaan ang mga tao at wala na akong mahagilap sa baybayin. Nagkibit balikat na pinagpatuloy ko na lang ang hakbang.

"Its better this way!" bulong ko sa aking isip.

Nilakihan ko ang aking mga hakbang. Plano kong gumawi sa bangkang natanaw ko mula sa di-kalayuan. Patakbo ko iyong nilapitan. May maliit na daungan at nakatali doon ang bangka. Hindi ako nagdalawang isip at agad akong sumampa. At dahil nga sa aking kasabikan ay biglang gumiwang ang bangka ay bahagya akong nawalan ng balanse kasunod ay hindi namalayang nawalan ako ng balanse at mabubuway.

Napatili ako nang wala sa oras sa tinding gulat. "Oh God!" Mariin kong naipikit ko ang aking mga mata. Ayokong masaksihan ang mababagsakan ko at ang sakit sa hatid niyon pero hindi ko inaasahan ang nangyari.

"Oh fuck!" paungol na mura ang aking narinig nang tuluyang bumagsak ang katawan ko sa kung anong bagay. Nang binuksan ko ang mga mata ay natagpuan ko na lang ang sarili sa bisig ni Hade. Si Hade na umiidlip sa bangka. Tumama ang paningin ko sa mukha nito. Relax na nakahiga. Nanatiling nakapikit ang mga mata na animoy walang paki-alam sa presensiya ko.

Oh boy!

Natatarantang bumangon ako mula sa pagkakasalpak ko sa katawan nito.  "I-im s-sorry I never meant to wake you up," nauutal kong panghingi ng paumanhin dito.

"Don't bother, I am fine," malamig na ani nito at muling pinikit ang mga mata na animo'y walang nangyari.

Pinilit kong tumayo pero nahihirapan akong ibalanse ang katawan dahil mas gumigiwang giwang ang bangka. Makitid ang bangka at sa tuwing mawawalan ako ng balanse ay sadyang sa tabi aksa lalaki. 

Ano ba kasi ang sumagi sa utak ko at dito sa bangkang ito ako gumawi. Nagsisi tuloy ako sa kinahihinatnan ko. Mas lalong akong natataranta dahil sadyang dumiin ang katawan ko. Dagdagan pa ng tambol ng puso ko.

"W-well then, bababa na ako," paalam ko na uutal. Ibig ko tuloy pagalitan ang sarili ko kung bakit gano'n na lang at parang nawala ako sa presensiya ko.

Muli akong nagtangkang bumangon mula sa pagkakasandal ko sa dibdib nito nang bigla na lang hinagip at pinigil nito ang bisig ko habang nanatili ang mga mata nitong nakapikit. Awtomatikong pinulupot ni Hade ang bisig sa beywang ko upang pigilan akong makatayo. at sa ginawa nito ay ibig ko na lang dumausdos.

"Stay?" tipid na utos nito.

Napatingkag ko ang aking tainga. Is he asking me to stay? Tama ba ang narinig ko?

Pinilit kong ibaling ang paningin kay Hade. "W-what did you say?" Sinisigurado ko lang kung tama ba ang narinig ko.

"I said stay," deklara ng lalaki na may langkap na utos. Hindi pa rin inabala nito ang sariling imulat ang mga mata at nakapikit lamang.

"B-Bakit ko naman gagawin ang utos mo?" nagsalubong ang kilay na protesta ko na akmang babangon.

"Just do what I said!" matabang na sabi ng lalaki mas hinapit nito ang katawan ko padikit dito. 

Nanayo ang balahibo ko sa batok nang maglapat ang aming katawan sa isa't isa.

Nanigas na lang ako do'n na parang tanga. Nabibingi ako sa tinding tambol ng puso ko. Pati ang bawat pakawala nito ng hininga ay nabibilang ko talaga. Hindi ko maipakali ang sarili at naninigas na lang akong nakatingala dito.

Isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi nito habang nakapikit dahil dama nito ang matindi kong pagprotesta.

"This isn't right!" protesta ko nang maramdaman kong nakapulupot ang kanang bisig nito sa gawing beywang ko. Muli ay akma akong babangon.

"Stay still and don't dare to protest," kalmadong babala nito na mas lalong hinigpitan ang pagkahapit sa akin. Binuka nito ang mata at pinaglakbay sa mukha ko.

"Wait are you insane! We aren't that close to begin with!" reklamo ko, tangkang ibangon kong muli ang katawan. Pero hindi iyon epektibo kumpara sa lakas nito. He keep pulling me closer to him.

"Yeah I know," kalmadong pahayag nito na dahan dahang binaling ang paningin sa kawalan. Tinititigan nito ang maasul na kalangitan.

"I-I can sue you in this state, you are harassing me, Mister!" babala ko sa lalaki sabay nagpumiglas.

"Yap you can—pero gusto ko lang ipakita sa iyo ang mga 'yon." Nginuso nito ang labi sa kawalan. 

Napatigil akong bigla sa pagpumiglas at agad kong sinundan ng tingin ang sinasabi nito. Bumulaga sa aking ang mga mata ang kumpol ng mga ibon na malayang lumilipad sa kalangitan.

"Those are amazing!" wala sa sariling bulalas ko na napapangiti ng hindi ko namamalayan.

"As I expected, you like it!" nakangiting sabi nito na bumaling sa akin.

Nabigla ako ng magtama ang aming paningin. Nakita ko ang mga ngiti nito, ngiti na umabot hanggang sa mga mata nito.

"Y-yes I do!" mabilis kong sagot. Nawala na sa isip ko ang pagprotesta nakasentro na ang diwa ko sa lumilipad na mga ibon at sa mga ngiti ni Hade na nasilayan ko.

"Same here, gusto ko silang pagmasdan habang lumilipad sila ng malaya na walang inaalala," mahinang pahayag nito at muling binaling ang paningin sa ere.

"Alam mo bang nilikha ang uri natin na iisang lang ang pakpak?" bukas nito ng usapan.

Umiling ako sa tanong nito. 

"Dahil kailangan nating mahanap ang ating kapareha. Yakapin ang isa't isa upang makalipad tayong magkasama," ani ni Hade na may bahid na kalungkotan ang boses.

"Did you find the other pair of your wings?"  Hindi ko namamalayan ang lumabas sa bibig ko.

"Yes, but I failed to protect her." si Hade na may pait ang boses.

Pagkarinig ko sa sinabi nito nagsikip ang dibdib ko na hindi ko mawari. Nangingislap ang aking mata. Pinigilan ko ang luha na maglandas sa aking pisngi.

Who is he? Bakit tila pakiramdam ko ay parte siya ng pagkatao ko?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status