Share

KABANATA 39 I GUMUHO ANG MUNDO NI SEAN

Kalalabas lang ni Daren sa meeting room kasama ang iba pang Luna Star Executives.

Nasa kwarto pa rin ang ilan sa mga empleyadong kasamang dumalo sa meeting, pinauna muna nila ang mga Executive para maka-tsismis.

Napahinto si Hadley na pinuno ng Quality Control Division nang makita niya ang kanilang CEO.

Napangiti siya nang pumunta si Sean doon.

“Mukhang bumalik na si Mr. CEO,” sabi ni Hadley sa isa pang kasamahan.

Mabilis na naglakad si Sean Reviano sa hall patungo sa grupo ng mga Executive na nakatayo sa harap ng meeting room.

Nang makitang bumalik na ang kan’yang matalik na kaibigan, ngumiti si Daren para kumustahin ngunit tumaas ang tensyon nang nasa harapan na nila si Sean.

Sa isang iglap nawala ang ngiti sa mukha ni Daren nang dumapo ang isang kamao sa kaliwang pisngi at bumagsak ang katawan nito sa sahig.

Nagkaroon ng komosyon kaya nakakuha ng atensyon ang mga kalapit na empleyado ng Luna Star.

Pinigilan ni Dario Leaman, isang Financial Manager na nakatayo hindi kalayuan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rose Racho
Nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status