Share

Chapter 45 - The awkward moment

Hindi alam ni Vance kung anong nagtulak sa kanya na sumunod sa mga kaibigan papuntang Santa Catalina. Almost two hours din ang biyahe papunta roon. Pagdating niya sa labas ng El Paraiso Club, nag-aalangan pa siyang pumasok sa loob.

"Hindi ka ba papasok sa loob?" untag sa kanya ni Tim nang mapansin nitong hindi siya gumagalaw sa kinauupuan.

Napahilot siya sa kanyang sintido.

"I don't know, Tim. Parang nawawalan ako nang lakas ng loob na pumasok." malungkot niyang sagot dito.

Humilay si Tim sa backrest ng driver seat.

"Sa totoo lang, boss. Kahit ako ang nasa katayuan mo, mag-aalinlangan din talaga ako. Kasi ganoon talaga lahat nang hakbang natin na tatahakin mayroong positibo at negatibo. Kung ano man ang outcome at least you give it a try 'di ba? Dahil hindi mo naman kasi malalaman kung hindi mo susubukan." paalala ni Tim sa kanya. Nabuhayan naman siya ng loob dahil sa sinabi nito.

Umilaw ang kanyang cellphone. Dinampot niya ito sa upuan at binasa ang message galing kay Sam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status