Share

Chapter 60 - Meredith's plan

Kampante lang habang nagmamasid sa paligid sina Vance at Tim sa loob ng El Paraiso Club. Mula nang natapos ang pag-uusap nila ni Aling Rita kanina ay sinubukan ulit niyang tawagan si Anastasia. Ngunit hanggang ngayon ay hindi nito iyon sinasagot. Mayamaya hindi na niya ito makontak. Kaya narito siya ngayon sa club na mina-manage nito baka sakaling makita niya ito rito.

Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Basta ng mga oras na ito blangko ang kanyang isipan. Maging ang kasama niyang si Tim ay walang imik na nagsasalin ng alak sa baso. Tumayo si Tim at diretsong umalis. Bumalik din ito kaagad ngunit malungkot ang mukha.

"Nag-aaksaya lang tayo ng oras dito, boss. Matagal na raw umalis si Ms. Sevilla rito." balita ni Tim sa kanya na ikinatayo niyang bigla.

Halos nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Halos araw-araw silang nag-uusap ni Anastasia sa cellphone ngunit wala itong nabanggit sa kanya tungkol dito. Kaya ba hindi niya ito makontak?

"Sino ang nakausap mo?" tanong niya ri
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status