Biglaang lumitaw ang nanay ni Naya, kaya walang oras si Ava para makakilos. Hini din napigilan ni Daniel ang nanay ni Naya sa oras na iyon, kaya nasampal si Ava sa mukha. Nagsimulang magtipon-tipon ang mga tao sa kanilang paligid habang pinag-uusapan ang nangyari. “Mrs. Mendez, paano mo nagawang sampalin si Ava?” Walang malay na hindi natuwa si Daniel ng makita niya ang nakatulalang ekspresyon ni Ava, kaya kinuwestyon niya ang nanay ni Naya. Dinuro ng nanay ni Naya si Ava ng pagalit, habang nagmumura ng hindi alintana ang kanyang sariling imahe. “Dan, ikaw ay ang aking manugang. Bakit mo pinagtatanggol ang haliparot na ito ngayon? Ang haliparot na ito ay muntik nang patayin ang asawa mo! Bukod sa hindi mo sinasamahan ang asawa mo, ngunit lumabas ka pa nga para kausapin siya. Paano ka nagkaroon ng puso para harapin si Naya?” Ang sigaw ng nanay ni Naya ang gumulat sa mga nakikiusyoso. “Ano? Ang babaeng ito ay isang kabit?” “Mukha nga siyang isang kabit kung titignan ang muk
“Ikaw…” “Isa kang ina, ngunit hindi mo alam kung paano maging isang disenteng tao. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit ganun din katuso ang anak mong babae.” “...” Hindi inaasahan ng nanay ni Naya na pagsasalitaan siya ni Ava. Sa mga sandaling iyon, naramdaman niya na lalong sumasakit ang kanyang pisngi. “Ava, a-anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Tigilan mo na ang paninira sa anak ko!” “Marahil ang mga taong nakikiusyoso sa atin at hindi sigurado kung sinisiraan ko siya o hindi, ngunit ikaw at ang anak mong si Naya ay alam ito sa loob-loob niyo. Ako ang unang minahal ni Danny, habang ang pesteng haliparot ay ang inyong anak na babae. Hindi porket maingay kayo at nagawa niyong hatakin ang atensyon ng lahat ng mga tao dito ay ibig sabihin na nito ay tama kayo. Muli, mananaig ang hustisya. Hindi pa man lumalabas ang totoo ngayon, ngunit hindi ito mababaon habangbuhay.” Kaagad na lumingon paalis si Ava pagkatapos niyang magsalita. Ang mga taong ay napatingin kay Ava at k
Narinig din ni Ava ang mga yapak na papalapit sa kanya. Ng lilingon na sana siya sa kanyang likuran, isang malakas na braso ang biglang umunat at hinawakan siya sa kanyang mga balikat. Gusto sanang umilag ni Ava, ngunit hinawakan siya lalo ng mahigpit ng lalake at hinila siya sa tabi. At nang makakawala na sana si Ava, parang may dumaan sa kanyang tabi mula sa kanto ng kanyang mga mata. Crash!Ang tunog ng bagay na nabasag ang maririnig mula sa kanyang tabi. Nanigas sandali si Ava. “Ayos ka lang ba?” Isang pamilyar at nag-aalalang boses ang pumasok sa kanyang tenga sa mga oras na ito. Bumalik sa kanyang sarili si Ava at tinaas ang kanyang tingin. Sa kanyang nagdududang tingin, ang napakakisig na mukha ni Tom ang nasalim sa kanyang mga mata. “Mr. Lowe?” SAbi ni Ava sa gulat. “A-ayos lang ako.” Nautak na nagsalita si Ava dahil sa hindi pa siya nakakabawi mula sa nangyari sa kanya kanina. Nilingon niya ang kanyang ulo upang tumingin sa direksyon kung saan nanggaling a
“Ah!”Napasigaw si Ava, at sa sandaling iyon, ang ilaw sa opisina ay biglang namatay. Kahit na si Ava ay may malayang personalidad at malinis na konsensya pagdating sa pakikisalamuha sa mga tao, babae pa din siya sa bandang huli. Hindi na maiiwasan na medyo matataranta at matatakot siya sa harap sa ganitong sitwasyon. Ang tumakot ng husto kay Ava ang ang malungkot na boses ng isang babae na lumabas na lang kung saan. “Ava, laging nakatingin ang Diyos. Kapag pinagpatuloy mo pa ang pang-aapi sa mga tao at gawin ang anumang gusto mo, gagambalain kita araw-araw at gabi-gabi…” Kahit na medyo natakot si Ava, alam niya na merong gumawa nito para takutin siya. Pinakalma niya ang kanyang sarili at pinulot ang kanyang phone. Binuksan niya ang flashlight para makita kung ano ang nangyayari. Nagkataon, lumapit si Tom sa pintuan ng kanyang opisina. “Anong nangyari? Ava, nasaan ka?”“Mr. Lowe, nandito ako.” Iwinagayway ni Ava ang kanyang phone. Nakita ni Tom ang ilaw at mabilis na pumunt
Sabay na huminto sina Madeline at Ava sa paglalakad. Nagkatinginan sila, pagkatapos ay tumingin sila sa pinto nang may nagdududang mga mata. Ding dong!Tumunog na naman ang doorbell. Naglakas si Madeline papunta sa pinto, at mula sa peephole, nakakita siya ng isang pamilyar na mukha. "Tom?" Lumingon si Madeline pabalik. "Si Tom yun." "Mr. Lowe?" Nagulat din si Ava. 'Hindi ba kakaalis lang ni Tom? Bakit bumalik na naman siya?' Nag-isip sandali si Ava bago binuksan ang pinto. Magsasalita na dapat si Tom, pero nang makita niya si Madeline ay medyo nabigla siya. "Mrs. Whitman, nandito ka rin? Ngayong mayroong kasama si Ava, bilang boss niya, makakahinga na ako nang maluwag." Sabi niya at iniabot kay Ava ang bag na hawak niya. "Inisip ko hindi ka pa kumain, pero baka delikado para sa'yo na lumabas o umorder ng takeout. Kaya dinalhan kita ng makakain mula sa malapit na restaurant." Naantig ang damdamin nina Madeline at Ava sa pagiging maalalahanin ni Tom. "Salamat, Mr. Low
Kahit may ilang nakakatakot na bagay ang nangyari sa araw na iyon, hindi ito sineryoso ni Ava. Humiga siya sa kama pagkatapos maligaw. Nakita niya ang mga message mula kina Raegan at Neil. Pareho nilang gustong malaman ang tungkol sa kanyang sitwasyon, pero hindi sila nagtangkang guluhin siya. Naantig ang puso ni Ava sa pagiging maingat nila sa kanya. Tinignan ni Ava ang mga nag-aalala at empatikong salita sa screen. Nagsimula siyang matulala. Bigla na lang, isang pamilyar na ringtone ang nagpabalik sa kanya sa realidad. Tinignan niya ang caller ID nang hindi makapaniwala at sinagot ang tawag nang walang pag-aalinlangan. "Danny?" Hindi siguradong tanong ni Ava. Dumating ang malambing na sagot ni Daniel, "Ako to." Pagkatapos marinig ang sagot na ito, pakiramdam ni Ava ay kaagad na nawala ang mga problema niya. "Danny, bakit mo ko tinatawagan?" "Nakita ko ang nangyayari sa internet at gusto kong humingi ng tawad." Puno ng pagsisisi ang tono ni Daniel. "Kung hindi dahil
Nang sinabi ito ng nanay ni Naya, hindi niya maitago ang saya sa mukha niya. Umupo si Naya sa kama nang walang ekspresyon. Para bang may iniisip siya. Sa mga oras na ito, ilang mga usiserong netizens ang nakarinig na nagsimula si Ava ng isang live broadcast. Kung kaya't kaagad nilang hinanap ang link para hanapin ang live broadcast room. Pagkapasok nila, kaagad na nagsimulang murahin at pagalitan ng mga keyboard warrior si Ava. [Ava, napakawalanghiya mo. Ang lakas ng loob mong magsimula ng live broadcast!] [Ginagamit ba ng walanghiyang to ang paraang ito para maging sikat at umasang mapagkakakitaan niya to?] [Hala, kadiri naman!] [Ava, isa ka lang hayop na iniwan ng mga magulang mo. Lumabas ka na at humingi ng tawad kay Miss Mendez ngayon din!] [P*ta ka! Muntik nang mamatay si Miss Naya dahil sa'yo at nagsulat pa siya ng suicide note. Hindi ka ba nahihiya na buhay ka pa? Dapat ikaw ang nagpapakamatay!] Mabilis na napuno ng mga masasamang salita ng netizens ang screen. N
[Bwisit, wala talagang puso si Ava. Palihim pa niyang kinukuhanan ng video si Naya sa hospital ward. Sino sa inyo ang may numero ni Naya? Sabihin niyo sa kanya, dali!] Ilang netizens ang nagsimulang maghanap ng paraan para masabihan si Naya. Gayunpaman, habang pinupuno ng mga taong ito ang comments section, nagulat ang lahat sa sumunod na eksena. Iniunat ni Naya ang kamay niya at tinulak ang kamay ng nanay niya nang pabalang. Gumulong sa lapag ang binalatang mansanas. "Pwede bang manahimik ka at wag kang magsalita? Pagod ako ngayon!" Hindi inasahan ng nanay ni Naya na biglang magwawala si Naya nang ganito. Kahit na hindi niya naintindihan, alam na alam niya na matagal nang arogante at bastos si Naya. "Anong problema, anak? Si Ava na ngayon ang pinupuntirya nila. Pinapagalitan at minumura na siya ng lahat. Kumakampi na sa'yo ngayon ang mga tangang netizens na gumagawa ng gulo sa sandaling makaamoy sila ng kahit na ano. Hindi ba maganda to? Bakit galit ka pa rin?" "Paanong