Unang akala ni Naya ay nag-aalala si Daniel sa kaligtasan niya kaya siya nagpunta sa ospital para bisitahin siya. Hindi niya inakala na nagpunta si Daniel para kay Ava. Gayunpaman, may hindi maintindihan si Naya. May nangyari ba kay Ava? Naguluhan rin ang dalawang pulis sa tabi nang makita nila si Daniel na tinanong si Naya nang napakaemosyonal. "Sir, nawawala ba ang kaibigan ninyo? Dahil nagmamadali kang nagpunta para tanungin si Naya, suspetsa niyo ba ay may kinamalaman kay Naya ang pagkawala ng kaibigan niyo?" Hindi mapakali si Naya nang tinanong ito ng mga pulis. "Officer, napagbintangan lang ako. Hindi ko alam ang tinutukoy niya." Inosenteng tinignan ni Naya si Daniel. "Dan, paano mo ako nagagawang tanungin bang ganito ngayong wala si Ava? Naaksidente ako kanina lang at muntik ko nang hindi mailigtas ang sarili ko. Paano ko malalaman kung anong nangyari kay Ava?" "Daniel, sumosobra ka na! Kahit na anong mangyari, fiancée mo pa rin si Naya. Sinusubukan mo ba siyang
Kaagad na naglakad ang nanay ni Naya at sinara ang pinto ng ward. Nang tumingin siya pabalik kay Naya, nakita niyang nagbago ang mukha ni Naya. Sa sandaling ito, nanlulumo ang mga mata niya at nagngitngit ang ngipin niya sa galit. "Naya, anong nangyayari? Si Ava ba…" "Hindi ko talaga to inasahan." Ngumisi si Naya. "Napakaraming taon ko nang kilala si Daniel, pero hindi ako kasing galing ni Ava na nakilala niya lang ng ilang taon? At may amnesia pa rin siya kaya hindi pa rin niya naaalala kung sino si Ava. Pero kahit na ganun, sa ilalim ng ganitong sitwasyon, ipinagtatanggol pa rin niya ang p*tang yun." Galit na galit si Naya at pakiramdam niya ay nadaya siya. Bahagyang mukhang namomroblema ang nanay ni Naya habang nakatayo siya sa tabi niya. Pagkatapos, nagmadali siya para pakalmahin si Naya. "Naya, wag ka nang magalit. Sa galing mo, hindi mo na kailangang pakasalan si Daniel. Marami pang mga anak ng mayayaman at dakilang pamilya na pwede mong pagpilian mula sa Glendale." "Sy
Bago pa magising nang tuluyan si Ava, narinig niya ang boses ng isang bastos na lalaking inuutusan siya.Nakaramdam siya ng sakit sa kanyang batok. Gusto niyang itaas ang kanyang kamay upang hilutin ito, ngunit napansin niyang hindi niya maitaas ang kanyang kamay. “Narinig mo ba ako? Kinakausap kita!” Naiinis na sinabi ng lalaki at tinulak si Ava nang walang-awa. Doon lang nagising nang tuluyan si Ava. Tumingin siya sa taas at nakita ang lalaking nakaitim na nakatayo sa harapan niya. Pagkatapos nito, naalala niya ang nangyari bago siya mawalan ng malay.Nagmamaneho siya habang naghihintay sa pulang ilaw nang sumugod ang lalaking ito, sinakal siya at binatukan siya.Kahit na noon pa man ay matapang na si Ava, alam niyang kumilos ayon sa sitwasyon.Sa sandaling ito, nakatali siya at hindi niya alam kung nasaan siya. Syempre, wala siyang magagawa kundi manatiling kalmado.“Sino ka? Bakit mo ako dinala dito?” nagpanggap si Ava na natatakot habang nakatitig siya sa lalaki, palihim
Nabigla si Ava nang marinig niya ito. Pagkatapos, nakita niya ang caller ID na nasa screen. ‘Bakit ako tinatawagan ni Maddie sa ganitong oras?’ Nag-iisip pa si Ava nang biglang sinagot ng lalaki ang tawag ni Madeline.Walang alam si Madeline tungkol sa pagkakadakip kay Ava. Gusto lang niyang tanungin si Ava kung kailan siya babalik sa lumang manor. Hindi niya inasahang lalaki ang sasagot sa phone.“Sino ka? Nasaan si Ava?” Kusang naramdaman ni Madeline na ang taong sumagot ng tawag ay hindi isang mabuting tao sa pananalita nito at ang tono nito ay medyo bastos.“Sino ka ba kay Ava?” mayabang na tanong ng lalaki.“Sagutin mo muna ako. Sino ka? Bakit hawak mo ang phone ni Ava?”“Ava? Dahil masyado kang nag-aalala sa kanya, siguro matalik na kaibigan ka ni Ava. Sasabihin ko sa’yo. Kasama ko si Ava ngayon, at gusto ko ng ten million bilang ransom, kaya dalian mo at maghanda ka nang magbayad. Kung hindi, ‘wag ka nang umasang makikita mo pa ulit si Ava.” Nang marinig ito ni Madeli
Hindi nag-isip nang matagal si Jeremy bago siya makapagpasya.“Tumawag muna tayo ng mga pulis.” “Pero sabi ng kidnapper…” “Linnie, alam kong nag-aalala ka para kay Ava. Pero sa oras na ito, kailangan nating magtiwala sa pulis. Kahit na hindi ka nagtitiwala sa pulis, magtiwala ka sa akin. Hindi ko ibubuwis ang kaligtasan ng kaibigan mo.” kinumbinsi ng maamong boses ni Jeremy si Madeline.Tumingin si Madeline sa malalim na mata ni Jeremy at tumango.“Sige, naniniwala ako sa’yo.” Pinisil ni Jeremy ang kamay nI Madeline upang pakalmahin ito bago dumiretso sa estasyon ng pulis.Pagkatapos nilang magpunta sa estasyon ng pulis, nalaman nilang nagpunta rin dito si Daniel upang maghain ng report. Kaagad na kinausap ni Madeline at Jeremy si Daniel. Pagkatapos magkita ng tatlo, hindi na mukhang kakaiba si Daniel tulad noong wala pa itong alaala. Sa halip, kaagad nitong sinabi kay Jeremy at Madeline ang nalalaman niya.“Na-kidnap si Ava, at tingin ko may kinalaman dito si Naya. Sinubu
“Mommy.” “Nandito si Mommy. Ang bait mo talaga, Pudding,” Malambing na tinapik ni Madeline ang ulo nito. “Mommy, ‘di po ba pupunta sio Aunt Ava sa bahay natin ngayon?” nagatataka ring nagtanong si Jackson. Sinusubukan ni Madeline na gumawa ng dahilan para makalusot dito nang marinig niya ang pamilyar na yabag mula sa labas. Tumingin siya dito at nakita niyang nakauwi na si Jeremy. Tumayo si Madeline habang dala ang kanyang bunsong anak. “Jeremy, nakabalik ka na. May balita ba?” Kinuha ni Jeremy ang batang lalaki mula sa braso ni Madeline at malambing itong hinalikan.“Wala pang balita, pero nalaman ko na kung sino ang dumakip kay Ava.” “Sino?”“Ang kidnapper ay isa lang batugan na maraming criminal record. Para madaling makakuha ng pera, gagawin niya ang kahit ano.” pagkatapos nito, sinuri ni Jeremy ang sitwasyon at sinabi, “Nalaman ko na kailan lang ay tumatanggap siya ng malaking pera sa account niya, at ang halaga nito ay katumbas ng perang inilipat ni Naya. Ibig-sabih
Tinignan ito ni Madeline at nakita niya ang isang lalaking nakaitim at nakasuot ng salamin. Mukha itong magnanakaw. Sigurado siyang hindi niya kilala ang lalaking ito, ngunit naramdaman niyang pamilyar ito. Pagkatapos mag-isip sandali, biglang naalala ni Madeline na ang lalaking ito ang sangganong dumakip kay Ava. Kumislap ang mata ni Madeline nang maalala niya ang kuha na ipinakita sa kanya ni Jeremy kagabi. Siguradong ang lalaking nasa harapan ngayon ang taong dumakip kay Ava. Tok, tok, tok. Muling kumatok ang lalaki sa bintana ng kotse ni Madeline. Maingat na ibinaba ni Madeline ang bintana. Hindi sapat ang siwang para ipasok ng kahit sino angkanilang kamay. Tinignan niya ang lalaki nang kalmado at nagtataka, “Sir, ano pong problema?” “Ikaw si Eveline Montgomery, tama?” direktang nagtanong ang lalaki, at ang boses niyang kasinggaspang ng papel de liha ay nagpasiguro kay Madeline na ito ang mandurukot na gustong manikil ng sampung milyong dolyar.“Ako nga. Maaari ko ba
Hindi nangahas si Madeline na isugal ang kaligtasan ni Ava. Tinignan niya ang paligid. May mga dumadaan na mga sasakyan ngunit walang mga taong dumadaan. Kahit na meron mang mga napadaan, hindi pa rin madali na humingi ng tulong. Sinundan ni Madeline ang lalake sa kabilang panig ng kalsada, para madiskubre lang na ang kotse na pinahiram niya kay Ava kahapon ay nakaparada doon. Ang lalake ay pinaandar ang kotse at sinundan siya sa lugar ng eskwelahan ni Jackson. Malamang ay may nagsabi sa taong ito dahil nagawa nitong matukoy sa loob lamang ng isang araw, at ang taong ito ay walang iba kung hindi si Naya. Sa may ospital. Komportableng nakahiga si Naya sa kama. Matagal na siyang magaling, maliban na lang sa ilang sugat na natamo niya. Sa madaling salita ay ayos lang siya, ngunit ang babae na binangga niya ay nakaratay pa din sa loob ng ICU at nakakoma. Kumuha siya ng isa pang pamalit na mobile phone. Nang tatawag na sana siya, nakita niya ang kanyang ina na naglalakad