Nang hindi niya nakita si Daniel, kumabog ang dibdib ni Ava. Bigla siyang hindi mapakali. Nang maalala niya ang nangyaring aksidente noon, kaagad na nilabas ni Ava ang kanyang phone para tawagan si Daniel. Hinawakan niya ang kanyang phone habang naginginig ng malakas ang kanyang mga kamay. ‘Pakiusap, ilayo niyo sa kapahamakan si Dan.’Tahimik na nagdasal si Ava, ngunit hindi niya matawagan ang phone ni Daniel. Ang pakiramdam na ito ang naging dahilan para bumilis ang tibok ng puso ni Ava. Gusto niyang hanapin sib Daniel ngunit hindi niya alam kung saan magsisimula.Bigla, isang pamilyar na yabag ng mga paa ang narinig niya mula sa kanyang likuran. Kaagad na lumingon si Ava. “Dan—Mr. Lowe.”Nang makita niya si Tom, kaagad na nabasag ang ekspektasyon ni Ava. Pero, nginitian pa din ni Tom si AVa. “Nakita ko mula sa lobby na ang tagal mo nang nakatayo dito. Mukhang hindi ka mapakali. Meron ba akong maitutulong sayo?” Nagulat si Ava at umiling. “Hindi, hinihintay ko lang ang
Nagkatinginan sina Ava at Tom. Para bang naiintindihan ni Ava na sinusubukan niyang maghanap ng paraan para makaalis siya sa sitwasyon. Tumango siya at gustong tanggihan si Neil, ngunit narinig niyang nanghihinayang na nagsalita si Neil, "Ganun ba? May usapan kayo ng kaibigan mo, Ava? Sayang naman. Ngayon ang kaarawan ng nanay mo. Nagkatagpo na ulit ang pamilya natin. Sa tingin ko umaasa rin ang nanay mo na makakain ulit tayo nang sabay-sabay." Nang marinig ang mga salitang ito, bumara sa lalamunan ni Ava ang mga salita ng kanyang pagtanggi. Sandali siyang hindi makapagsalita. "Ava kung pwede ka…" Para bang nagmamakaawa si Neil sa kanya, pero sa gitna ng kanyang pangungusap, bigla siyang ngumiti. "Dahil may iba kang pupuntahan, mas mabuti kung pupuntahan mo yun. Ayos lang sa'min ng nanay mo na kami na lang muna ang magkasama." "Pwede mo rin akong isama kung ayos lang sa'yo." Ngumiti si Tom. Para bang nagbibiro siya. Mainit na nag-imbita si Neil, "Kung ayos lang sa'yo, pwede
Nagsimulang umasa si Raegan sa puso niya pagkatapos niyang makita ang kinikilos ni Neil. Humakbang siya ng dalawang beses papunta sa pinto, pagkatapos ay nanigas ang kanyang ekspresyon. “A-Ava?”Hindi makapaniwala si Raegan nang makita niya si Ava na nakatayo sa harapan niya. Ngumiti ang mga labi ni Ava. "Para sayo to. Happy birthday." Iniabot niya sa kamay ni Raegan ang isang bouquet ng carnation. Nabigla si Raegan at naramdaman niyang lumuha ang gilid ng kanyang mga mata. Ang eksenang ito ay isang bagay hindi niya tinangkang isipin. Nang nakita ni Neil na maiiyak na si Raegan, mabilis niyang pinutol ang katahimikan. "Anong masarap na pagkain ang niluto mo? Naamoy ko hanggang dito." Nang marinig ito, naintindihan ni Raegan ang sinasabi ni Neil. Mabilis niyang pinakalma ang sarili niya at inimbitahan si Ava na pumasok. "Ava, pasok ka, dali. Hindi mo kailangang mahiya. Bahay mo to, kaya pwede kang bumalik kahit na kailan mo gusto. Bukas palagi ang pintuan ng bahay na'to
"Anong hiniling mo?" Pabirong tanong ni Neil. Tinignan lang ni Raegan si Ava nang may malumanay at mapagmahal na ngiti. "Hindi yun magkakatotoo kung sasabihin ko, at sa tingin ko malapit na rin itong magkatotoo." Naintindihan ni Neil ang ibig sabihin ni Raegan, ganoon rin sina Ava at Tom. Alam nilang lahat ito. "Kain na tayo. Subukan niyo ang mga pagkain at tikman niyo kung masarap. Si Ava ang nagluto ng dalawang putaheng ito, kaya bigyan niyo siya ng komento." Ngumiti si Raegan para pagaanin ang ere. Masunuring itinaas nina Neil at Tom ang kanilang mga tinidor para subukan ang dalawang putaheng niluto ni Ava. Pagkatapos ngumuya, nagbigay sila ng parehong komento. "Ava, magaling na nga ang mga disenyo mo, nakakamangha pa ang pagkaing niluto mo. Ang sarap ng buttered prawns na'to," papuri ni Tom nang hindi pinipigilan ang kanyang sarili. Tumango si Neil, isang nagmamalaking ngiti ang nasa kanyang gwapong mukha. "Syempre, magaling ang anak ko sa kabit na anong gawin niya.
Gulat na tinignan ni Ava ang nanay ni Naya na si Esther. Nakatayo siya sa harapan ng pintuan ng kanyang apartment. Mahirap isipin kung gaano katagal nang naghihintay si Esther dito. Nang makita ni Esther si Ava at Tom na naglalakad nang magkasama, kaagad siyang tumawa. "Tsk tsk, Ava. Minaliit talaga kita. Hindi, minaliit ka ng lahat." Ngumiti si Ava nang marinig niya iyon. "Oh, talaga? Mrs. Mendez, diretsuhin mo na lang ako at sabihin mo ang gusto mong sabihin." Galit na galit si Esther nang makita niya ang aroganteng pag-asta ni Ava, pero nagpanggap pa rin siyang kalmado at ngumisi. Dahil sa paninira mo, naakusahan ang anak ko bilang isang walang awang babae na sinubukang manira ng relasyon ng iba. Iniisip ng lahat ay isang masamang tao si Naya, pero Ava, anong karapatan mo para siraan ang anak ko nang ganyan? Inagaw mo si Daniel at ngayon kasama mo si Tom, kaya bakit ka pa rin nagpapanggap na inosente?" "Mrs. Mendez, hindi ako makikipag-away sa'yo para sa relasyon ng mga pa
Pagkatapos pumasok si Ava sa bahay, mabilis siyang naligo at humiga sa kama. Nagpadala siya ng mensahe kay Daniel, at habang naghihintay, nakita niya na nagpadala ng mensahe sa kanya si Tom. Nag-alala si Tom na baka natakot si Ava pagkatapos ng biglaang paglitaw ni Esther kanina kaya kinumusta niya siya. Naantig si Ava at sinagot si Tom. Gayunpaman, nang nasa chat interface siya, nakita ni Ava ang larawan na pinadala ni Tom kanina lang. Maituturing itong isang family photo. Tahimik na tinitigan ni Ava sina Raegan at Neil sa larawan. Puno ng hindi maitatagong saya ang mga mata nila. Iyon ang saya ng mawalan at makuha itong muli. Ito na siguro ang family photo na matagal na nilang hinihiling. 'Kung ayaw na ayaw niyo talagang humiwalay sa'kin, bakit niyo ko iniwan nang basta-basta noon?' Tinanong ni Ava ang sarili niya, ngunit hindi siya makahanap ng sagot. Malungkot niyang tinignan ang mga larawan at sa huli ay nakita niya ang dalawa sa mga ito na kasama si Tom. "Nasa
Pagkatapos itong marinig, kaagad na nalaman ni Ava kung bakit nakatingin sa kanya nang ganito ang mga tao. Lumalabas na may nagkalat ng balitang may relasyon sila ni Tom at ipinakalat ito sa internet para punahin sila ng mga tao.Higit pa rito, hindi na kailangan ni Ava na isipin pa kung sinong gumawa nito. “Shh, tumahimik ka. Nandyan siya oh.” hindi kilala kung sinong nagsabi nito, at ang empleyadong sumisigaw kanina ay kaagad na tumigil sa pagsasalita. Nabagabag saglit si Ava, ngunit hindi na siya nag-abala pang magpaliwanag. Gaano karaming tao ba ang handang maniwala sa kanya sa sitwasyong ito? Tumunog ang phone ni Ava habang iniisip niya ang tungkol dito. Tinignan niya ito at nalaman niyang si Maisie ang tumatawag. Sa sandaling iyon, nakarating na ang elevator sa destinasyon niya. Hindi niya ito sinagot at kaagad na lang lumabas ng elevator. Pakiramdam niya na sa sandaling lumabas siya ng elevator, kaagad siyang pag-uusapan ng mga tao sa elevator.Huminga nang malal
Tumango nang bahagya si Tom. “Naisip mo ba na baka ganito si Naya dahil sa nanay niya?” “Oo.” itinikom ni Ava ang kanyang bibig at ngumiti. Pagkatapos, bigla siyang nakonsensya ulit. “Pasensya na, Mr. Lowe. Ang taong gustong puntiryahin ng nanay ni Naya ay ako. Hindi ko inaasahang madadamay ka rin.” “‘Wag mong sabihin ‘yan. Malinis ang konsensya natin, at hindi natin mahuhulaan ang susunod na hakbang ng mga taong may masamang intensyon. Maging totoo ka lang sa sarili mo at protektahan mo ang sarili mo. Sapat na ‘yun.” Kumalma si Ava sa sagot ni Tom. Talagang ganito ang pag-iisip niya. Tingin niya ganito ang iniisip ni Tom dahil matagal na siyang nasa mundo ng negosyo, kaya siguro sanay na siya sa ganitong nakakabagot na isyu. “Mr. Lowe, anong nangyari sa opisina? Parang maraming tao ang gumagawa ng ingay,” nagtatakang tanong ni Ava. Tumingin si Tom sa nagtatakang titig ni Ava nang maamo. “Siguro may inupahan ang babaeng ‘yun na magpunta para pahirapan ka. May inutusan na ak