Share

Kabanata 2419

Medyo nag-aalala si Madeline nung hinarap niya ang mabangis at nakakatakot na itsura ni Esther, ngunit hindi siya ganun katakot.

Naramdaman ni Esther na parang may mali nung nakita niya si Madeline na mahinahon pa din. Pakiramdam niya ay kapag hindi pa siya kumilos ngayon, baka wala na siyang pagkakataon na gawin iyon mamaya.

Kadalasan ay namamatay ang mga kontrabida dahil masyado silang nagpapatagal. Hindi niya gusto na maulit ang nangyaring pagkakamali ni Naya.

Kaya naman, kailangan niyang mabilis na iligpit si Madeline.

Tinaas ni Esther bigla ang switchblade, ng may mabngis na eskpresyon. “Naya, maipaghihiganti na kita ngayon! Hindi ko mapapatawad ang sinumang kumalaban sayo!”

Pagkatapos niyang isigaw ang mga salitang iyon na parang naglalabas ng sama ng loob, sasaksakin na ni Esther si Madeline gamit ng kutsilyo.

Sa kritikal na sandaling iyon, may narinig si Esther na sinigawan siya.

“Esther!”

Huminto ang kamay ni Esther. Iiwas na sana si Madeline ngunit nagulat siy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status