Share

Kabanata 2429

“...”

Masyadong halata ang gustong ipahiwatig ni Madeline. Hindi tanga si Ava. Syempre naunawaan niya.

Habang nananahimik si Ava, may kumatok nang mahina sa pinto ng ward.

Sabay na napatingin si Madeline at Ava at nakita si Neil na nakasuot ng puti habang nakatayo sa tapat ng pinto nang nag-aalinlangan. Mukhang naguguluhan ito. Nag-aalala ito ng sobra sa magiging reaksyon nI Ava sa paglitaw niya, ngunit kasabay nito, umaasa siyang papapasukin siya ni Ava.

Tinignan ni Madeline ang dalawang taong hindi nagsasalita, nakangiti at sinabi, “Hello, Dr. Long. Nagkataong pinag-uusapan ka namin ni Ava.”

Nang marinig niya ito, lalong gumaan ang mukha ni Neil, at nagkaroon ng ngiti sa kanyang mukha. “Talaga? Anong pinag-uusapan niyo?” pumasok siya habang nagtatanong, habang bumabaling kay Ava ang kanyang titig paminsan-minsan.

Nang makita niya ang mga sugat sa mukha ni Ava, sumakit ang puso niya, ngunit wala siyang masabi upang pagaanin ang loob ni Ava. Para bang wala na siyang karapatan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status