Nawalan ng sigla ang mga mata ni Madeline. Malinaw niyang nakikita ang singsing na suot ni Meredith at iyon pa nga ang singsing na kanyang dinesenyo! "Madeline, talented ka. Ang ganda tignan ng singsing. I like it, pero ang pinakamahalaga, si Jeremy ang nagsuot sa'kin nito." Pinagmamayabang niya ang kanyang singsing, malinaw ito sa kanyang mga mata. Tinupi ni Madeline ang kanyang mga daliri at mahigpit na hinawakan ang phone na kanina pa nagre-record ng video. Ngumiti siya habang nagngitngit ang kanyang ngipin. "Meredith, inaamin mo ba ngayon na friname-up mo lang ako for plagiarism kahit na malinaw na ako talaga ang tunay na creator?" Suminghal si Meredith. "Eh ano ngayon? Sinong maniniwala sa'yo? Sino ka ba para kalabanin ako?" "Tama na 'yan." Ngumiti si Madeline at tumalikod pagkatapos niyang sabihin iyon. Nang makita ni Meredith si Madeline na may kakaibang kinikilos, pakiramdam niya ay parang may mali. Nang mapagtanto na niya kung anong mali, nakasakay na sa kotse si
Malinaw na hindi inaasahan ni Jeremy na magkakaroon ng lakas ng loob si Madeline na magsalita sa kanya ng ganito. Sa umpisa ay gusto niya sanang turuan ng leksyon si Madeline, pero bigla na lang nagbago ang ekspresyon sa kanyang mga mata. Malamig pa rin ang kanyang tono kagaya ng dati. "Anong ibig mong sabihin na 'di ka na magtatagal?" Hindi inaasahan ni Madeline na mababahala si Jeremy tungkol dito. Hindi ba kanina sumisigaw siya at nagbababala na huwag saktan si Meredith? Hindi niya maintindihan kung ano ang nasa isip ni Jeremy. Subalit, ayaw niyang sabihin sa kanya ang tungkol sa tumor sa kanyang katawan. "Wala lang 'yon. Hindi ka dapat nababahala sa mga sinasabi ng isang babaeng katulad ko, Mr. Whitman." Pagkatapos magsalita ni Madeline, tinulak niya papalayo si Jeremy. Siguro dahil na rin sa epektong sikolohikal, biglang nagsimulang sumakit ang lugar sa kanyang katawan kung nasaan ang tumor. Ngunit hindi basta-bastang sumuko si Jeremy. "Madeline, napakatigas ng ulo mo. N
Kung siya iyon, anong pagkatao ang kanyang ginamit para tulungan siyang bayaran ang kanyang utang? Nagpresenta ba siya bilang kanyang asawa? Subalit, nadurog kaagad ang kanyang ekspektasyon. Nagsabi sila ng isang pangalan---Daniel. Kaagad na tinawagan ni Madeline si Daniel. Pagkatapos ng ilang sandali ay dumating siya. Nang sinabi ni Madeline sa kanya ang tungkol dito, nakahinga siya ng maluwag. "Akala ko may masamang nangyari sa'yo, Maddie. Ito lang pala. Wala lang 'yon. Hindi mo na 'to kailangang dibdibin pa." "Wala lang 'yon." Seryosong tinitigan ni Madeline si Daniel. "Dan, hindi ko alam kung kailan kita mababayaran. Maraming salamat." "Hindi mo kailangang magmadali. Hindi ko kailangan yung pera kaagad-agad." "Alam ko 'yun pero---" "Kung gusto mo talaga akong pasalamatan Maddie, eh di pwede mo kong ilibre ng pagkain. Dumating ako dito nang di pa kumakain." Pinutol ni Daniel si Madeline. Mariin siya nitong tinitigan nang may marahang titig. "Masaya ako na natutulungan
Namutla ang mukha ni Madeline. Napakadumi at gusgusin nga niya para sa kanyang puso. "Jeremy, rumespeto ka naman sa mga sinasabi mo!* Hinila ni Daniel si Madeline papunta sa kanyang likuran at biglang naging malagim ang hangin sa pagitan nilang lahat. Mababang tumawa si Jeremy. "Respeto? Nakikipaglandian ka sa isang babaeng may asawa na in public tapos sinasabihan mo pa ako na rumespeto?" Gumagamit siya ng matalim na salita, pinapakita nito na wala na siyang pakialam sa nararamdaman ni Madeline. "Kailan mo ba trinato si Maddie bilang asawa? At saka, hindi mo na siya asawa ngayon!" Hindi natatakot si Daniel kay Jeremy. Harap-harapan niya itong tinatapatan. Nababalot ng malamig na ere ang mukha ni Jeremy. Tinignan niya si Madeline nang mag nakakapangilabot na titig sa kanyang mga mata. "Ganito ka ba magseduce ng lalaki sa labas?" Kinilabutan si Madeline. Hindi niya maintindihan ang inis sa mga mata ni Jeremy. Iniangat niya ang kanyang kamay at hinila si Madeline sa kanyang
Nanatili sa kanyang taenga ang mababa at malalim na boses mi Jeremy at bumilis ang tibok ng piso ni Madeline. Subalit, wala na ang pag-aasam na mayroon siya noon. Natabunan na ng galit niya kay Jeremy ang dating pagmamahal niya para dito. Di inasahan ni Madeline na ayos lang kay Old Master Whitman na nakulong siya sa bilangguan sa loob ng tatlong taon. Sa halip ay malumanay nitong sinabi kay Madeline na magbagong-buhay siya at mamuhay ng masaya kasama si Jeremy. Halatang makalumang tao ang old master. Kaya malamang ay magagalit siya sa kanyang apo sa paggawa ng ganitong krimen. Subalit sa sandaling ito, nagulantang si Madeline. Nahabag siya at tumanaw ng utang ng loob. Naalala rin niya sa old master ang kanyang lolo na yumao. Pareho silang napakabuting mga tao. Kumain si Madeline ng hapinan sa Whitman Manor. Ramdam na ramdam niyang ang lahat ay kinukutya siya bukod sa old master, lalo na ang nanay ni Jeremy. Pag-alis ng old master, mapangkutyang tinignan ng nanay ni Jeremy si
Lumingon ang maliit na bata dahil siguro narinig niyang may papalapit. Ang nakakatuwa at blanko niyang mukha ay nakaharap na kay Madeline. Ang maliwanag at malinaw niyang mata ay parang makintab na baldosa nang kumurap ito at tumitig kay Madeline. Tila ba napawi ang apoy ng poot sa puso ni Madeline sa isang iglap. Pagkatapos ay napalitan ito ng di maipaliwanag na pagmamahal at kagandahang-loob. Lumabas ang luha sa mga sulok ng kanyang mata at bigla siyang nakaramdam ng kagustuhang umiyak. 'Kung nandito pa ang anak ko, siguro nakakatuwa din siya kagaya nito.' Atsaka, bukod-tangi din si Jeremy. Ang anak niyang nagmana sa kanya ay siguradong magiging kasingwapo niya. Yumuko si Madeline at hinawakan ang malambot at nakakatuwa nitong mukha. "Anong pangalan mo honey?" Nakakatuwang sinabi ng maliit na bata, "Tawag sa akin ni mommy at daddy ay Jack." 'Mommy at daddy'. Nasaktan si Madeline sa mga salitang ito. Dapat may mommy at daddy din ang kanyang anak, ngunit ngayon… "Ma
Dapat ba siyang bumalik sa kanya? Iniangat ni Madeline ang kanto ng kanyang labi at ngumit bago malambing na sabihin, "Sige." Pagkatapos niyang magsalita, lumingon siya at tumingin kay Meredith. Sa sandaling ito, kasing itim ng uling ang mukha ni Meredith at medyo mahigpit na nakatikom ang kanyang labi. Inis na inis siya na halos durugin na niya ang kanyang mga ngipin. Subalit, ang pagkasalungat ng kanyang itsura ang pinaka ikinatuwa ni Madeline. Malapit na siyang sumabog, ngunit ayaw niya pa ring sirain ang imahe niya bilang isang mahinhin at mapagmahal na babae. Nakita ni Madeline na palapit si Jeremy kay Meredith. Siguradong balak niyang damayan ang mapagpanggap na pokpok na ito. Mula sa malayo, nakita no Madeline na hawak ni Meredith ang kanyang anak habang kaawa-awang lumalapit kay Jeremy. "Jeremy, takot na takot ako na baka saktan ulit ako ni Maddie pati ang anak natin. Nasa kulungan siya sa loob ng tatlong taon, at mukhang mas malaya na siya ngayon." Reklamo ni Mered
Napakahigpit ng hawak sa kanya ni Jeremy, at sa kabila ng pagpupumiglas ni Madeline para makatakas, napilit pa rin siyang ipasok sa kotse. Hindi alam ni Madeline kung kailan tumigil ito na isiping madudumihan niya ang kotse nito. Pinapaupo na siya nito sa pampsaherong upuan ngayon. Biglang dumilim ang langit. Sandali lang, sinundan ito ng malakas na hangit at ulan. Nagsimulang magbago ang timpla ni Madeline. Tuwing umuulan nang malakas, naaalala niya ang gabing nanganak siya. Sa masikip na karwahe, lalong lumaki ang takot sa kanyang puso. Ayaw niyang balikan ang madilim na gabing iyon, ang madugong gabi na naglayo sa kanila ng anak niya. "Jeremy saan mo ako dadalhin? Balak mo ba akong patayin dahil tumanggi akong hiwalayan ka? Di kita hahayaang magtagumpay ulit!" Nawalan na ng kontrol si Madeline sa kanyang emosyon at sinubukan pang buksan ang pintuan ng kotse. Hindi pa siya pwedeng mamatay. Hindi pa niya naiipaghiganti ang kanyang anak! Mabilis na isinara ni Jeremy ang p