“A-Alvaro! T-Talaga bang a-aalis ka na? P-Por favor, no por ahora. (P-Pakiusap, huwag muna sa ngayon.)”
“Aalis ako, Victoria. Mi decisión está completa, volveré cuando todo esté bien (Buo na ang aking pasya, babalik ako kung kailan maayos na ang lahat).”
“Ngunit Alvaro, h-huwag ngayon. Tiyak na magagalit si ama, lalo na kapag nalaman niyang—”
“Ano? Malaman niya ang tungkol sa alin? Victoria, kahapon mo pa bukambibig at ipinapabatid ang tungkol sa isang bagay na hindi mo naman masabi-sabi.”
&nbs
yey! maraming salamat sa inyong suporta.... Hindi ko alam kung masasabi ko bang ito pa lamang ang simula, o maaaring ang katapusan na hahaha... pero malayo-layo pa tayo sa sukdulan kaya't--
“Walang sinabi ang Matandang manggagamot. Paumanhin, hindi ko na nagawa pang itanong,” sagot ni Vahlia sa tanong ni Alvaro. Nasa harapan na nga sila ng palumpon ng mga Sampaguita at ang mahalimuyak na amoy ng mga bulaklak ang siyang bumabalot sa hangin. “Nais ko rin sanang linawin ang lahat sa pagkakataong ito, Alvaro. Nawa’y—”“Kung ito’y patungkol sa atin at sa nakaraan, mangyaring ako na lamang ang siyang maglakad papalayo sa iyo, Victoria. Batid kong hindi ako karapat-dapat sa pangalawang pagkakataong hinihingi ko mula sa iyo. At kahit makailang beses pa akong humingi ng tawad ay alam kong hindi pa rin iyon sasapat sa nagawa kong pagkakamali.”&
“A-Anak ng— Kamatis,” napapapikit na daing ni Vahlia habang sinusubukang tumayo mula sa pagkakasalampak. Mabuti na lang at sa isang malawak na lupaing tanging mga makakapal at mayayabong na damo ang nasa ibaba ng bangin na siyang kanilang binagsakan. Dulot pa rin ng pagkahilo dahil sa nangyari ay itinukod nito ang kamay sa kan'yang harapan, dahilan upang biglaang mapasigaw si Mateo. Huli na nang mapagtanto niyang nakaibabaw ito sa lalaki at kamuntikan ng mapisa ang hindi dapat. “P-Paumanhin,” tanging nasabi niya at mabilis na nakalayo mula kay Mateo. Sa labis na sakit sa kanilang pagkakahulog, isama pa na siya ang sumalo’t naging kutson ay siguradong mananakit ang buo niyang katawan. Mababakas ito sa mukha niyang hindi n
“Señora! Señor Mateo!” gulat na sigaw ni Ate Delia nang makita ang dalawa sa bungad ng tarangkahan ng mansiyon. Tumila na ang ulan, parehong basang-basa ang mga kasuotan at mga buhok. Nangunot ang noo ng Mayordoma nang makita ang dalawa sa ganitong hitsura, nakayukong tila may itinatago ang Babae samantalang si Mateo ay taas noo at ngiting-ngiti. Napapikit na lamang sa labis na hiya si Vahlia habang nakayuko at nakakulong sa mga bisig ni Mateo. Maya-maya pa’y muntik na siyang mapatalon nang bigla siyang buhatin ni Mateo pababa ng kabayong kan'yang sinasakyan. “Maaari ko bang malaman kung saan kayo nanggaling at kayo’y basang-basa?” nag-aalalang tanong ni Ate Delia sa kanila habang naglalakad papasok si Mateo buhat-buhat si Vahlia sa kan'yang m
“Disculpe Gobernadorcillo Gonzales, pero lo que pido es la prueba de culpa enfatizada en Don Gonzalo. (Mawalang galang na Gobernadorcillo Gonzales, ngunit ang aking hinihingi ay ang mga patunay na pagkakasalang idinidiin kay Don Gonzalo.)” Walang mababakas na emocion at tanging ang tindig nitong kakilakilabot habang kaharap ang balbas saradong gobernadorcillo ng bayan ang mapupuna. Nasa tanggapan sila ngayon na siyang pinuntahan ni Mateo nang malamang dinala rito si don Gonzalo. Apat na guwardiya ang nakapalibot sa kanilang dalawa ngayon, at sa ano mang maling galaw niya ay siguradong dadamputin siya ng mga ito. Ngunit tila hindi niya ito alintana dahil pagkapasok niya pa lamang ay dire-diretso siyang lumapit sa tinitingalang namu
Nilingon ni Mateo ang bukas na bintana, sa labas ay isang matayog na puno. Dalawang ibon ang tila naglalampungan sa kaniyang harapan na siyang ikinairita niya’t tumalikod na lamang. ‘Kung sana’y hindi ko na tinakasan ang proyektong iyon at tiyak na kasama ko na ngayon si Victoria. Natanggap na kaya niya ang sulat na aking ipinadala?’ aniya sa kaniyang isipan. Maya-maya pa’y hinablot niya ang isang papel at ang pluma. Sinimulan na niyang magsulat ng panibagong liham na kaniyang ipadadala. Ito na marahil ang ikalimang sulat na niya kay Victoria magmula nang makarating siya rito sa Maynila. At ito na siguro ang magiging huli sa oras na lumisan siya papuntang Madrid. Ang kaniyang paglisan at ang dahilan nito a
Sa sinabing iyon ng Kaibigan ay nangunot nag noo niya, “Oh? Papaano naman naging problema iyon? Hindi ba’t isa iyong magandang balita? Matagal mo na rin siyang niligawan noon.”“Isa nga iyong magandang balita, ngunit kasalukuyang nagdadalang-tao si Milagros,” aniya na ikinaluwa naman ng mata ni Mateo. Ibinalik nito ang tingin sa kaibigan, matamlay ang mga mata nito at ngayon lamang niya napansin ang pamumutla nito. “P-Paanong… Bakit? Hindi ko inaasahang magagawa mo ang bagay na iyon.”“Dulot ng aking kapabayaan, hinayaan kong lamunin ako ng aking emoción. Nangamba akong tuluyang ilalayo nila don Flaviano si Milagros mula sa akin, kung kaya’t kinailangan kong maghanap at gumawa ng paraa
“Anak ng t-tupa,” daing ni Vahlia habang iminumulat ang mga mata nang tumama ang sinag ng araw sa kan'yang mukha. “Ay pasensiya na, Señora. Utos po ni manang Delia na hawiin ko na ang kurtina pagkat pasado alas nuwebe na ng umaga,” boses ni Karolina ang sumagot sa kaniya. “Ano ‘ka mo? Alas nuwebe na ng umaga?” paglilinaw ni Vahlia sa pagkagulantang. Hindi inaasahang aabutin siya ng mahabang oras sa pagtulog. Maya-maya pa’y tumama sa kan'yang memorya ang oras kung kailan na nga ba sila nakatulog kagabi, pasado alas onse na kaya! “O-Opo, Señora. Utos din po ni señor Mateo na gisingin namin kayo kapag sumobra na po ang inyong pagkakahimbing, pinapasabi rin niyang huwag na muna kayong sumunod sa
Sa sinabing iyon ng Ginang ay napangiwi si Mateo samantalang napakunot-noo naman si Vahlia dulot ng hindi niya maintindihan ang pag-eespanyol nito. “Ina, sa tingin ko'y hindi pa po ito ang tamang panahon para pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan,” tutol ni Mateo sa sinabi ng Ina. “Nagbibiro lamang ako, mi Hijo. Kumalat ang usaping patungkol kay Victoria at Alvaro, hindi lamang sa buong Isla Oriente kundi sa mga kalapit na lalawigan. Tanyag ang mga pangalang inyong dala-dala kaya’t sa aking pakiwari ay kinukuha nila ang pagkakataong ito upang pabagsakin ang inyong pamilya,” paliwanag ng Doña na ngayo’y kalmadong sumisimsim sa kan'yang baso. “Mateo, nec