Bumaba si Simon, hinawakan ang kwelyo nito, at itinayo. Muli nanamang babagsak ang kaniyang nakakuyom na kamao!Isang maawtoridad na boses ng isang babae ang biglang umalingawngaw. “Tumigil kayo!”Natakot si Sharon sa sigaw at mabilis na lumapit kay Simon at kunin ang kamay nito dahil bubugbugin na na nito hanggang kamatayan si Howard.Tumalikod siya para tumingin, at lumapit si Penelope na seryoso ang mukha.“Nababaliw na ba kayo? Nag-aaway kayo sa bahay ng mga Zachary. Sa tingin niyo ba ay patay na ako?” Galit na galit si Penelope, nagtataas-baba ang kaniyang dibdib sa galit.Dahan-dahang bumaba ang kamao ni Simon, pero malamig pa rin nitong tiningnan si Howard at binalaan ito, “Asawa ko na siya ngayon. Huwag ka ng maglakas loob na hawakan siya ulit!”Puro pasa ang mukha ni Howard. Masama ang pagkakabugbog dito, ngunit mayroon pa rin katigasan ng ulo ang makikita sa mga mata nito.Malamig na tiningnan ni Penelope si Sharon. ‘Lahat na naman ng ito ay para sa babaeng ito! Tama
Hindi niya mapigilang sumagot, “Walang kwenta! Iniinsulto mo ako at pinipilit ang sarili mo sa akin! Tiningnan niya si Penelope at sinabi, “Kung hindi kayo naniniwala sa akin, pwede niyong tingnan ang surveillance cameras para makitang pinipilit niya ang sarili niya sa akin!”Mayroong surveillance cameras sa buong kabahayan ng mga Zachary, kasama na ang garahe. Mapapatunayan ang kasinungalingan nii Howard sa oras na makita ang surveillance footage.“Walang hiya ka! Sinaktan mo ulit ang mommy ko!” Nakawala si Sebastian mula sa bisig ng ina at tumakbo palapit kay Howard para suntukin ito nang marinig niya ang sinabi ng ina.“Sebastian, halika dito kay lolo.” Natatakot si Douglas na maimpluwensyahan nila ng masama ang bata.“Lolo, kailangan niyo siyang parusahan. Sinaktan niya ang mommy ko,” saad ni Sebastian habang galit na nakatura kay Howard.“Paparusahan ko siya kung siya ang may kasalanan. Halika.”“Gusto ko kay Mommy.” Tumakbo pabalik si Sebastian sa kaniyang ina.Muling tin
“Sandali. Sinong nagsabi na pwede mong dalhin ang bata?” Tanong ni Douglas.Bahagyang nanginig ang puso ni Sharon. Bago pa siya makapagsalita, inutos ni Douglas, “Dalhin niyo ang bata sa kaniyang kwarto."Ilang kasambahay ang kaagad na lumapit sa kaniya at kinuha ang bata mula sa kaniya.Nabigla si Sharon. “Anong ginagawa niyo? Umalis kayo. Huwag niyong hahawakan ang anak ko!”Inayawan din ni Sebastian ang paglapit ng mga kasambahay. “Umalis kayo. Gusto kong sumama kay Mommy!”Hinampas ni Simon ang mesa at tumayo. “Tumigil kayo! Babaliin ko ang kamay ng sinumang hahawak sa kanila!”Hindi makagalaw ang mga kasambahay sa labis na takot at nagtinginan na lamang.Lumapit si Simon at binuhat ang bata. “Sebastian, manatili ka muna kasama ni lolo, aalis muna kami ng nanay mo ng ilang araw.”Ibinigay ni Simon ang bata kay Douglas. “Dad, alagaan mo ang bata. Aalis ako kasama ni Sharon.”Nanlaki ang mga mata ni Sharon. ‘Nababaliw na ba siya? Hindi ko pwedeng iwanan ang anak ko sa bahay
Pwersahan niyang binawi ang kaniyang kamay, sinusubukang pigilan ang hapdi sa kaniyang mga mata habang tumatangging umiyak sa harapan nito. Mapupula ang kaniyang mga matang tinitigan ito. “Inapi ako ni Howard sa opisina at sa bahay. Pinagdududahan mo pa akong mayroon akong relasyon sa kaniya. Hindi ako gusto ng kapatid mo at gusto akong paalisin. Sige, aalis ako. Pero sino ang tatay mo para kunin ang anak ko? Tinulungan mo pa silang kunin ang anak ko! Ibalik mo sa akin ang anak ko! Ibalik mo siya!”Sinubukan niyang hindi umiyak noong una, pero hindi niya na mapigilan habang nagsasalita. Lahat ng kaniyang sama ng loob at kalungkutan ay bumalik sa kaniya. Niyumukom niya ang kamao at sinuntok ito sa dibdib, umiiyak. “Ibalik mo siya. Ibalik mo si Sebastian sa akin!”Labis ang pagkakunot ng noo ni Simon at hinayaan lamang niyang bumagsak ang mga kamao nito sa kaniya at hindi gumalaw. Nang makita niya itong umiiyak nang may luha ang mga mata at nagmukhang batang babaeng ginawan ng masama,
Tiningnan siya nang nakapupukaw ni Simon at kalmadong nagtanong, “Gaano katagal sa tingin mo kaya ng batang iyon na mahiwalay sa iyo?Nasurpresa si Sharon. Hindi pa sila kailanman nagkahiwalay ni Sebastian. Hindi siya maaring mawalay dito, at hindi ito mabubuhay nang wala siya.Magwawala ang bata kapag hindi siya nakita, at hindi niya alam kung ano ang magagawa nito.Bigla niyang naintindihan kung bakit sinabi ni Simon na aalis sila ng ilang araw. Base sa kung gaano kamahal ni Douglas si Sebastian, siguradong maaawa si Douglas kapag patuloy hanapin ni Sebastian ang kaniyang ina.Tiningnan niya mula sa gilid ang kalmadong lalaki. Naisip niya na ito bago pa ang lahat. Hindi nakapagtatakang inilabas siya nito nang hindi lumalaban.“Dapat ba muna akong tumuloy sa kaibigan ko nang ilang araw?” Kahit na sinabi niya ito, nag-aalinlangan siyang lumayo sa kaniyang anak nang ganito katagal. Paulit-ulit niyang tintiingnan ang bahay ng mag Zachary mula sa bintana. ‘Tatakbo ba ito palabas? O h
Nanikip ang dibdib ni Sharon. “Nagpapanggap lang tayong mag-asawa. Wala ni isa sa pamilya Zachary ang nandito, kaya’t hindi natin kailangan magkunwaring mahal ang isa’t-isa, tama ba?”‘Kailangan niya bang seryosohin ito?’“Oo, kasal tayo sa kontrata, pero totoo ang marriage license. Kahit na sa papel o sa pisikal man, tunay tayong mag-asawa.” Hinila siya sa mga bisig nito. Rinig ng kaniyang tainga ang malalim nitong boses, at hindi nagtagal ay naramdaman niya ang pag-init ng kaniyang mga tainga.Hindi lang nag-iinit ang mga tainga ni Sharon, pati ang kaniyang puso ay mabilis rin ang tibok. Tama ito, at hindi niya ito matanggihan.Nagsimulang uminit ang kaniyang mga pisngi, at nahihiya niyang sinabi, “Sinasabi sa kontarata na nagpapanggap lang tayong mag-asawa. Pwe.. pwede bang tumigil ka sa kahihiyan mo!” Ang pananahimik niya ay hindi nangangahulugang hinahayaan niya itong maging intimate sa kaniya nang paulit-ulit!“At saka, hindi sinabi sa kontrata na pwede mo akong halikan. P
Pagkatapos itong marinig ay naintindihan na rin ni Sharon. Sige, para ito sa kapatid niya. Masiyado niya itong iniisip, akala niya…Kinagat niya ang kaniyang labi. “Naintindihan ko.”Iba ang kaniyang naisip sa kung paano siya tingnan ni Simon. “Gabi na. Maglinis ka na at matulog.”Pagod siya pagkatapos ng buong gabi. Hindi niya inaasahan na pagkatapos mapalayas sa bahay ng mga Zachary, titira siya kasama si Simon sa iisang kwarto kung saan dalawa lang sila. Hindi siya mapakali.Mabilis na tinapos ni Sharon ang kaniyang pagligo ngunit hindi nakita ang lalaki nang bumalik siya sa kwarto. Nakarinig lamang siya ng isang boses mula sa sala. Mayroon itong kausap sa telepono.Wala siyang intensyon na makinig sa usapan nito. Sinulyapan niya ang kama ng lalaki. ‘Dito ba ako matutulog?’Maaaring pumunta ang kapatid nito sa anumang oras. Mahirap itong ipaliwanag, kaya’t kailangan niya itong tiisin ngayon.. Mayroon silang kontrata, kaya’t marahil ay hindi naman ito gagawa ng anuman.Sa baha
Nang makitang hindi ito mapakali, nanukso ang lalaki, “Binigyan mo na ako ng anak. Ano pang dapat mong ikahiya?”Tinakpan ni Sharon ang kaniyang mga mata gamit ang mga kamay, hindi gustong tumingin. “Hindi iyon pareho!”Hindi siya nakatanggap ng sagot mula sa lalaki, ngunit gumalaw ang parte ng kama sa tabi niya. Pagkatapos ay lumapit ang lalaki at hinila siya sa bisig nito. Dinilat niya ang mga mata sa gulat. Nakapagpalit na ito ng night robe at nakahiga sa kama habang nakapulupot ang malalakas nitong braso sa kaniya.“Paano ka matutulog nitong nasa mga braso mo ako?” Gusto niyang makawala sa mga braso nito. Hindi siya sanay na mag-cuddle dahil sanay siyang matulog kasama ang anak.“Hindi ba’t sinabi mo na takot kang matulog mag-isa? Ayos ka na ba ngayon na yakap ka ng hubby mo sa pagtulog?” Bumagsak sa kaniya ang malambing na boses ng lalaki.Nanigas si Sharon.. ‘Hub… Hubby.”“Natakot lang ako nang kaunti, pero ngayon hindi na. Bitawan mo ako, “ Sabi niya habang kunwaring nakan