“Sino ka? Bakit ka naglilibot-libot sa kalaliman ng gabi at nananakot ng mga tao?” Tinapik ni Quincy ang dibdib habang tinitingnan nang masama ang tao. Hindi naalis ang takot sa kaniyang puso.Pinagmasdan niya ang suot nito. Isa ba ito sa mga tauhan ni Dayton?“Miss Quincy, hindi niyo ba ako nakikilala?” Mahinang tanong ng tao. Natatakot siyang mayroong ibang makakita sa kaniya.Base sa tono ng boses nito, mukhang magkakilala sila noon.Pinagmasdan siya ni Quincy mula ulo hanggang paa at umiling. “Sino ka? Magkakilala ba tayo?”“Ako si Terry, ang personal bodyguard mo. Hindi mo ba talaga ako naaalala?” Tiningnan niya ang malaking tiyan ni Quincy at mapait na tumawa. “Tama. Kung naaalala niyo ako, hindi kayo magiging asawa ng bastardong Dayton Night na iyon at hindi niyo dadalhin ang anak niya!”“Bakit mo pinagsasalitaan si Dayton nang ganiyan? Mayroon ba kayong alitan?” Mapaghinala siyang tinitigan ni Quincy.“Wala akong tanim na galit sa kaniya. Kayo ang siyang mayroong galit s
Newton Corporation. Malamig ang tingin ni Eugene kay Wyatt na pumasok para mag-report sa kaniya. Malamig niyang sinabi, “Ibig mong sabihin ay si Asher Gibbs ang nagpapakalat ng mga sabi-sabi na iyon?”Tumango si Wyatt at sinabing, “Opo, sinuhulan niya ang mga tao mula sa respetadong mga bahay ng mga elders ng pamilya Newton at sinabihan sila na ipakalat ang sabi-sabi na sisira sa reputasyon ng Madam. Kaya naman lahat ng elders ng pamilya Newton ay ayaw sa kaniya.”“Napakamapalinlang!” Naningkit ang mga mata ni Eugene. Hindi niya inaasahang bababa nang sobra ang isang lalaking katulad ni Asher.“President Eugene, dapat ba akong magsama ng mga tauhan para turuan siya ng leksyon at balaan siya na lumayo?” Matagal ng puno si Waytt kay Asher. Ang lakas ng loob nitong agawin ang asawa ng boss niya?!“Sa tingin mo ba ay mapapaalis mo ang isang katulad ni Asher gamit ang dahas?” Tiningnan siya ni Eugene.“Ah…” Nag-isip nang malalim si Wyatt. “Kung hindi tayo gagamit ng dahas, makatwira
Kahit na matapos marinig ang sinabi ni Eugene, mukhang walang planong sumuko si Asher kay Fern. Gusto niyang sirain ang kanilang kasal at hinihintay ang kanilang divorce.Akala ni Eugene ay galit lang si Asher dahil hindi sila nagkatuluyan ni Fern. Naisip niyang sinusubukan nitong ilabas ang sama ng loob sa kaniya sa pamamagitan nang pagkakalat ng tsismis na sisira sa reputasyon ni Fern.Ngayong nagkita sila, napagtanto niyang hindi ganoon ang sitwasyon. Sinusubukan ni Asher na gawin ito para agawin si Fern mula sa kaniya.Pinipilit pa rin nito na maging sila ni Fern. Magiging mahirap na pasukuin si Asher.Wala ng iba pang balak sabihin si Eugene. “Kung pinaplano mong hintayin na mag-divorce kami, ipagpatuloy mo lang.” Tumayo siya at pinagmasdan si Asher mula sa itaas. “Papadalhan ka namin ng imbitasyon kada taon ng wedding anniversary namin. Pero, hindi mo kailangang dumalo sa event.” Sinusubukan niyang sabihin kay Asher na hindi sila kailanman magdi-divorce ni Fern. Bagkus ay mas
Hindi maintindihan ni Fern kung bakit bigla itong sinasabi sa kaniya ni Eugene. Iniwasan niya ang mga labi nito. Saka niya ito diretsong tinitigan sa mga mata at nagtanong, “Bakit mo sinasabi iyan?”Nagdilim ang mga mata ni Eugene kasabay nang pagbaba ng kaniyang boses. “Mayroong nagsabi sa akin na mawawalan ka ng kalayaan pagkatapos mo akong pakasalan.”Kumunot ang noo ni Fern bago muling ngumiti. “Sino ang nagsabi sa iyo niyan?”“Hulaan mo.” Sinubukan niyang panatilihin ang suspense.Nag-isip nang mabuti si Fern, pero hindi niya ito mahulaan. Saka niya sinubukang manghula. “Isa ba siya sa mga elders ng pamilya Newton?”Tumaas ang kilay ni Eugene at nagtanong, “Magkakaroon ba sila ng pakialam sa kalayaan mo?”Tama, gusto lang nilang iwan niya si Eugene dahil naniniwala silang isa siyang malas.Mayroon siya biglang naisip. Nag-aalinlangan siyang nagtanong, “Si Asher ba?”Bahagyang naningkit ang mga mata ni Eugene at nagtanong, “Asher? Hindi ka ba natatakot na magseselos ako kun
Malamig ang pader sa likuran niya, pero mainit ang katawan ng lalaking nasa harapan niya. Naipit siya sa gitna ng pader at katawan nito. Sabay niyang nararamdaman ang init at lamig.“Mmm…Huwag..” Gusto siyang pigilan ni Fern, pero nawalan na siya ng kontrol. Inangat niya ang mga hita nito at pinulupot ang mga ito sa kaniyang baywang……Kinabukasan, para bang mapupunit ang buong katawan ni Fern sa sobrang sakit. Lalo na ang kaniyang mga binti na parang mga jelly.Nag-init ang kaniyang mukha nang maalala kung gaano kabaliw si Eugene kagabi.“Gising ka na?” Pumulupot sa baywang niya ang malakas na braso ni Eugene. Saka siya nito hinila para yakapin.Sumandal siya sa matipuno nitong dibdib. Nararamdaman nila ang pagnanasa sa isa’t-isa.“Bakit hindi ka pa bumabangon? Mahuhuli ka sa trabaho.” Tiningnan niya ang relong nasa bedside table.“Magpapahuli na lang ako.” Wala naman ang maglalakas-loob na pagalitan siya sa pagiging late.“Pwede kang mahuli, pero ako hindi.” Saka niya tinabi
Nang dumating si Fern sa kumpanya, nagkataon naman na nakasalubong niya si Asher na palabas naman ng kumpanya.Tinawag niya ito, “Asher, pwede ka bang makausap sandali?”Tinignan ni Asher ang kaniyang relo at sinabing, “Mayroon akong limang minuto.”“Sige.” Naglakad si Fern papunta sa isang sulok pagkatapos magsalita. Sinundan siya ni Asher.Walang ibang tao sa sulok ng pasilyong ito. Lumingon siya kay Asher. “Inimbita kita sa kasal ko, pero hindi ka pumunta.” Sabi niya.Kumislap ang kumplikadong emosyon sa mga mata ni Asher matapos niyang marinig ang sinabi ni Fern. “Kaya mo na iyon kahit walang blessing ko.”Tinitigan niya si Asher at nagtanong, “Kahit na wala kang balak na ibigay sa akin ang blessing mo, hindi mo dapat subukang sirain ang kasal ko, tama?”Mas lalong tumindi ang madilim na tingin sa mga mata ni Asher. “Nagsumbong ba si Eugene sa iyo tungkol sa akin?”“Hindi siya nagsumbong sa akin tungkol sa iyo. Pinaalam niya lang sa akin kung anong klase ka talagang tao.” H
…Kinabukasan, sapilitang dinala ng mga tauhan ni Dayton si Tia palayo sa isla.Binalik siya sa villa sa mainland.Mabilis na umalis ang mga tauhan ni Dayton pagkatapos mailapag ang mga bagahe ni Tia. Ayaw nilang magwala ulit ito at ibunton sa kanila ang galit.Sobra-sobra ang galit ni Tia. Sinipa niya ang bagahe at galit na sumigaw, “Bwisit! Mga walang kwenta! Inaapi ako ni Dayton, at kayong mga walang silbi ay hindi rin ako sineseryoso!”Kasalanan itong lahat ng p*tang Quincy Lane na iyon. Siguradong inakit niya si Dayton. Kung hindi, hindi siya nito tatratuhin nang ganito kasama!Bumaba si Hayley. Nang marinig niya ang mga sigaw ni Tia, hindi niya mapigilang magtanong, “Bakit ka bumalik? Hindi ba’t sabi mo ay doon ka magbabakasyon at saka ka na lang babalik?”“Tita…” Sumimangot si Tia. Saka siya tumakbo at niyakap ang braso ni Hayley habang nagmamaktol. “Gusto kong magbakasyon doon, pero pinaalis ako ni Dayton. Gusto niyang makasama doon si Quincy Lane. Sabi niya ay iniistorb
Napahanga si Quincy sa pangangatawan ni Dayton. Nasugatan ito kagabi at nilagnat din. Ngunit, kinabukasan ay gumaling agad ito pagkatapos uminom ng isang gamot.Medyo huli na siya nagising ngayong umaga. Halos alas dies na nang umaga nang magising siya.Wala sa tabi niya si Dayton. Kaagad siyang napaupo. Hindi niya inaasahang makakatulog siya nang mahimbing. Hindi niya man lang namalayan nang umalis ito sa kwarto.Pagkatapos bumaba, isa sa mga tauhan ni Dayton ang nagsabi sa kaniya na umalis ito para mangabayo.Nagulat siya. Injured si Dayton. Bakit siya lumabas para mangabayo?Nang nagpunta siya sa dalampasigan, nakita niya si Dayton na nakasakay sa isang puting kabayo. Nilapitan siya nito.Nakasuot ito ng isang classic na puting shirt at itim na suit pants. Umiihip ang hangin sa itim nitong buhok. Mala-rebelde man itong tingnan, parang isa rin kagalang-galang na ginoo si Dayton habang nakasakay sa isang puting kabayo at palapit sa kaniya.Nang makarating si Dayton sa harapan