Nagkunwari si Quincy na hindi narinig ang mga sinabi ni Tia. Nabigla lang siya kung paano siya protektahan ni Terry,Sa hindi malamang dahilan ay sinimulan niyang pagkatiwalaan si Terry. Nilahad niya ang kamay niya rito at sinabing, “Tulungan mo akong makabalik sa kwarto ko.” Kailangan niyang huimiga. Nahihirapan na siya sa masasakit na contractions sa kaniyang tiyan.Tinulungan siyang makatayo ni Terry, pero nawalan siya ng balanse at natumba. Nasalo siya kaagad ni Terry at walang pag-aalinlangang binuhat. Saka siya nito nagmamadaling inakyat sa kaniyang kwarto.Mahirap para kay Quincy na maglakad ngayon. Wala siyang ibang nagawa kung hindi hayaan si Terry na buhatin siya.Sinigawan sila ni Tia matapos makita ang kanilang ginagawa. “Walang hiya talaga kayo! Hindi na kayo nag-aabalang magpanggap ngayon, ano?” Bakit sila nagyayakapan?!Dinala siya ni Terry sa kaniyang kwarto at tinulungan siyang makahiga. Pinapunta na rin ni Jackson ang doktor.“Doktor, tulungan niyo ako. Kumusta
Gusto ni Dayton na hindi kailanman makaalis si Tia sa islang iyon. Kung hindi, papatayin niya ito.Nagmamadaling lumabas ang doktor mula sa examination room at sinabi sa kaniya, “Nagpapakita ulit ng senyales ang Young Madam ng miscarriage. Kritikal ang kondisyon nila ng bata ngayon. Bukod sa pagsubok na palakasin ang kapit ng bata, kailangan naming obserbahan palagi ang Young Madam. Kung mayroong anumang problemang lalabas, kailangan namin siyang isailalim sa Caesarean section at ilabas ang bata.”Nanginig ang katangkaran ni Dayton nang marinig niya ang sinabi ng doktor. “Hindi pa umaabot sa due date ang bata!”“Naiintindihan namin, pero wala kaming ibang magagawa kung hindi ilabas ang bata nang premature kung kakailanganin. Kailangan natin silang panatilihing ligtas pareho,” Sabi ng doktor.Nagsalubong ang mga kilay ni Dayton habang nagdidilim ang paningin. Tinikom niya ang mga labi at nanatiling tahimik. Kailangang maging ligtas ng Quincy at ng anak nila.Kaya naman, kailangang
Pinantayan ni Quincy ang tingin ni Dayton. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang napakabigat na ekspresyon sa mukha nito.Bahagya siyang ngumiti at sinabing, “Oo naman, naniniwala ako sa iyo. Ikaw ang asawa ko. Ikaw ang tatay ng batang nasa sinapupunan ko.”Niyakap ni Dayton si Quincy habang kumikinang sa galit ang kaniyang mga mata. Nararamdaman niya ulit ang kagustuhang patayin si Tia.Kahit na hindi niya ito patayin, kahit paano ay kailangan niyang busalan ang bibig nito. Sa gayon, hindi na ulit nito magagawang sabihin ang mga kalokohan na iyon!Sumandal sa mga braso niya si Quincy habang unti-unting naglalaho ang ngiti sa kaniyang mga labi. Mabigat ang kaniyang puso.Kahit na walang anumang malaking pagbabago sa emosyon ni Dayton, nararamdaman niya pa rin na iba ang inaakto nito ngayon.Halatang mas naging malamig ito matapos niyang magtanong tungkol sa sinabi ni Tia.Dahil dito ay naghinala siyang mayroong katotohanan ang mga sinabi ni Tia.Ngayong naisip niya ito,
Tapos na ang doktor sa pagfo-formulate ng solution. Saka niya tiningnan si Mitch.Kaagad na naintindihan ni Mitch ang ibig niyang sabihin. Saka niya sinabi sa apat na lalaki, “Hawakan niyo siya at huwag niyong pagalawin.”Lumapit ang apat na lalaki kay Tia matapos marinig ang kaniyang utos.Napaatras si Tia habang lumilitaw ang takot sa kaniyang mukha. “Anong ginagawa niyo? Lumayo kayo! Huwag kayong lalapit sa akin!”Kahit gaano pa siya kahangal, alam niyang para sa kaniya ang injection na iyon.Wala siyang sakit. Bakit kailangan niya ng injection?Iniwasan ni Tia ang mga lalaki. Kumuha siya ng mga bagay sa paligid niya at pinagbabato ito sa mga lalaking papalapit sa kaniya. “Patay kayong lahat kapag mayroon kayong ginawa sa akin. Hindi kayo pakakawalan ni Dayton!”Hindi nagtagal, pinalibutan siya ng apat na lalaki. Nahuli siya kaagad.Hinawakan ng mga ito ang kaniya mga kamay at pinahiga siya sa sofa.Lumapit sa kaniya ang doktor na mayroong hawak-hawak na syringe needle.Na
Nakatanggap si Hayley ng text mula kay Tia na humihingi sa kaniya ng tulong. Napaisip siya kung nagpunta na naman ito sa isla at ginalit na naman si Dayton.Inutusan niya ang kaniyang mga tauhan para alamin ang tungkol dito. Saka niya nalaman na kinukulong ni Dayton si Tia sa isla at pinagbawalang umalis. Siguradong mayroong ginawa si Tia para magalit si Dayton.Nagpunta siya sa isla para sunduin si Tia. Akala niya ay gumawa lang ng simpleng gulo si Tia.Gayunpaman, hinarang siya sa harapan ng isla.Malamig niyang tiningnan ang mga tauhan ni Dayton at galit na sumigaw, “Bulag ba kayo? Hindi niyo ba nakikilala kung sino ako?” Ang lakas ng loob nilang harangan ang daan niya?Kilala siya ng lahat ng tauhan ni Dayton. Kailangan din siyang galangin ni Dayton. Bakit siya tinatrato nang ganito ng mga taong ito?Si Mitch ang leader na in charge sa pagbabantay sa area. Magalang niyang kinausap si Hayley, “Tita, ginagawa lang namin ang utos ng Young Master. Pakiusap, huwag niyo kaming pahi
Kailangang hanapin ni Hayley si Dayton para pagbayarin ito sa ginawa pagkatapos niyang makabalik sa mainland. Bilang young master, hindi rin siya sineseryoso nito. Siyempre ay babalewalain din siya ng mga tauhan ni Dayton.Mahirap para kay Mitch at sa iba na harangan si Hayley dahil sa dominante at agresibo nitong tindig. Dagdag pa rito, dahil sa kaniyang pagkatao, hindi sila naglakas loob na saktan siya. Pinanood na lamang nilang dalhin nito si Tia. Sa huli, tinawagan ni Mitch si Dayton para sabihin ang kaniyang kapabayaan.Sinasamahan pa rin ni Dayton si Quincy sa ospital. Hindi maganda ang kondisyon nito ngayon. Katutulog pa lang nito matapos uminom ng gamot na pampakapit sa sanggol.Sinagot niya ang tawag ni Mitch sa pasilyo.“Pwersahan niyang dinala si Tia?”“Opo, Young Master. Hindi kami naglakas-loob na pigilan siya. Parusahan niyo kami, Young Master.”“Hindi niyo man lang kayang bantayan ang isang tao. Karapat-dapat kayong parusahan,” Malalim at malamig ang boses ni Dayto
Nagawa rin mahawakan ng mga nurse si Tia matapos ang matinding paghihirap.Si Hayley na nagtatago sa gilid dahil sa takot na masaktan ay nilapitan si Tia at naiinis na sinabing, “Kumalma ka. Hindi mo dapat sinabi ang totoo kay Quincy. Ngayon tingnan mo, nawalan ka ng boses. Sarili mo lang ang masisisi sa nangyari sa iyo!”Hindi matanggap ni Tia ang katotohanang ginawa siyang pipi ni Dayton, pero mas lalo siyang nagalit sa mga sarkastikong salitang sinabi sa kaniya ng kaniyang tiyahin.Pwersahan niyang hinawakan si Hayley at humikbi habang mabilis na sumesenyas gamit ang mga kamay. Para bang gusto niyang patayin kaagad si Quincy.Hindi mapigilan ni Hayley na mapabuntong-hininga nang malakas. Naaawa talaga siya kay Tia. “Tutulungan kitang maghanap ng ibang doktor para gamutin ka gamit ang buo nilang makakaya. Huwag mo ng isipin pa ang ibang bagay. Pagbabayarin ko si Dayton sa ginawa niya sa iyo.”Huhuhu…Hindi pa rin ito matanggap ni Tia. Mayroon pa rin isang Quincy Lane1“Naospita
”Tita, alam mo dapat ang mga bagay na ginawa ko para iwasang malaman ni Quincy ang tungkol sa nakaraan niya. Pinatay ko pa ang lahat ng mga taong nakakakilala sa kaniya. Sabihin mo sa akin, hindi ba’t naghahanap ng kamatayan si Tia Smith?” Ang impormasyong pinaghirapan niyang ilibing ay lumitaw dahil kay Tia. Malaking awa na ang binigay niya rito dahil ginawa niya lang itong pipi.Walang sinabi si Hayley. Nabigla siya sa malupit na aura na binibigay ni Dayton.Matapos ang ilang sandali, huminga siya nang malalim at sinabing, “Sinabi ko na sa iyo na kahit na nawala ang alaala ni Quincy Lane tungkol sa nakaraan niya, malalaman niya pa rin ang mga bagay na tinatago mo mula sa kaniya balang-araw. Malalaman niyang ikaw ang pumatay sa mga magulang niya para kunin ang lahat ng pagmamay-ari ng mga Lanes. Magkalaban kayong dalawa. Ikaw ang siyang gumawa ng pinaka mapanganib na desisyon at pinilit na gawin siyang asawa mo.”Kinuyom ni Dayton ang mga kamao at malamig na sinabing, “Ang desisyon