Share

Kabanata 1656

“Pwede…pwede mo naman na pasalamatan na lang ako. Sino ang nagsabi sa iyo na pwede mo akong halikan?” Tinakpan ni Sirius ang pisngi na hinalikan ni Little Cupcake. Parang isa siyang nahihiya at naiinis na asawang babae ngayon.

Lumapit sa kaniya si Little Cupcake pagkatapos marinig ang mga sinabi niya. “Huh, bakit ka namumula? Oh…alam ko! Nahihiya ka! Hahaha…” Tinawanan niya ito nang malakas.

Mas lalong nahiya si Sirius. Gayunpaman, dahil sa tigas ng kaniyang ulo, ayaw niya itong aminin. “Sinong nahihiya? Kung ano-anong pinagsasabi mo!”

“Sigurado ka? Bakit ka namumula? Hindi ko inakalang sobrang inosente mo.” Para kay Little Cupcake ay normal lang na halikan sa pisngi ang ibang tao. Noong nakatira siya sa ibang bansa, madalas ay nagbebeso ang mga magkakaibigan sa tuwing nagkikita-kita.

Hindi inaasahan ni Sirius na tatawanan siya nito. Walang sinuman ang naglakas-loob na tawanan siya nang ganito!

“Kung wala ng iba pa, umuwi ka na. Hindi na kita kakausapin pa.” Lumitaw ang madilim na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status