Alam niyang kasama noon ni Dayton si Hayley sa pag-angkin sa lahat ng pagmamay-ari ng mga Lane. Si Hayley ang kumumbinsi kay Dayton na gawin ang mga kasamaan na iyon.Tumalikod si Hayley at puno ng galit siyang tinitigan. Wala siyang mabanggit ni isang salita.“Tara na, Terry.” Ayaw na ni Quincy na tapunan pa ng isang tingin si Hayley.…Katatapos pa lamang ni Yvonne ng isang session ng acupuncture treatment nang makatanggap si Dayton ng balita tungkol sa pagsugod sa tiyahin niya sa emergency rescue room.Bumaba siya kaagad sa kama. Kailangan niyang pumunta sa ospital.Kunot ang noo ni Yvonne nang tingnan si Dayton. “Saan ka naman pupunta ngayon?”“Sa ospital.” “Sa ospital? Anong problema? May sakit na naman ba ang anak mo?” Tanong niya.“Ang tiyahin ko naman ngayon.”“Ang tiyahin mo?” Hindi na naniniwala pa si Yvonne sa kaniya. “Ang anak mo noong nakaraan, ngayon naman ay tiyahin mo. Sino ang balak mong gawing dahilan sa susunod? Balak mo bang gamitin lahat ng kamag-anak m
Nagdilim ang ekspresyon ni Dayton nang marinig ang sinabi ng tiyahin niya. “Kinidnap niyo siya at sinubukan siyang sunugin nang buhay\?”“Oo, gusto kong ipaghiganti si Tia.”“Bakit hindi niyo iyon sa akin ginawa? Ako ang gumawa niyon kay Tia, hindi si Quincy!” Hindi inakala ni Dayton na mayroong gagawin ang tiyahin niya nang hindi niya nalalaman.“Alam kong hindi mo iyon gagawin kay Tia kung hindi dahil kay Quincy Lane.”Mas naging katakot-takot ang ekspresyon ni Dayton. “Mali ka. Ginawa ko iyon kay Tia dahil gusto ko. Wala itong kinalaman kay Quincy. Kung gusto niyo talagang ipaghiganti si Tia, ako dapat ang saktan niyo. Hindi niyo dapat hinanap si Quincy.”“Ikaw…” Tinitigan siya ni Hayley at galit na sinabing, “Paano kita masasaktan? Dapat ba kitang sunugin nang buhay? Gusto ko rin gawin iyon pero pamangkin kita. Hindi ko pwedeng balewalain ang pagiging magkadugo natin!”“Asawa ko si Quincy. Hindi niyo siya dapat inabala. Mabuti na lang at ayos lang siya. Kung hindi…” Isang kat
“Basta hindi ka nasaktan. Hindi na ulit ito mangyayari.”Hindi mapigilan ni Quincy na tingnan nang kakaiba si Dayton matapos marinig ang sinabi nito. “Hindi ba’t nagpunta ka rito para ipaghiganti ang tita mo?”“Ipaghiganti? Kinidnap ka niya at sinubukan kang sunugin nang buhay. Kung alam ko na mangyayari ito, hindi ko siya hahayaan.” Kinakampihan ba siya nito?Madilim siyang tiningnan ni Dayton at dinagdag, “Lalo na at asawa kita.”Bahagyang natulala si Quincy. Gayunpaman, kaagad siyang napuno ng pagkamuhi. “Hindi mo na ako asawa. Pakiusap, tigilan mo na ang pagsasabi niyan.”“Kung hindi ka narito para maghiganti sa akin, umalis ka na. Hindi ka pwedeng pumasok rito kung kailan mo lang gustuhin.” Wala siyang oras para makipag-usap kay Dayton.Mariin siyang tiningnan ni Dayton. Bahagyang malalim ang kaniyang boses. “Hindi ko na kailangang mag-alala dahil ayos ka naman.”Pagkatapos magsalita, tumalikod siya para umalis. Hindi na siya nagsalita pa o gumawa ng gulo. Hindi niya binigy
Akala ni Quincy ay hahanapin siya ni Dayton at pagbabayarin sa paglumpo sa mga paa ni Hayley.Gayunpaman, walang nangyari kahit na matapos ang ilang araw na paghihintay. Wala ba itong balak na ipaghiganti si Hayley?Gayunpaman, alerto pa rin siya upang maging handa siya kung hahanapin siya nito ulit.Ngayong araw, nagpunta si Mrs. Lindsay sa school entrance para sunduin ulit ang mga bata.Pagkatapos ng klase, sabay na lumabas sina Little Cupcake at Sirius ng eskwelahan. Nakita nila si Mrs. Lindsay na naghihintay na sa kanila.Lumapit ang dalawang bata. Bigla namang mayroong dalawang nakaitim na lalaki ang humarang sa daan nila.“Little Young Master, gusto kayong makasamang kumain ng Young Master,” Isa sa kanila ang nagsalita. Mga tauhan sila ni Dayton.Malamig silang tiningnan ni Sirius at sinabing, “Ayaw ko siyang makasamang kumain.” Pagkatapos magsalita, hinawakan niya ang kamay ni Little Cupcake at tumalikod para umalis.Sinungitan ni Little Cupcake ang dalawang lalaki at si
Labis na nataranta si Mrs. Lindsay. Wala siyang nagawa kung hindi ang tawagan si Quincy para sabihin ang lahat ng nangyari.Katatapos pa lang ni Quincy sa kaniyang trabaho. Nagulat siya nang matanggap ang tawag ni Mrs. Lindsay.Kinidnap ni Dayton ang dalawa niyang anak?Imposibleng hindi ipaghihiganti ni Dayton si Hayley. Gayunpaman, hindi niya inakalang pupuntiryahin nito ang mga bata!Noon pa man ay marahas at masama na si Dayton. Wala rin sa katwiran ang mga ginagawa nito. Nahulaan na niya dapat na hindi lalambot ang puso nito kahit sa sariling anak!Naging pabaya siya. Dapat ay nagsagawa siya ng precautionary measures para sa mga bata.Pinauwi niya si Mrs. Lindsay. Siya mismo ang maghahanap kay Dayton.Hindi niya alam kung anong balak ni Dayton sa pagkidnap sa dalawang bata. Balak ba nitong ilayo si Sirius para hindi na sila magkita? Kung ganoon nga, walang rason si Dayton para kidnapin din si Little Cupcake. Marahil…plano nitong gamitin si Little Cupcake para bantaan siya?
Naupo si Dayton sa tabi ng malaki at bilog na mesa. Saka niya kinaway ang kamay at pinaupo ang dalawang bata.“Maupo kayo. Pwede kayong mag-order ng kahit anong gusto niyo.” Kinuha ni Dayton ang tablet sa tabi ng mesa. Pwede siyang mag-order ng pagkain gamit ito.Nanatili si Little Cupcake sa tabi ni Sirius at naupo sa upuang katapat ni Dayton. Ayaw nilang masiyadong lumapit kay Dayton.Paulit-ulit na sinasabi ni Little Cupcake na hindi niya kakainin ang anumang pagkain na orderin ni Dayton. Gayunpaman, hindi niya mapigilang mapalunok ng laway ng makita ang mga litrato ng masasarap at nakakatakam na pagkain sa tablet.Tiningnan siya ni Sirius at sinabing, “Pwede kang mag-order ng pagkain kung gusto mo.”“Uh-huh…” Napatango si Little Cupcake. Gayunpaman, kaagad siyang umiling. “Hindi no, hindi ko pwedeng kainin ang anumang pagkaing ibigay niya sa akin. Mayroon iyon lason.”Kahit na mahina ang boses niya, narinig pa rin siya ni Dayton.Natatawa niyang sinabing, “Hindi ako ang nagh
Kaya naman, naisip niyang posibleng lagyan ni Dayton ng lason ang pagkain katulad ng sinabi ni Little Cupcake."Bilisan mo ang pagmamaneho!" Nag-aalala talaga siya sa kaligtasan ni Little Cupcake. Nakatingkayad si Little Cupcake nang makitang binaba na ni Dayton ng tawag. Inunat niya ang kamay at sinubukang agawin ang phone nito. Gusto niyang tawagan ang mommy niya at sabihan itong huwag pumunta.Iniwasan ni Dayton ang nakaunat na mga kamay ni Little Cupcake. "Gusto mo bang tumawag?" Yumuko siya at tinitigan ang bata."Oo! Hindi ko pwedeng hayaang pumunta rito ang mommy ko! Masama kang tao!" Pakiramdam ni Dayton ay mahal na mahal ng mag-ina ang isa't-isa. Sobra nilang inaalala ang isa't-isa.Hindi pinanganak no Quincy si Little Cupcake, pero tinuring niya pa rin itong tunay na anak. Napakabuti niya talagang ina. Tiningnan niya ang anak. Hindi niya kailangang mag-alala sa kaniyang anak dahil kasama nito si Quincy."Hindi mo siya kailangang tawagan. Kahit anong sabihin mo, pupun
Ngumisi si Quincy at sinabing, “Dahil mayroon kang sakit, mas lalong hindi ka dapat namin saluhang kumain. Baka mahawaan mo kami!”Pagkatapos magsalita, sinabi niya sa anak na lalaki, “Halika, Sirius. Tara na.”Binalewala niya ang mga tauhan ni Dayton na nakabantay sa pinto para pigilan silang makalabas. Walang makakabalik sa kaniya basta gusto niyang umalis.Nakinig si Sirius sa sinabi ng ina. Bumaba siya sa upuan at lumapit kay Quincy. Gayunpaman, hinawakan siya ng ama nang madaanan siya nito!“Ah…” Sigaw ni Sirius. Hawak siya sa isang chokehold ng tatay niya!“Dayton Night! Anong ginagawa mo? Nababaliw ka ba?” Pinanlisikan siya ni Quincy ng mga mata sa galit at gulat. Paano niya nagagawang sakalin ang anak? Hindi niya pakakawalan kahit ang sarili niyang anak? Papatayin niya ba ito sa sakal?Kung ibang tao ito, hindi maniniwala si Quincy na kahit gaano pa kasama ang isang tao, hindi nito magagawang saktan ang sariling anak. Gayunpaman, si Dayton Night ito!Malupit at demonyong