Share

Ang Tatay kong CEO
Ang Tatay kong CEO
Author: Wine Warms the Flowers

Kabanata 1

“Sobrang nakakahiya at nakapandidiri.”

Ang dapat sana’y romantikong kasalan ay naging isang delubyo.

Kasabay ng bulung-bulungan ng lahat, itinaas ni Sharon ang kaniyang ulo upang tumingin sa malaking screen kung saan ipinapakita ang ilang litrato.

Siya ang bidang babae sa litrato, at ang lalaking kasama niya sa kama ay hindi ang kaniyang papakasalan na si Howard Zachary!

Sa sandaling iyon, nabigla si Sharon. “Ano ang nangyayari? Bakit mayroong ganyang litrato?”

Dahil sa paraan ng pagkakuha ng litrato kasama ang lalaki sa kama, nakikita ang lahat ng anggulo ng kaniyang mukha samantalang likod at gilid lang ang makikita sa lalaki.

Sigurado siyang hindi niya kilala kung sino man ang lalaking iyon!

Hindi niya namalayang napatingin siya kay Howard. Tinitigan siya ni Howard. Dagdag pa rito, dumilim ang mukha nito at nagsimulang mapuno ng galit ang mga mata.

“Ikaw na babae ka, paano mo nagawang lokohin ako!”

Hindi na nito hinintay ang kaniyang sagot, binigyan siya ni Howard ng isang malakas na sampal!

Nasampal si Sharon at napahiga sa sahig. Kaagad na namula ang kaniyang pisngi at namaga. Hinawakan niya ang kaniyang mukha, tumingala, at ipinagtanggol ang sarili, “Howard, mali ang iniisip mo. Mayroon lang hindi pagkakaintindihan!”

“Hindi pagkakaintindihan? Sinasabi mo bang hindi ikaw ang babae sa litratong iyan?” Nawala na siya sa kaniyang sarili, at galit na galit na sumisigaw.

Nagsimulang manginig ang katawan ni Sharon. “Hindi.. Hindi ko alam kung ano rin ang nangyayari.” Nagmukha siyang walang buhay. Wala siyang ibang nakasamang lalaki maliban sa gabing iyon...

Pilit na hinawakan ni Howard ang baba niya. “Malakas ba ang loob mong sumumpa na hindi ka kailanman nanlalaki?”

“Ako..” bago pa matapos ni Sharon ang kaniyang pagsasalita nagsalita ang kaniyang matalik na kaibigan, si Sally Luke. “Shar, hindi ka bumalik magdamag sa birthday ni Howard kagabi. Nang gabing iyon, sino ang kasama mo?”

Napatulala si Sharon. Lasing siya nang gabing iyon at malabong naalala ang pagpunta nila ni Howard sa isang hotel.

Kaagad siyang sumagot, “Nagpalipas ako ng gabi sa isang hotel kasama si Howard!”

Ngunit ngumisi lamang si Howard. “Nang gabing iyon, umuwi ako nang maaga dahil lasing ako. Paano magiging posible na nagpalipas ako ng gabi kasama ka sa isang hotel?”

Nagulantang si Sharon kasabay ng unti-unting pagkawala ng kulay sa kaniyang mukha.

“Kung hindi siya ang lalaking kasama ko nang gabing iyon, sino?”

Bumagsak siya sa sahig na para bang isang malakas na bagyo ang bumagsak pagkatapos ng magandang panahon.

Nakita ni Howard ang kaniyang reaksyon at parang siguradong sinabi, “Mabuti, napakabuti! Hindi na masama, Sharon! Inaanunsyo ko ng hindi na matutuloy ang kasalang ito!”

“Huwag!” mabilis na sigaw ni Sharon.

“Hindi kita niloko,Howard. Mayroong nagplano nito. Paniwalaan mo ako. Siguradong mayroong nagpaplano sa likod nito..” kabado niyang sabi. “Sinong nag set-up sa akin?”

Labis na hindi nasiyahan si Howard, nawala na siya sa kaniyang sarili, “Sharon, huwag ka ng magpanggap. Nasusuka ako sa iyo!”

Walang-awa niyang sinipa si Sharon. Sa isang iglap, lumapit siya at hinila ang trahe de boda nang sapilitan. Hindi na siya maginoo katulad ng dati.

“Anong ginagawa mo,Howard?” nanginginig si Sharon.

“Hubarin mo iyan! Ano ang karapatan mong suotin ito?!”

Patuloy na nagpupumiglas si Sharon, ngunit wala itong kuwenta. Nahubad mula sa kaniya sa harap ng publiko ang trahe de bodang pinagawa para lamang sa kaniya.

Malamig siyang tiningnan ni Howard, tumalikod, at inabot ang trahe de boda kay Sally.

“Sally, pakakasalan mo ba ako?”

Hindi napigilan ni Sally ang kaniyang tuwa at sumagot, “Oo!”

Tiningnan ni Sharon ang kaniyang matalik na kaibigan habang sinusuot nito ang ang trahe de boda. Labis ang kaniyang pagkamangha.

Isinuot pa ni Howard ang kaniyang singsing sa daliri ni Sally!

“Hindi! Sally, paano mo… asawa ko siya!” pula ang mga mata ni Sharon habang tinititigan ang kaniyang matalik na kaibigan.

Tiningnan siya pababa ni Sally na ngayo’y nakatayo. “Sharon, linawin lamang natin. Ngayon, asawa ko na si Howard.”

Nang may ngiti sa labi, lumapit si Sally sa tainga ni Sharon at nagsalita gamit ang lakas na sila lamang dalawa ang makaririnig, “Sharon, natuwa ka ba sa regalo ko para sa kasal mo?”

Nagulantang si Sharon at kaagad na maintindihan ang nangyayari. “Siya ang may kagagawan sa mga litrato!”

Kaagad na sumiklab ang kaniyang galit, labis ang kaniyang pagnanais na alisin ang pekeng ngiti ni Sally. “Ikaw iyon, Sally..”

Bago pa matapos ang pag-aakusa sa kaniya ni Sharon, itinaas ni Sally ang kaniyang kamay at inutusan ang mga security guards. “Ilabas niyo ang babaeng ito!” Umakto siya na parang siya si Mrs. Zachary.

“Bitawan ninyo ako!” Kahit gaano pa magpumiglas si Sharon, wala itong kuwenta. Hinawakan siya ng mga security guards at inilabas.

Naramdaman ni Sharon ang lagablab ng galit sa kaniyang dibdib. Hindi niya inakalang iseset-up siya ng kaniyang matalik na kaibigan.

Hindi na babanggitin ang pagsasawalang-bahala ng lalaking pinangakuan siyang pakasalan.

Itinapon si Sally sa entrance ng hotel. Pagkatapos, hindi pa man tuluyang nararamdaman ang sakit, nakatanggap siya ng tawag mula sa hospital. “Miss Jeans, kamamatay lamang po ng inyong ama matapos bumalik ang kaniyang karamdaman.”

“Ano?!” Hindi niya napigilan ang panginginig ng kaniyang kamay, nabitawan niya ang kaniyang telepono at bumagsak ito sa sahig. Pakiramdam niya ay walang habas na pinagsasaksak ang kaniyang puso.

Hirap na hirap siyang tumayo upang magpunta sa hospital nang maramdaman niya ang biglang pagsakit ng kaniyang tiyan. Kasunod nito, nakita niya ang pag-agos ng dugo sa kaniyang mga hita.

Nagulat siya. Hinawakan niya ang nananakit niyang tiyan habang kaawa-awang umiiyak. “Baby..”

Mga Comments (22)
goodnovel comment avatar
R-phel Opinga
maganda sana kaso ang haba nkakatamad....
goodnovel comment avatar
yato santos
Sino dyan may, full story penge naman
goodnovel comment avatar
Phenix 143
Saan p ito pwedeng basahin ???
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status