Share

Kabanata 2

Lumipas ang limang taon.

Kakaanunsyo pa lamang ng airport terminal ang pagdating ng eroplano. Hindi nagtagal, isang grupo ng mga pasahero ang lumabas mula sa security checkpoint.

"Mummy, mainit. Gusto ko ng ice cream." Narinig ang inosenteng tinig ng isang bata habang hawak-hawak ni Sebastian Jeans ang kamay ng kaniyang ina. Pakurap-kurap ang kaniyang bahagyang basang mga mata.

Tiningnan ni Sharon ang kaniyang anak. Bumigay siya sa nakakaawang ekspresyon nito kahit alam niyang hindi ito totoo.

"Isa lamang ang pwede mong bilhin." Kumuha siya ng perang papel sa kaniyang pitaka at sinabi sa bata, "Bumalik ka pagkatapos mong bumili. Hihintayin kita rito." Hila-hila ni Sharon ang bagahe.

"Roger! My honorable mother" Binigyan ni Sebastian ng halik sa hangin ang kaniyang ina bago magsimulang tumakbo habang hawak-hawak nang mahigpit ang pera sa kaniyang kamay.

Hindi na siya nasabihan ni Sharon na hindi niya kailangan magmadali. Sa sandaling iyon, tumunog ang kaniyang telepono.

"Hello? Riley? Oo, nakabalik na ako... Sige, magtataxi ako papunta diyan."

Tawag ito mula sa kaniyang matalik na kaibigan, si Riley Gabriel.

Noon ay magkakasama sila nina Sally at Riley sa parehong hostel noong nag-aaral sila sa university. Sobra silang malapit sa isa't-isa noon na halos palagi silang magkakasama. Nangako pa nga silang gagabayan ang isa't-isa.

Gayunpaman, sa kasalang naganap limang taon na ang nakalipas, nakita ni Sharon ang totoong kulay ni Sally. Minarkahan nito ang pagtatapos ng kanilang pagkakaibigan.

Tanging si Riley lang ang totoo sa kaniya. Sa mga taong lumayo siya, palagi silang nagkukumustahan sa telepono.

Ngayong nakabalik na siya, humiling si Riley na dalhin ang anak nito sa kaniya at doon tumira.

Pagkababa ni Sharon ng telepono, nakita naman niya ang balita sa malaking screen na nasa itaas. Mababasa rito, "Ipagdiriwang ang limang taong anibersaryo ng kasal nina Young Master Zachary at Mrs. Zachary sa ika-26."

Nabasa ang kaniyang mga mata sa nakitang balita.

"Mrs. Zachary? Talagang pinakasalan niya nga si Sally!"

Sa isang kisapmata ay limang taon na ang lumipas. Hindi iya kailanman makakalimutan ang kahihiyang naranasan niya nang taon iyon!

Nang taong iyon, noong gabi ng birthday ni Howard, si Sally ang naglasing at nagpadala sa kaniya sa isang hotel. Sinabi pa nito sa kaniya na hinihintay siya ni Howard sa hotel.

Iyon pala ay tatrahidurin siya nito sa kaniyang kasal at inagaw pa ang kaniyang asawa!

Sa kaniyang pagbabalik, determinado siyang makuha ang kaniyang hustisya!

"Hoy bata, bakit hindi mo tingnan ang nilalakaran mo? kaninong anak ito?" Isang malakas na sigaw ang narinig mula sa di kalayuan.

Mabilis na bumalik si Sharon sa kaniyang sarili at tumalikod. Nabigla siya sa kaniyang nakita.

Ang anak niya. Hawak-hawak ng bata ang ice cream na kabibili lamang niya. Siguro ay masiyado siyang nasiyahan at aksidenteng nakabangga habang tumatakbo pabalik.

Mabilis na lumapit si Sharon at hinila ang kaniyang anak palapit sa kaniya. Tiningnan niya ang pantalon ng taong nabangga na ngayon ay mayroong malaking mantsa ng ice cream. Naguilty siya sa nakita.

"I'm sorry, I'm sorry. Tumatakbo kasi ang anak ko. Tulungan na kitang punasan iyan." Sinabi ni Sharon habang naghahanap ng tissue paper at tinulungang punasan ang pantalon ng taong iyon.

Kakasimula pa lamang niyang tulungang punasan ang mantsa nang bigla nitong hilain si Sharon. Kasunod nito, isang malalim at malamig na tinig ang maririnig mula sa kaniyang itaas, "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Natakot si Sharon sa tinig na iyon. Hindi niya namamaayang itaas ang kaniyang ulo at pantayan ang pares ng malamig at itim na mga mata nito. Kinailangan niyang huminga nang malalim bago makilala ang kabuuan ng lalaki.

Sa paglipas ng segundo inakala ni Sharon na hindi totoo ang kaniyang nakikita.

Ang guwapong mukha sa harapan niya ngayon ay parang... matandang bersyon ng kaniyang anak.

Sa isang iglap, nagulantang siya sa nakita at labis na nabigla.

"Tapos ka na bang titigan ako?" Malakas na binitawan ng lalaki ang kaniyang kamay at nagsalita gamit ang kaniyang malamig na tono.

Nagawang makabalik ni Sharon sa kaniyang sarili, ngunit sa kaloob-looban niya, hindi siya makapaniwala. "Ang lalaking ito, posible bang siya ang ama ng anak ko?

"Hindi... paano magiging posible ang pagkakataong ito? paanong bigla ko na lamang makakasalubong ang ama ng aking anak?

"Kamukha nga niya ang anak ko pero sa ilang parte lang." Iyon ang naisip niya. Nagbigay na lamang siya ng ngiti na humihingi ng pasensya. "Pasensya na talaga sa nangyari. Pwede bang magbayad na lang ako sa iyo? o hindi kaya ay bilhan na lamang kita ng bagong pantalon?"

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Oddy Pimentel
i love the story
goodnovel comment avatar
Cecil TaboTabo Gaudan
hagoy 67 plang ako ubus Ng 250 KO so mga 2k plus bagu maubus Basahin kailangan mung mag trabaho pra basahin lng to at my pang bayad Ka.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status