Share

Kabanata 69

Nang makita ni Douglas si Sharon, ang ngiting kanina’y nasa kaniyang mukha ay kaagad pinalitan ng istriktong ekspresyon. “Bakit mo siya sinama pauwi?” Kaagad niyang tinanong nang mabagsik si SImon.

Hindi nagbago ang ekspresyon ni Simon, at kalmado ang tonong sumagot, “Hindi ba’t sinabihan mo akong sunduin siya pabalik dito?”

“Inutusan kitang sunduin ang bata pabalik, hindi siya!” Malamig ang ekspresyon ni Douglas.

Hindi gumawa ng anumang tunog si Sharon. Totoo nga, hindi siya tatanggapin ni Douglas.

Mahigpit na hinawakan ni Sebastian ang kamay ng kaniyang nanay, at seryoso ang mukhang sinabi, “Mommy, tara na po. Hindi tayo tanggap rito.” Nang sabihin niya iyon, hihilain na nito sana palayo si Sharon.

“Sebastian, saan ka pupunta? Hindi mo manlang binati si lolo nang dumating ka,” Sinabi ni Douglas gamit ang kabado ngunit malalim na boses habang kumikibot ang kaniyang mga mata.

“Pinapaalis mo po si Mommy, kaya hindi rin po ako mananatili rito!” Nagdadabog na sabi ng bata, nakasiman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status