Share

Kabanata 6

Nang marinig ang boses ni Howard, natulala si Sharon. Napuno ng mga alaala ng kasal niya ng araw na iyon ang kaniyang isipan. Ang kalupitan at kawalang tiwala ni Howard sa kanya ay labis na nakapag dismaya kay Sharon.

Naglagay si Howard ng isang tambak na dokumento sa office desk. Pagkababa ng kaniyang tingin, nakita niya ang babaeng nakaupo.

Sumama nang labis ang kaniyang ekspresyon, lumiit ang itim ng kaniyang mga mata. "Ikaw.. Sharon?!" Labis siyang nagulat sa presenya niya. "Bumalik na siya?"

Hindi nagsalita si Sharon. Bagkus, si Simon ang nagsalita, na nakaupo sa executive chair, at pinapanood naiintrigang pinapanood silang dalawa. "Ano ang problema? kilala niyo ang isa't-isa?"

"Hindi!" Parang walang pagdadalawang-isip na sagot ni Sharon.

Nanatiling tahimik si Howard ng ilang sandali bago malamig na tumwa. "Oo, hindi nga namin kilala ang isa't-sa. Ang Sharon na kilala ko ay matagal ng patay."

Tuluyang ng tumingala si Sharon at tiningnan siya nang masama. Nagpalitan sila ng tingin, at naging matindi ang tensyon ng eksena.

Sa huli, nagawang kumalma ni Sharon. Ito ang unang araw niya sa kumpanya. Walang magandang mangyayari kung makikipag-away siya kay Howard.

Tinimpi niya ang kaniyang mga labi. Pinagmukha niyang hindi niya talaga kilala ito.

"Sino siya, tito?" patuloy siyang tiningnan ni Howard. "Bakit siya nandito?"

Kanina pa nasa reaksyon ng dalawa ang atensyon ni Simon. Ngunit kahit na ganoon, umarte siyang parang wala siyang alam at kalmadong sinabi, "Siya ang bagong hired na designer ng kumpanya."

"Designer? mayroon na siyang ganoong abilidad ngayon?

"Limang taon na ang nakalipas mula noong huling pagkikita nila, ngunit ganoon pa rin siya." Inakala ni Howard na magkakaroon ng miserableng buhay si Sharon. Hindi niya inakalang magkakaroon siya nang mas maayos na buhay. Mas maganda rin siya ngayon.

Sikretong humigpit ang pagkuyom ng kamao ni Howard.

"Pwede ka ng umalis kung wala ng iba pa." Kinuha ni Simon ang mga dokumento na inihatid ni Howard.

Binawi ni Howard ang kaniyang tingin. Ang tensyunado niyang ekspresyon ay nagpapahiwatig ng kaniyang pagpipigil na gumawa ng kung anuman. Gayunpaman, hindi na siya nagsalita at tumango na lamang kay Simon bago umalis sa eksena nang may malalaking hakbang.

Nang marinig na malayo na ang mga yabag ni Howard, nawala na ang tensyon na nararamdaman ni Sharon.

Hindi niya inasahang ang bago niyang boss ay tito pala ni Howard.

"Kasi naman... mukha lang nasa 30 years-old si Simon."

Sa kaloob-looban niya, hindi pa rin siya mapakali. Ngunit, nagkunwari siyang kalmado at sinabi, "President, pwede na ba akong bumalik sa trabaho?"

Dumilim ang mga mata ni Simon nang tingnan siya nito. "Sige."

Nakikita niya ang kawalang lakas sa mga mata nito. Mukhang tama nga ang imbestigasyon ni Franky dito. Siya ang ex-girlfriend ng kaniyang pamangkin.

Nilisan ni Sharon ang opisina ng presidente at naglakad nang walang lakas patungong elevator. Ngunit, sa isa sa mga sulok, isang kamay ang biglang lumitaw at hinila siya.

"Ah...." mahinang sigaw niya. Kaagad na tinakpan ng taong iyon ang kaniyang bibig at pilit na hinihila siya patungo sa isang walang katao-taong lugar bago siya bitawan.

"Howard? ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Nahirapan siyang magpumiglas. Nang makilala ang taong kumidnap sa kaniya, labis ang kaniyang inis.

Lumapit nang sobra si Howard sa kaniya. "Ako dapat ang nagtatanong sa iyo niyan. Bakit ang kapal pa ng mukha mong bumalik? ano ang pinaplano mo sa pagpasok mo sa Central Corporation?"

Hindi umatras si Sharon. Tumingala siya upang harapin ito. "Hindi mo ba narinig kanina? isa na akong designer ng Central Corporation. Wala ng tanong, nandito ako para magtrabaho. Ano sa tingin mo ang gagawin ko dito?"

"Trabaho? hmph.. Sa tingin ko ay mayroon kang ibang motibo!" Nakatingila ito habang papalapit sa kaniya. "Nandito ka pa para akitin ang tito ko?"

Naging matalim ang mga mata ni Sharon at tinabig ang mga kamay nito papalayo, itinaas ang kamay upang sampalin ito.

"Howard! mas mabuting huwag kang magsabi ng mga walang kwentang bagay,kung hindi, kakasuhan kita ng defamation!"

Punong-puno ng galit si Howard ngayong nasampal siya ni Sharon. "Hindi ba't isa kang babaeng pasikretong nagloloko? bakit ka pa nag-aabalang umarteng inosente hanggang ngayon?"

"Howard, desisyon mong hindi ako paniwalaan, pero hindi mo ako pwedeng ipahiya! isang salita lang ang kailangan mo mula kay Sally at ibinigay mo ang lahat ng tiwala mo sa kaniya. So, bakit hindi mo ako kayang pagkatiwalaan?" Alam niyang galit si Howard sa kaniya dahil sa litrato nang taong iyon.

"At tsaka, naniniwala ka talagang totoo ang mga litratong iyon? hindi mo man lamang ba naisip kung bakit lumabas iyon sa araw ng kasal natin?"

Masama ang ekspresyon ni Howard habang tinititigan siya. Mayroong alinlangan sa kaloob-looban niya, ngunit tumanggi pa rin itong paniwalaan siya. "Sumusumpa ka bang hindi mo ako kailanman niloko?"

Sumuko an si Sharon at kalmado syang tiningnan. " Kahit paniwalaan mo man ako o hindi, wala ng namamagitan sa ating dalawa." sabi niya bago mabilis na dumaan sa gilid nito at umalis.

Kinalaunan ay nalaman niya rin ang dahilan kung bakit mayroong batang tito si Howard. Ito ay dahil nagkaroon ng anak si Director Zachary noong matanda na siya. Nasa 50 taong gulang na siya nang dumating ang bunso niyang anak, si Simon Zachary.

Kung nalaman lamang niya agad. Hindi na sana siya nagpunta sa Central Corporation para magtrabaho.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status