Share

Chapter 165

"Okay, fine. I'll shut up." Walang emosyong saad nito at bumalik na sa pwesto niya kanina.

Kagat labi akong tinignan sya at seryoso lang ang mukha nitong nakatingin sa laptop. Hindi man lang ako nito binalingan pa ng tingin.

Bumalik na ako sa pagkakahiga pero napansin ko yong chocolate na dala ni Keven. Kumuha ako non at kumain.

Paborito ko naman talaga to eh, kahit ganito na ang edad ko mahilig pa rin naman ako sa chocolates. Gusto ko lang syang saktan gamit ang mga salita ko.

Nag sinungaling ako na hindi na ako mahilig nito ngayon pero ang totoo sobrang gustong-gusto ko ng chocolates syempre mahilig talaga ako sa mga matatamis na pagkain.

Hindi yong mga matatamis na salita ng lalake tsk, nakakasuka pag ganon ano.

Matapos kong kumain ng apat na klaseng chocolates ay nilagay ko muna don sa sahig ang paper bag at humiga sa kama. Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi ako makatulog dahil todo kamot ng kamot ako sa kamay, leeg at iba pang parte ng katawan ko.

Oo nga pala, may allergy ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status