"Para kang isip bata alam mo ba yon?" Tanong ko habang nakataas ang kilay."Look who's talking. Talaga ba ako ang isip bata? Aren't you talking to yourself?" The heck! Binabaliktad nya yong sinabi ko walanghiya talaga!"At kelan pa ako naging isip bata ha!"Singhal ko sakanya."Playing pranks with your bodyguards, making them suffer as if may ginawa silang masama sayo. Puro kalokohan lang yang nasa isip mo, you're not even thinking about you future. And lastly hindi ka lang isip bata, you're cold hearted brat Ms. Vee. Ewan ko lang kung sinasadya mo o gusto mo talagang pinu-push ang mga taong nag mamahal at nag aalala sayo." Wika nito.Wow? Talaga lang ha?! Me? Cold hearted brat seriously? Siya ang kauna-unahang tao ang nagsabi sakin ng ganyan! At talaga bang iniisip niya na puro kalokohan lang ang nasa isip ko! Bakit nakapunta na ba sya sa utak ko para masabi niya yon!"You don't know anything James. Wala kang alam kaya wag kang magsalita na para bang kilalang-kilala mo na ang buong p
Nakarating na kami sa bahay at gabi na. Pagkababa ko ng sasakyan ay deretso na siyang umalis, di man lang ako sinamahan papasok sa loob ng bahay, hindi niya man lang sinigurado kung papasok ba talaga ako sa bahay.Anyway papasok naman talaga ako kase pagod na ako, gusto ko na humiga at mag bihis. Grabe natuyo na itong suot ko ngayon eh, samantalang basang-basa itong suot ko kanina pati na rin ang buhok ko.Bumuntong hininga nalang ako at pumasok na sa loob. "Ma'am Vee andito na pala kayo! Yong pagkain mo po nakahanda na don sa mesa." Saad nitong katulong namin na nakasalubong ko papasok sa loob ng bahay namin."Okay." Tanging sabi ko sakanya at nagpatuloy na sa paglalakad. Dumeretso ako sa kusina at nakita ko naman na may pagkain na nakahanda roon. Nakita ko rin ang isang katulong namin na nakatayo malapit sa mesa.I think isa siya sa mga katulong na pinagsalitaan ako ng masama este lahat nga pala ng katulong pinagsasalitan ako ng masama at ayaw nila sakin. Well, at sino namang nagsa
"Ms. Vee naglaan ng oras ang daddy mo po para ipagluto ka tapos--""Tapos? Tapos anong pake ko?"May sinabi ba akong magluto siya para sakin? Ni kahit kelan hindi ako humiling na ipagluto niya ako! The heck huh, ako pa ang parang nagiging masama ngayon. Sa isang taon ilang beses niya lang ba ako ipinagluluto? Hindi ko mabilang kase wala naman akong masyadong matandaan."Gusto mo ba ikaw nalang naging anak ha? Ano gusto magpalit tayo ng posisyon?" Tinaasan ko siya ng kilay.Katulong namin sya dito na kaseng edad ko lang."Maswerte ka nga kase may papa ka pa ma'am Vee kaya wag mo siyang tratohin ng ganiyan. Hindi lahat ng tao lumaki na may magulang pa sa tabi nila--" hindi ko na hinayaang tapusin nya ang sasabihin niya."Bakit kasalanan ko ba kung ikaw walang ama? Bakit naiinggit ka sakin? Ano bang meron sakin para kainggitan?! Kase may daddy ako? Ano bang espesyal don??""Pa epal ka lang naman talaga dito, mas mabuti pang ipagpatuloy mo yang pagiging chismosa mo kesa naman sa makipag u
"Tapos ka na bang kumain?" Tanong ko sakanya."Hindi pa po ma'am Vee. Sabay-sabay po kaming lahat mamaya po." Sagot nito sa tanong ko."Oh, okay." Tanging sabi ko.Pagkatapos kong iminom ng tubig ay bumalik na ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay napahawak ako sa dibdib ko, medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil yata kanina."Mukhang makakatulog ako ng mahimbing ngayon." Saad ko sa sarili sabay itinapon ang sarili sa kama.Ipinikit ko na ang mga mata ko at ilang minuto lang ang lumipas ay idinilat ko ito at tumingin sa gilid, tinignan ko ang litrato ni mommy. Ngumiti ako habang nakatitig sa litrato."Hindi maganda ang araw ko ngayon mom pero hindi ko rin naman masasabing ang pangit ng araw ko, medyo okay lang kompara dati. At ewan ko ba pero may ewan di ko ma explain, may kunting magandang nangyari ngayon gabi. I don't know why ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon after ko mag sorry sa isang katulong dito." Pakikipag usap ko rito.Umupo ako sa kama at kinuha ang litrato bago humiga ng m
"Mukhang ngayon gutom ka na." Natatawang sabi nito."Anong nakakatawa don siraulo." Inis kong sabi sabay inirapan siya.Bumangon nalang ako at lumabas ng kwarto. Pansin ko namang sumunod siya sakin. "Nilutuan mo ba ako?" Tanong ko sakanga habang pababa kami ng hagdan."Hindi ko alam na taga luto mo pala ako Ms. Vee." Oo nga si Keven nga pala yong nilutuan ako nong first day nya sa trabaho.Umiling ako. "Nevermind. Nakalimutan ko si Keven nga pala yon." Saad ko."Magandang umaga ma'am Vee." Bati nong katulong sakin na si Freya.Tinignan ko siya, nasa gilid lang sya sa may hagdanan nakatayo. Mukhang nag pupunas yata sya sa may gilid. "Good morning Freya." Tanging sabi ko at ngumiti ng kunti at nagpatuloy na sa paglalakad patungong kusina."Mukhang pati utok mo naapektuhan, kumain ka kase sa tamang oras Ms. Vee." Nilingon ko si James ng bigla itong magsalita."Problema mo dyan? Kinakausap ba kita?" Parang tanga lang ah."Wala, kinakausap ko lang yong sarili ko." Saad nito."Crazy." Mahi
"Ms. Vee hindi ka ba makikinig sa daddy mo? Kakain daw kayo." Mahinang sabi ni James sakin. Binalingan ko lang sya ng tingin saglit at inirapan pagkatapos."Ano bang nakain mo at naisipan mong kumain sa labas na kasama ako dad? Or baka naman si Keven lang talaga ang gusto mong makasama kumain, dinadamay mo pa ako sa bonding ninyong mag ama." May diin kong saad.Nakakahiya naman kase sa kanya at kay Keven ano, bonding yata to nila eh, tapos isasali-sali ako. Tsk, marunong din naman akong mahiya ng kunti!"Vee sige na, ngayong araw lang maluwag-luwag ang schedule ko." Hindi ko sya tinignan.Sinandal ko ang likod ko at tinignan-tignan itong kuko ko. "Ahh, okay. Hindi naman ako nagtatanong, hindi rin ako interesado kaya di mo kailangang sabihin sakin yan.""Busy ka at busy rin ako sa life ko. May kanya-kanya kase tayong buhay diba." Dagdag kong saad sakanya."Vee kung makipag usap ka sa daddy mo ay para bang kaibigan mo sya, kahit kunting respeto man lang." Matalim kong binalingan ng tin
"Bigyang mo nga ako ng magandang rason kung bakit ako sasama?" Tanong ko sakanya.Akala ko ay sasagutin nya ang tanong ko ng matino o ewan basta. "Bigyan mo rin ako ng magandang rason kung bakit ayaw mong sumama?"Nag tanong nga ako sakanya tapos ibinalik rin sa akin yong tanong. Tinanong ko siya tapos tinanong niya rin ako so, pano 'to?"Kase... kase pagod ako, gusto kong magpahinga. Magandang rason na ba yon?" Ako itong unang nag tanong sakanya tapos ngayon ako unang sumagot."Bakit ano bang ginawa mo? Ba't ka napagod? Eh, kain tulog ka lang dito at saka gala lang ah?" Sinamaan ko siya ng tingin."Wow, so anong ibig mong sabihin ha na señorita ako dito?? Na walang ibang ginawa kundi yan lang?!" Kunot noo kong tanong at mas sinamaan pa siya ng tingin."Bakit hindi ba?" Napaiwas ako ng tingin at nagkamot ng ulo."Basta ayokong sumama! Pake mo ba? Kung gusto mo ikaw ang sumama, kayo mag bonding bahala kayo sa buhay ninyo no!" Inis kong sabi at winaksi ang kamay niya pero wala parin, hi
"Sasama ka na?" Tanong ni dad ng tuluyan na akong nakababa."Malamang, kaya nga nakabihis na ako oh." Pamimilosopo ko.Hindi ba halata? Magbibihis ba ako kase para ano? Trip ko lang ganon? Nag effort pa akong mag makeup at bihis tapos sa bahay lang pala my god di naman ako ganon ka bobo at tanga."Mr. Wisconsin sasama po ba ako?"Kumunot ang noo ko sa tanong ni James. Isa pa to eh! Ang sabi sasamahan niya ako tapos yon pala hindi pa sure na sasama siya sa amin? Tang*nang bakla talaga naisahan ako ah! Este maiisahan ako kapag hindi sya makakasama sa amin! Sisipain ko talaga yang betlog niya pag ako nainis ng husto."Oo, syempre. Para san ba na nag bodyguard ka sa anak ko?" May halong biro nitong sabi kay James.Tumawa naman silang tatlo at ako lang yata yong medyo di relate don sa pinag-usapan nila. Like what the heck? Anong nakakatawa don? Tsk, crazy."Teka ano ba yang sa mukha mo? Anong klaseng makeup yan? Saka ba't nakaitim ka lahat?" Nagtatakang tanonng sakin."Andaming tanong aal