Share

APKF-30

Jheanne's Pov

Habang nagluluto ako ng almusal ay dalawang braso ang pumulupot sa bewang ko. Napangiti ako at kinilig.

"Good morning, baby." bati niya sa akin. Ang pagbuga niya ng hangin ay tumatama sa aking leeg, mainit iyon at dumagdag pa sa kilig na nararamdaman ko.

Pinagpatuloy ko ang pagluluto habang sinagot ko naman siya, "Good morning too. Kumusta ang tulog mo? Hindi na ba sumasakit ang ulo mo?"

Simula nang magsama kami sa iisang bahay ay palagi ko na nakikita na humahawak siya sa ulo niya, lalo sa kalaliman ng gabi. May isang beses pa nga na nagulat ako dahil bigla siyang gumising at sumisigaw mula sa isang bangungot. Kung hindi ko pa siya sasampalin ay hindi pa siya magigising.

"Hindi na. Ganito lang talaga ako kahit noong hindi pa tayo nagkakilala, baby. Siguro migraine lang ito."

"Sigurado ka?" ani ko sabay pumihit ako paharap sa kaniya. Isinampay ko ang dalawang braso sa magkabila niyang balikat at tiningnan siya sa mga mata. "Pa-check up kaya tayo, Ubi? Para masiguro na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status