36
NALIGO muna ako sa puso sa labas dahil hindi ako nakapag bunlaw kanina. Nang makabihis na, naririnig ko ang malakas na boses ni Marky na parang may magandang nangyari dito.
"Bukas na bukas Lola sasama ako kay kuya Andoy pupunta daw sila sa bayan para magtinda ng perlas! malaki daw ang kita!" Excited nitong sabi. Pero napatigil sa pagpapatuyo ng buhok ng marinig ang sinabi nito.
"at bakit ka naman sasama doon sa pagbibinta ha? baka ano pang mangyari sa inyo roon." Pagsuway na sabi ni inay.
"Pinagsabihan ko na ang mga iyan inay, pero ayaw pa tigil." sabi ni ate Anne.
" Ate naman, gusto lang namin magka pera at malaki ang nabibinta ng perlas at mga pulseras, noong isang araw nga mga
37DAHIL AYAW talaga akong tigilan ni Diego kakapilit para sumama dito, ay wala nang choice kundi samahan pagkatapos ng break ko. Tuwang tuwa ito at sinabing e li-libre daw ako nito, natawa nalang ako dahil lagi naman ako nitong ni li-libre.Bumili ito ng mga cups noodles at mga dilata kaya nagtaka ako kong aanhin niya ang mga ito."Ang dami naman niyan, ikaw lang kakain niyan?" Ngumiti ito pero hindi sinagot ang tanong ko.Ngumungusong sumunod lang ako dito dahil ang dami talaga nitong binili na mga pagkain, may mga meat at mga gamit pang bahay.NANG matapos ito ay sumakay lang ako sa pick up nito na walang tanong tanong dahil ayaw talaga akong sagutin, kumakanta pa ito habang nag d
38HINATID ko muna ang kambal sa bayan dahil nauna na si Ian at Andoy dahil marami daw tao ngayon kaya kailangan nilang maging maaga, binitbit ko ang mga Shell's na gawa sa pulseras at mga decorasyon na gawa sa mga bato sa dagat na gawa ni ate Anne para ibinta nila.Habang naka sakay sa bangka sinaway ko ulit si Marco na itigil muna ang pagbabasa dahil delikado, sinunod naman nito.NANG makarating sa bayan inihabilin ko muna ang kambal kay Ian."Ian, bantayan mong mabuti ang dalawa ha, baka kong sinu sino na naman ang kumakausap sa mga iyan." sabi ko habang binababa si Marky na nagpabuhat."Opo ate Anna"-NAGING busy ako
39IT'S A GARDEN PARTY, iyan ang masasabi ko pagkatapos kong makapasok sa loob ng Maxwell Mansyon, hindi ako napansin ng mga bisita, sabagay sino ba naman ako para mapansin at pagtuunan ng pansin. Pero mangilan ngilan may tumitingin saking mga lalaki at kita sa mukha ang curiosity kung sino ako, sabagay, basta bagong mukha talagang ma cu-curious ka lalo na't hindi basta bastang pamilya ang mga Maxwell.Inilibot ko ang tingin nagpapakasakaling makita ang lalaki, late na ata ako dahil kumakain na ang iba, Ang iba naman umiinom nang mga wife. Nagulat ako ng may lumapit saking lalaki at iniimbita ako para sumayaw. Ang ganda ng musica at madami ang sumasayaw sa gitna ng crowd pero nakakahiya at hindi ko ito kilala kaya magalang ko itong ni reject na tinanggap naman nito ng maayos."it's oka
40NAPAKAPIT ng mahigpit si Seren saking braso ng makita din nito ang titig ng Williams na iyon. Binaling ko ulit ang tingin sa kay sir Marcus na sana hindi ko nalang ginawa dahil nakatuon lang ang tingin nito kay ma'am Meghan. Sobrang sakit pala iyong harap harapan mong makita yong taong mahal mo na nakatitig sa taong mahal din nito."Sino kayo!"Matigas na sabi ng matanda at sininyasan ang mga tao nito na lapitan kami na nasa paligid lang pala, akala siguro nito mga spy kami or what lalo na't nahuli akong nakikinig sa pinag-uusapan nila. Kaagad na nagsikilos ang mga tao nito na may mga baril at kaagad na itinutok samin pero ang mas nakakagulat nang bigla nalang lumabas sa kong saan ang mga bodyguard ni Seren na hindi ko mabilang kong ilan at nakatutok din ito sa pamilya Maxwell.
41TAHIMIK at walang nagsasalita samin ni sir Marcus habang nakasakay sa Cessna, minsan sinusubukan ako nitong kausapin pero hindi ko ito pinapansin. Masama parin ang loob ko sa kanya. At hindi ko alam kong dahil ba sa pang iiwan nito o dahil sa Pamimilit nito kay ma'am Meghan na huwag itong iwan para sa anak. Akala ko okay lang na makita siya na gumagawa ng effort para sa asawa pero hindi pala, napakasakit. Katulad kagabi ng ihatid ako ng Mama nito sa isang guess room. Doon ko binuhos ang lahat ng sakit na pilit kong pinipigilan, iyak lang ako ng iyak dahil kahit anong pilit kong isawalang bahala, ayaw talagang makinig ng puso ko.Umaga na ako naka tulog at namumula ang mga mata, sinabi ko nalang na nanood ako ng movie kaya ganoon, ewan ko kong naniwala si sir Marcus pero hindi naman ito umiimik at parang may malalim na iniisip.
42LIMANG ARAW ang lumipas ng kinuha ng mga Maxwell ang mga anak ko, nang sinabi ni Itay na wala kaming laban sa mga Maxwell dahil ano lang ba kami sa kanila, isang langgam na kay daling durugin pero para sa mga anak ko gagawin ko ang lahat para mabawi lang ang mga ito.Kaya nandito ako ngayon sa harap ng Mansyon ng mga Maxwell dito sa Maynila, sa totoo lang wala akong pera para lumuwas dito kahit pa sinabi ni Diego na tutulong ito pero hindi ako pumayag, marami na siyang naitulong saamin katulad nalang ng pag monitor nito sa mga anak ko sa pamamagitan ni sir Ashton kaya sapat na iyon, humiram muna ako ng pera kay Kim na kaka sweldo lang sa kompanya na pinagtatrabahuan niya sa publishing company ba yon. nakakahiya man pero kinapalan ko nalang ang mukha. Nag-ambag din sila Angkol Nestor at Mang Lando nakakahiya man ay kinuha ko nalang da
43KASALUKUYAN kaming nag uusap tungkol sa kambal, gusto ng matandang Maxwell na si Don Felipe na palitan kaagad ang apilyedo ng kambal naka apilyedo kasi ito sakin sa takot na din na baka malaman pa nila kong sinong ama lalo na't kilala sa bansa ang mga Maxwell.Mas lalo ring nagalit si sir Marcus ng malaman na hindi man lang ito nakapangalan sa kanya pero alam kong nagtitiis lang ito na sigawan ako lalo na't nasa paligid lang ang kambal at may kanya kanyang ginagawa, lalo na't nagalit ang Isa nitong anak na si Marco nang sigawan niya ako kanina at ayaw na ata nitong mangyari lalo na't sa dalawa si Marco ang mahirap kunin ang loob.Napag usapan namin na dito na daw muna kami tumira lalo na't ayaw mahiwalay nang kambal sakin kaya pumayag na din ako alang alang sa mga anak ko, may
44KONG HINDI ka lang babae at Ina ni Mario! nunkang makakapasok kapa dito! at baka nasaktan na kita!" Matigas at malamig na sigaw ni Tito na ikina maang ni ma'am Meghan."Dad! how can you say that to me? I know I've made a mistake na iwan si Marcus para sumama sa ibang lalaki pero napag isip isip ko na mahal ko pala sila ng anak namin at na miss ko lang ang freedom ko noon kaya ko yun nagawa. But I'll never do it again if you'll gonna give me a second chance. But that would happen if that bitch will vanish in our sight!"Saka ito humarap sakin at balak pa sana akong sugurin ng hawakan na ito ni Tito ng mahigpit." But it's different now Meghan, Ina siya ng mga Apo namin kaya hindi siya pwedeng umalis dito, you can still stay here if