Share

Fourteen

Lance Jericho

"At ikaw ang naging bunga ng gabing iyon."

Malungkot na pahayag sa akin ng nagpakilalang totoo kong ina. Gusto kong maawa dito habang isa-isang dinidetalye nito ang lahat ng nangyari simula ng kung paano nito nakilala ang totoo kong daddy at kung paano nagkaroon ng ugnayan ang dalawa kahit may nobya na ang aking daddy na walang iba kundi si Edcel Kate Del Amor.

Halos hindi ako makapaniwalang napakamesteryoso pala ng aking pinagmulan. Ang kinikilalang Dad at Mom ko pala na sina Rodrigo Ballesteros at Estrella Vicente ay uncle at auntie ko pala!

Gusto kong sumama ang loob sa dalawa dahil sa pagtatago sa akin ng totoong pagkatao ko ng halos twenty years. Ang buong akala ko ay buo ang pamilya ko pero hindi pala. Ibang pamilya pala ang binubuo ko at bumubuo sa akin. Sabihin na nating ayos lang iyon dahil Tito at tita ko naman ang dalawa. Still, lalabas pa din ang katotohanang pamangkin lamang ako ng dalawa.

"Ibig sabihin po ba nito ay walang anak talaga sina Daddy at Mommy,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status