Share

Chapter 54

Allison POV

Nanatili akong nakasandal sa gilid ng hagdan, nakapikit ang mga mata. Pilit kong nilalabanan ang antok at minsan pang napatuon sa sahig dahil pakiramdam ko ay matutumba ako. Umiikot ang aking paningin. Shit! Hindi ako pwedeng matulog. Kailangan kong hintayin si Jazzer.

Paano kung wala siyang susi? Kawawa naman siya dahil hindi siya makakapasok!

Ngumuso ako. Kahit bagsak na ang katawan ko ay pinilit ko pa ring tumayo. Naglakad ako palapit sa pinto at bahagyang binuksan iyon. Para kapag dumating si Jazzer ay hindi niya na kailangang kumatok.

Napahagikhik ako. I’m going to see him again! Ah! I want him so bad. Miss na miss ko na siya.

Bumaling ako sa mini table. Muli akong napanguso nang makita ang boteng nagkalat doon. Muntik pa akong masuka dahil nagkalat doon ang mababahong suka, humalo sa pagkaing nasa platito at alak na natapon.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status