Hinarap niya ako. Bumakas ang lungkot sa mga mata niya. Ramdam ko rin na may gusto siyang sabihin, pero pinipigilan niya. "Danny, ano ba ang nangyayari? Alam ko. Ramdam ko na may gusto kang sabihin. Sabihin mo na, please," pakiusap ko. Sandali akong naghintay na magsalita siya pero sandaling titig lang ang ginawa niya at nag-iwas na naman ng tingin. "Bakit ka ba nagkakaganyan, Danny?" Napalakas ang paghikbi ko. "Hindi na kasi kita maintindihan. Please, naman Danny, ano ba ang problema?" Sa dami ng tanong ko. Ni isa wala akong nakuhang sagot. Kahit yata lumuha ako ng dugo sa harap niya talagang hindi niya sasabihin kung anong problema mayro'n siya. "Anong silbi ng pagsasama natin? Ang pagiging mag-asawa natin kung sinusolo mo rin naman ang lahat?" nanghihina kong sabi. Malungkot na tingin na may bakas ng galit ang nakikita ko sa mga mata niya. "You know what, Arrianne? I don't have time for this ..." tugon niya kalauan."Kailan ba, Danny? Kailan ka ba magkakaroon ng oras para kausap
DANNY POVHindi pa rin mawala sa isip ko ang mga binitawang salita ng asawa ko kagabi. Ang gago ko. Dahil kahit ang aluin siya ay hindi ko kayang gawin. Pakiramdam ko kasi hindi ko deserve na magmahal. Hindi ko siya deserve! Matamlay akong bumaba matapos maligo at magbihis. Inaasahan kong nasa baba na ang asawa ko at tahimik na naghahanda ng almusal para sa amin ng mga bata. Pero nadismaya ako nang hindi ko siya nadatnan doon. Hindi ko rin naririnig ang tawanan ng mga bata. Sumilip din ako sa hardin, baka sakaling nando'n sila pero wala rin. Nakapagtataka na sa ganitong kaaga ay wala ang asawa ko at wala rin ang mga bata. Ang tahimik ng mansyon. Kahit si Nanay ay hindi ko rin nakikita. Lahat yata sila ay iniiwasan na ako. Sa bagay, sino ba ang may gustong harapin ang tarantadong gaya ko.Pero kahit puro pasakit na lang ang binibigay ko sa asawa ko. Hindi pa rin kompleto ang araw ko kapag hindi ko nakikita ang maganda niyang mukha. 'Yon lang naman kasi ang kaya kong gawin sa ngayon.
Halos mawala sa balanse si Daddy nang marinig ang sinabi ko. Humakbang ako palapit sa kanya. Hawak ko na ang mga braso niya at matiim na tumitig sa kanya pero napapikit din ako kalaunan. Hindi ko kayang tumitig sa mga mata niya na ngayon ay nangingilid na rin ang mga luha. Hindi maipagkakaila na sobrang nasaktan siya narinig. Alam ko, bumalik sa alaala niya ang nangyari noon. Ang mga alaala kung paano kami nalugmok. Kung paano nabago ang buhay namin sa isang iglap lang. Pareho kaming nadurog noon, parehong nalugmok pero siya pinili ang bumangon at magpakatatag. Ako hindi ko magawa. Hindi ko kaya na kaagad na lang kalimutan ang nangyari. Ngayon, dahil sa nalaman ko, hindi ko na rin talaga alam kung kaya ko pa ba ulit bumangon. "Anong ikaw ang dahilan? Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Danny," tanong niya matapos ang sandaling pananahimik.Yumuko ako. "Dad, sorry ... dahil wala akong kwenta! Ako ang tarantadong dahilan kung bakit nawala si Mommy at Agatha dahil sa kapabayaan ko kaya napaham
"Dennis, Daisy, 'wag masyadong lumayo, 'tsaka mag-iingat kayo," paalala ko sa kambal. Nagsitakbo na naman kasi palabas ng bahay. "Yes, po Mommy," magalang at sabay nilang tugon. Hindi kasi maperme sa loob ng bahay. Gusto nila laging maglaro sa labas, hindi na magsawa. Sabagay, ngayon lang kasi nila narasan ang makaapak ng damo, manghuli ng tutubi, at paruparo. Sana hindi na nila hahanap-hanapin ang buhay na nakasanayan nila noon. Limang buwan na rin mula nang dumating kami rito sa probinsya. Oo, bumalik ako sa lugar kung saan ako nagmula. Akala ko, matagal pa bago ako makabalik rito o kung bumalik man ako, bakasyon lang. Pero hindi kasi iyon ang nangyari. Dahil ang sinabi kong hindi susukuan ang asawa ko ay hindi ko natupad. Umalis ako dala ang kambal at ang baby ko sa tiyan pero hindi kami sa dating bahay namin tumutuloy.Iniwan namin ang bahay at ang tindahan kay Maribel. Pero kapag check-up ko. Doon kami tumutuloy. Malapit lang kasi ang dati naming tirahan sa syudad. Kaya lang nai
Tumayo ako at muling tinapunan ng matalim na tingin si Maribel na ngayon ay nakatayo na sa likuran ni Mama para magtago. Saka ko naman hinarap ang bwesitang nagpakulo ng dugo ko. "Ang lakas naman ng loob mo na magpakita sa akin matapos ng panlolokong ginawa mo!" may diin kong sabi.Nagngingitngit ang kalooban ko habang nakatingin kay Joel na ngayon ay wala na sa mukha ko ang tingin. Kun'di na sa tiyan ko."Ano ... sinong ..." Dahil sa pagtataka ay hindi niya magawang ibigkas ang salitang gusto niyang itanong.Talaga namang nakapagtataka itong nangyari sa akin. Matapos ba naman niya akong maloko, heto at nadali naman ako ng isang lalaking paasa lang din pala. "Wala kang karapatan na magtanong ng kahit na ano tungkol sa akin, Joel! Umalis ka ngayon din!" sikmat ko. Saka lamang siya nag-angat ng tingin nang marinig ang boses ko. Nagbabagang tingin ang pinukol ko sa kanya. Ang amo ng mukha niya ngunit hindi nawala ang bakas ng pagtataka. Napapikit ako sandali. Sinubukan kong ikalma ang
Hindi ko magawang sagutin kaagad ang tanong ni Daisy. Hindi ko rin napigil ang pagpatak ng luha na pinahid ko naman kaagad."Mga Anak," pumiyok ang boses ko pero pinilit kong 'wag madaig ng lungkot at tuluyang maiyak. Huminga ako ng malalim, kasabay ang pagpikit ng mga mata at pagyakap sa kanila."Lagi ninyong tandaan, kahit anong mangyari, Daddy niyo pa rin siya. 'Tsaka kahit naman sinaktan niya ako, hindi naman ako galit. May tampo. May inis pero mahal ko pa rin ang Daddy n'yo," mahinahon kong paliwanag.Mahigpit na yakap na lang ang tunog nila, kabasay ang paghihikab. "Sige na mga, Anak. Matulog na kayo." Kaagad na ngang humiga ang mga bata matapos nila akong e-kiss.Talagang mali ang inasal ko kanina. Dahil do'n, maraming tanong ang buo sa munting isip nila. Nang masiguro kong tulog na ang mga bata ay saka ko na sila iniwan. Matamlay akong lumabas ng kwarto."Tulog na ba ang mga bata?" kaagad na tanong ni Nanay nang datnan ko siyang mag-isa sa sala. Mukhang malalim na naman ang in
Sabay kaming napalingon ni doktora nang magbukas ang pinto. Nagsalubong ang mga kilay ko. Ang tigas din talaga ng bungo ni Joel. Hindi na tinatablan ng hiya. Hindi ko napigil ang pag-iinit ng ulo nang makita siya na sumilip mula sa labas ng pinto ng clinic. Kaagad niya rin na sinara ang pinto nang makita ang matalim ko'ng tingin. Bukod sa inis nga ako sa panay na paglapit niya sa akin. Mas lalo pa ako'ng nainis dahil madalas na siya'ng napagkakamalan na asawa ko. Tuwing check up ko kasi ay sumasama siya. Kahit anong pagtataray pa ang gawin ko ay hindi tumatalab. " 'Wag kalimutan ang mga bilin ko, Misis ha," sabi ng doctor kasabay ang pag-abot sa akin ang reseta."Opo, Dok." Tinanggap ko ang reseta kasabay na ang pagtayo ko. "Maraming salamat," dagdag ko pa bago tinungo ang pinto. "Ano na naman ba ang ginagawa mo rito, Joel?" irita kong tanong nang datnan ko siyang nakatayo sa labas ng clinic. Hinintay niya pa rin talaga ako kahit alam naman niya na galit ako. Matapos kasi no'ng ara
Mapakla akong tumawa. "Talaga bang wala ka na sa katinuan, Joel? Sa tingin mo, papayag ako sa kahibangan mo? Hindi ako desperada na muling patulan ang lalaking nanakit at nanloko sa akin noon! Kahit maghirap pa ako ng todo, hindi ko gugustuhin na muli ka pang makapasok sa buhay ko!"Paulit-ulit na pag-iling ang tugon ni Joel. Nanlaki rin ang mga mata dahil sa pagtaas ng boses ko. Napasilip na rin sina Mama at Maribel sa amin. "Hindi iyon ang gusto kong sabihin. Sorry, Anne. Huminahon ka nga muna," sabi nito pero na sa Mama ko ang tingin niya.Kita ko pa ang pag-iling ni Mama, pero maya maya ay pumasok na rin sila ni Maribel. Gano'n naman lagi siya. Hinahayaan niya lang na ako mismo ang umayos sa gulo o sa problema ko. Ang lagi niya lang ginagawa ay gabayan at paalalahanan ako. Siya ang taga bukas ng isip ko upang makapag-isip ng tama. Hindi siya basta nanghihimasok sa problemang may'ron ako. Lalo't alam naman niya na kaya ko namang ayusin na ako lang. "Kumalma ka naman muna, Anne ..