Hiii.. May nagbabasa ba dito? hehe
“Ate, pagpasensyahan mo na si ate Zeym. Mabait naman iyon, ganoon lang talaga ang ugali niya minsan.” Ngumiti ako kay Harmonia at tumingin sa labas kung saan naroon si sir Sico at ma’am Zeym na nag-aaway. “Dito ka ba matutulog, primcess?” tumingin ako kay Rico. Puno ng pagmamahal niyang tinignan si Harmonia. Actually, silang dalawa ni Sico. Kung tignan nila ang bunso nilang kapatid ay puno ng emotion. Masaya ako habang pinapanood sila. Hindi man nila nakikita pero sobrang nilang sweet sa isa’t-isa. “Kuya, gusto kong tumabi kay ate Rachelle. Dito lang ako.” Agad na nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniya. Ano? Tatabi siya sa akin? Tumingin si Rico sa akin. “Hindi ka pwedeng tumabi kay ate Rachelle mo. Masikip ang kama niya. Siya lang ang kasya doon. Ang likot mong matulog.” Pinagsingkitan siya ng mata ni Moni. “Bakit ikaw ang nagri-reklamo kuya at hindi si ate? Baka ikaw ang gustong tumabi sa kaniya?!” Kung magsalita sila parang wala ako sa tabi nila. Sumimangot si Rico
“Si kuya parang tanga. Saan ba sa tingin mo pupunta si ate Rachelle?” agad akong namula sa sinabi ni Harmonia. First day ko sa school at actually nandito nga si ma’am Lorelay at Mr. Shein. Nandito din pala si ma’am Zeym na masama ang tingin sa akin. Hindi ko na nga siya tinitignan. Mailang ulit na siyang nagtext at tumawag pero hindi ko sinasagot. Ayaw ko na kasing magsinungaling sa kaniya. “I don’t like her clothes,” sabi niya at tumingin sa mama niya. Si Mr. Shein ay nakatingin sa anak habang humihigop ng kape. Hindi ko talaga mabasa ang tumatakbo sa isipan ng bawat isa sa kanila. “Anak, that’s their school uniform.” Si Mr. Shein ang sumagot. “Gusto niya yata pa na magsuot si Rachelle ng Filipiniana,” sabi ni Sico habang nakaakbay kay ma’am Zeym na halatang naiinis sa kaniya. “Aalis na po ako,” sabi ko sa kanila dahil nahihiya ako sa harapan nila. Ito kasing si Rico, hindi mapigilan ang bibig. Hindi na ako naghintay na sumagot sila. Basta nalang ako lumayas as harapan nila
“Ate, sumabay ka na sa pagkain namin,” sabi ni Moni. Tumingin ako sa mesa at nakita si Rico at ma’am Zeym na magkatabi. “Hali ka na Shel,” sabi naman ni Sico at umupo sa tabi ni Moni. “Naku po kuya, mauna na kayo. Busog pa po kasi ako,” sabi ko kay sir Sico. Nakita kong kumunot ang noo ni Rico. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Pumasok ako sa kwarto ko at binuklat ang notes na kailangan kong pag-aralan. One week. One week ko ng hindi nakakausap ng matino si Rico dahil busy siya sa papeles niya palipad ng Spain. Napatingin ako sa cellphone ko nang umilaw ito. Nag chat ulit si PJ sa akin pero hindi na ako nag-abala na replyan siya. Actually, mag-iisang linggo ko ng siyang hindi ni ri-replyan. Isang linggo rin nandito si ma’am Zeym at Moni. Sa isang linggo din na iyon, halos sila ni Rico ang nakikita kong magkasama. Wala naman silang ginagawang masama. More likely seryoso silang nag-uusap. Naalala ko sinabi ni sir Sico sa mama niya dati tungkol sa right hand. Napaisip ako kung
Binigyan ko ng kape sila sir Sico no’ng bandang hapon. Sandali pa kaming nagkatinginan ni ma’am Zeym at agad naman niyang ibinalik ang paningin niya sa laptop niya. “Kumain ka na?” tanong ni Rico. Nakita ko ang bahagyang pagtingin ng dalawa niyang kapatid sa akin. Ngayon lang ako tinablan ng hiya. Tumango pa rin ako at nagpaalam na aalis na muna at may aasikasuhin pa ako. Hindi itinago ni Rico sa akin na may girlfriend siya. Obviously, dapat naisip ko na nagtutukaan lang kami pero walang commitment doon. Sino ba naman kasing tanga ang bigla nalang bubukaka sa harap ng lalaking may girlfriend na? Kasalanan ko rin ito. At ang rupok ko pagdating sa kaniya. Titig palang niya ay halos gusto ko ng isuko ang lahat sa sarili ko. Imbes na ituon ang attention ko sa kaniya, sinubukan ko na lang na mag focus sa pag-aaral. Sinubukan ko ring iwasan si Rico sa pamamagitan ng busy ako sa school, pagod or sa gawaing bahay. Tatlong palusot na inaraw-araw ko na yata. Noong mga naunang araw na p
“R-Rachelle?” gulat na sabi nilang dalawa nang makita ako. “Buntis ka ate?” tanong ko. “Oo/Hindi,” sabay na sabi nilang dalawa. Ahh okay. Bakit mukhang kinakabahan sila? Magkaiba pa ang sagot nila. “Bakit kayo magkasama?” nagtatanong lang naman ako pero para na silang nakakita ng multo at hindi na alam ang gagawin. “Rachelle, patawad,” umiyak na si ate sabay lumuhod. Lumapit ako sa kanila at itinayo si ate. Wala pa nga akong sinasabi pero parang alam ko na. “Rachelle, magpapaliwanag ako,” tarantang sabi ni PJ. “Sige, mamaya,” kalmadong sabi ko. Kinapa ko ang dibdib ko kung may galit ba, wala naman. Siguro kasi nakahinga ako ng maluwag kanina. “Rachelle, galit ka ba?” sabi ni ate nang umalalay ako. Umiling ako. “Hindi ate. Bakit?” Si PJ ay nasa likuran lang. Alam kong nakatingin siya sa amin ni ate Dehlia. “Bakit hindi ka galit?” takang tanong niya. “Bakit? Buntis ka ba at si PJ ang ama?” tumingin ako kay PJ na yumuko bigla. “Rachelle, sorry. Hindi namin sinasadya, Huwag
“Anong problema, Rachelle?” takang tanong niya nang makarating kami sa gilid ng bahay namin. Seryoso ang mukha niya.Galit talaga siya. Tuloy ay hindi ko alam paano siya kakausapin.“Bakit? Anong problema sa hindi ko pagsumbat sa ‘yo? Anong gusto mo? Sabunutan ko si ate? Para sa ‘yo? Ay PJ, huwag nalang. Mas mahal ko ang ate ko.”Napanganga siya tinuran ko. Ito ang bagay na hindi siguro niya maintindihan.“Hindi mo ba ako mahal Rachelle? Bakit hindi ka man nabahala sa nangyari?” seryosong aniya.Napatingala ako sa kalangitan dahil napansin kong gumagabi na.“Umuwi ako dito para sa ‘yo, PJ,” sabi ko sa kaniya.Natigilan siya.“Ano?” nanlalaki ang mata na tanong niya.“Oo umuwi ako para sa ‘yo at nakita kong buntis na pala si ate.“Babe,” agad na nabago ang boses niya at nakita ko ang takot at pagsisisi sa mga mata niya.“Pero huwag kang mag-assume ng kung ano, PJ. Umuwi ako para makipag break sa ‘yo. Congratulations at magkaka anak ka na,” sabi ko at iniwan siya.Ang sama ko siguro per
Ramdam ko ang kakaibang titig nila ate at PJ sa akin habang kumakain kami. Alam kong may gusto silang sabihin pero hindi nila magawa. Sobra silang nagulat na ang lalaking kumakama sa akin ay ang boss ko. Kahit baliktarin man ang mundo, si Rico ay isang Shein kaya boss ko siya. “Do you still want more?” bulong ni Rico. Umiling iling ako, naluluha pa rin kasi sobrang saya ko talaga na nandito siya. “Alright, sweetheart. Labas lang ako para puntahan si Sico,” sabi niya at tumango ako. Nang makalabas siya, doon na naibagsak ni PJ ang kamay niya sa mesa. “Manloloko ka Rachelle! Paano mo ‘ko nagawang lokohin?” Pinagkunutan ko siya ng noo. “Bakit ka nanunumbat e nagloko ka rin naman? Naging masaya nga ako sa ginawa mong panloloko bakit hindi mo gawin sa akin iyon?” Nagpupuyos na siya sa galit habang si ate ay nakatingin lang sa akin animo’y marami siyang gustong sabihihn ngunit hindi lang niya alam saan magsimula. “Nagpapakant0t ka pala doon sa pinagtatrabahuan mo. Anong klase kang
Hindi nagbibiro si sir Sico nang sabihin niyang piece of cake lang ang sa kaniya sina PJ. Bawat hampas nina PJ ng kahoy kay sir Sico ay galante niya itong naiiwasan. Bawat suntok na naiiwasan niya ay nasusuklian niya kaagad ng suntok rin na tumatama sa mukha at tiyan ni PJ pati na ng mga kasama niya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa sigaw nina PJ. Si sir Sico ay humikab pa na tila inaantok. Iniinis niya talaga sina PJ. Suntok, sipa at tadyak, halos hindi na makatayo sina PJ at lahat sila nakahandusay na sa lupa. Si Sico ay agad na pinagpag ang damit niyang hindi naman nadumihan saka inupuan si PJ sa likuran. Sumigaw si PJ sa sakit. Maraming kapit bahay ang gustong lumapit para sana tumulong pero natatakot sila at nagdadalawang isip. “Hoy,” sabi ni Sico at mahinang tinapik ang balikat ni PJ. “Ayus-ayusin mo ang desisyon mo sa buhay boy,” sabi niya. Hindi ko alam pero natatawa ako. “Hindi pwedeng ikaw lang ang pwede magloko. Bakit? Gusto mo bang mangyari na umiyak si R