Medyo connected ito ng konti sa end ng PANCEO. So a little recap sa hindi nakabasa non, umalis si Rico nong teenager siya, at sumama sa daddy Zee niya para mag-aral sa ibang bansa. That time, Lorelay and Mr. Shein are no longer the leaders of the org. Buong akala ni Sico ay umalis si Rico dahil sa kanila ni Zeym since noon palang gusto na niya si Zeym and Zeym that time ay loyal kay Rico dahil right hand niya ito. So ito ang dahilan ni Rico. Noon pa lang, gusto niya ang trabaho nila ng mga Shein. Masaya siyang tumutulong sa nangangailangan. At magagawa lang niya yun kung aalis siya sa puder ng parents niya na mas pinili ang simple at tahimik na buhay na hindi inaalala ang kapakanan ng ibang tao.
LYRICO SHEIN “What happened?” I asked Zeym when Sico notified me about the news. “Master Rico, someone sent me these..” pinakita niya sa akin ang monitor at nakita ko ang mga litrato ni Rachelle kasama ng anak ko. Napasinghap si mama sa tabi. “They are fine,” ang sabi ni uncle Lee sa tabi ko. “It looks like wala sila sa kapahamakan,” dagdag ni uncle Rich. “No, uncle. They are in danger. Isa itong sindikato na gumagawa ng human trafficking.” Sabi ni Zeym. “But based on the picture, Rachelle and master Rico’s child are in safe place,” dagdag niya. “Unlike sa mga taong kinidnap gaya nito,” dagdag ni Zeym sabay pakita sa isang selda na puno ng mga tao na kinidnap no’ng sindikato. “Sinong nagsend niyan?” tanong ni papa. “Can’t locate the informant tito.. Pero sinend niya ang impormasyon ni Garzon. Ang General Surgeon at kasalukyang director sa Hambaleches Hospital. Para bang ayaw niyang malocate natin siya.” “A surgeon? Isang doctor ang lider ng sindikatong yan?” tanong ni papa. Tu
Rachelle Remadavia Matapos doon sa maliit na barko, inilipat kami sa isang malaking barko na siyang magdadala sa amin sa Spain. Kasali kami sa mga pulubi na malilipat sa malaking barko. Isinama ako ni Mang Fe sa deck na tutuluyan niya. Ang totoo ay kasama sana siya sa pagpunta ng Spain ngunit ang sinabi niya ay ako na raw ang bahalang pumalit sa kaniya. Naging delivery woman pa ako sa human trafficking na ito. Nagpaiwan si Mang Fe at babalik na siya kay Garzon. Kaharap ko ngayon itong mga manyak na puti na nagsimula ng manghila ng mga kinidnap nina Lando para gawin nilang parausan. Naaawa ako pero pinili kong ipikit ang mata ko para sa kaligtasan ng anak ko. Hindi ako pwedeng makialam. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila pero alam kong ako ang pinag-uusapan nila. May lumapit sa akin na isang lalaki. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “My workmates are wondering if Garzon mistakenly put you here for this transaction. Are you his man?” tinutukoy niya siguro kung nagta-
Hindi ko maintindihan itong si Henry at Lando, ang gaganda ng bahay pero bakit sangkot sa mga illegal na Gawain gaya ng sindikato? Nalula ako sa bahay ni Henry nang makapasok kami. Ang laki na tingin ko ay para ng 5 star hotel. “Is this really your house?” takang tanong ko. “Yeah. Why?” sabi niya habang may tinatawagan sa phone niya. Tumingin ako sa anak ko. Kung saan saan na kami nakarating ni Timber. “Look anak.. ang ganda ng bahay,” Hindi ako makapaniwala na nasa isa kaming magandang bahay kagaya nito. “Wow!” Hindi ko na yata mabilang ilang wow na ang nasabi ko. Nilapitan ako ng mga katulong kaya agad akong nataranta. “Henry!” Tawag ko kay Henry. “They won’t harm you,” aniya kaya kumalma ako. Iginiya nila ako paakyat sa taas ng hagdan para makapagpahinga kami ng anak ko. Natatawa ako kay Timber dahil nagkagulo na’t lahat, tulog na tulog pa rin siya. Dahil hindi naman kami nagkakaintindihan ng mga katulong dito, hindi nila ako kinakausap. Matapos nila akog ihatid, dinalha
“Goods then,” ang sabi ni kuya. “Sino ang papa ko?” tanong ko sa kaniya. Gusto ko malaman kahit ang pangalan niya. “Luis. Ang alam kong pangalan niya ay Luis Marino.” Luis Marino? “Tanda ko pa dati na mabait ang papa mo. Mahal na mahal niya si mama ngunit naghiwalay sila dahil sa papa ni Dehlia.” Hindi ko alam may ganoon palang nangyayari sa buhay ni mama. “No’ng maghiwalay sila, saka lang nalaman ni mama na pinagdadalang tao ka niya ngunit wala na ang papa mo. Nakauwi na ng Spain.” Tumango ako sa sinabi niya. Saka ko nalang uusisain ang lovestory ng mama at papa ko kung makaharap ko na si mama. “Sana mahanap natin siya,” ang sabi ko nalang. -------------------- Humiram ako ng cellphone ni Henry para maki log in sa social media account ko. Chinat ko si Rico na sana at makita niya lalo’t hindi na yun naglalagi sa social media account niya mula no’ng umuwi siya galing Spain. Sinabi ko sa kaniya na ligtas kami ni Timber at hindi pa kami makakauwi ng Pinas. Nilagay ko rin ang a
“Wala ako mahanap na talaga about this Luis Maligno!” “Marino!” “Mari-no-,” ulit ni Henry. “So iyon nga. There’s no sign of Luis Maligno in the database!” inis na binaba ni Henry ang kamay niya sa keyboard. “Isa pang maligno mo diyan at masasapak na kita!” Sabi ni kuya sa nakabusangot na ngayon na mukha ni Henry. Busy si kuya sa pagkalkal din sa laptop niya. Pakiramdam ko nga ay ako lang bobo dito dahil para palang mga nerd to sila at nasa computer lang talaga sila nakaharap. Inilingan ko nalang sila. Tinignan ko ang anak ko na nakatingin sa akin. 3 months na siya at tatawa-tawa habang nakatingin sa akin. Nakakaya na niyang buhatin at kontrolin ang ulo niya at nagagalaw na niya ang kamay niya. Mabuti at nandito si kuya, hindi ako masiyadong nahihirapan sa bata. Kamusta na kaya si Rico sa Pinas? Inabot na kami ng halos apat na buwan dito pero wala pa ring Rico na nagpakita. Kung pwede ko lang sana siyang e chat ulit sa kahit anong social medi platforms ay ginawa ko na pero--
Nasa harapan kami ng isang bahay ngayon. Mansion to be exact. Kasama ko si Henry at naiwan si kuya sa bahay kasama ni Timber. “Rachelle?” tawag ni kuya mula sa earpiece na suot ko. “Nandito na kami,” sabi ko kay kuya Lando. “Alright,” aniya. Natawa ako nang marinig sa kabilang linya ang tawa ng anak ko. “Are you ready Rachelle?” tanong ni Henry sa tabi ko. Tumango ako. Pagbukas ng gate, isang mala palasyo na disensyo ang namataan ko sa loob. Halos malaglag ang panga ko sa sobrang laki ng bahay. “Henry, dito ba talaga nakatira ang papa ko?” tanong ko sa kaniya. “Yeah..” “Baka namali ka lang?” takang tanong ko. “Actually, no. No wonder when I first saw you, I was like, ‘you’re kinda familiar..” Natatawang sabi niya. “And yes, you’re pretty rich, Rachelle.” “Baka mamaya palayasin tayo dito,” “No. Your father is a good man and he knew very well how to speak your language. I met him a lot of times and he knew that we’re coming,” sabi niya. Kinakabahan ako e. Pero dahil sabi nama
“Papa ni Eli,” ang nasabi ko bigla dahilan para harapin ako ni Henry.“Eli? Elizabeth? You met her?” nagtatakang tanong ni Henry.Tumango ako.“Really? Well yeah. That’s her dad and that’s what makes you half-sister. I guess?”Pababa pa lang sina Butler Noli habang sinasabi yun ni Henry.Kaya agad kong hinarap si Henry.“P-Paano mo nakilala ang papa ko? Teka- bakit hindi mo sinabi na Luis Marin pala ang pangalan ng totoo kong ama?“You didn’t ask. Only Lando,” kunot noong sagot niya.“Sinong kasama ni Rachelle?” boses ni Rico. Nagtataka na siguro siya sinong kausap ko.“My friend, Henry..” Sagot ni kuya.Biglang my bodyguards ang lumapit sa amin ni Henry at kinuha ang earpiece sa amin.“Teka-Hindi ko na natuloy ang sasabihin ng sirain nila ang earpiece sa harapan namin.“For safety purposes,” nakangiting sabi ni Butler Noli sa amin.Nasa harapan ko ang sinasabi nilang papa ko.Ngayon, alam ko na saan ako nagmana. Sa kaniya. Dahil mas hawig kami.“Pwede ba akong makahingi ng isang yak
Habang inaayusan ako ng katulong, biglang pumasok ng kwarto si Eli. Malalaki ang hakbang niya at sa itsura ay para na siyang sasabog. Bigla niyang hinablot ang braso ko at malakas akong sinampal. “Ayos akong umalis sa mga Shein, Rachelle, nagpaubaya na ako sayo pero hindi ako papayag na pati sa papa at yaman ko ay makikipag kompetensya ka!” Nakagat ko ng mariin ang labi ko. Bakit ba ang malas ko sa mga ate? “Hindi ako makikipagkompetensya sayo sa yaman, Eli. Hindi ko naman alam na papa ko pala ang papa mo.” Agad niya akong sinampal. “Don’t call my dad, papa dahil hindi ko matatanggap na anak ka niya!” “Tama na yan, senyorita!” Biglang pumasok Butler Noli. “No, Noli. This girl plans to steal everything from me!” Umiling ako kasi hindi yun totoo. “Eli, makinig ka naman. Wala akong balak na agawin sayo si papa. Wala naman akong balak sa yaman niyo. Ang mahalaga lang naman sa akin ay si Rico at ang anak namin.” Naluluhang sabi ko. “Sinungaling ka!” Akmang lalapitan na naman ako