Share

Chapter 6

"I pronounced you husband and wife. You may now kiss the bride." Kasabay nang pagdedeklara ng judge sa kanila bilang opisyal na mag-asawa ay naramdaman ni Beauty ang labi ni Euh-Jin sa pisngi niya.

"Congratulations, cous." Marahang tinapik ni David sa balikat ang kanyang asawa.

Asawa.. .Hanggang ngayon ay hindi pa din niya mapaniwalaan na asawa na niya ito. At hindi din niya alam kung anong mangyayari sa kanya pagkatapos nilang lumabas sa opisinang iyon na pinagganapan ng pag-iisa nilang dibdib. Kanina pa siya naaasiwa sa mga kalalakihan sa pamilya ni Euh Jin simula ng tumuntong siya sa opisinang iyon. And why? Those men are highly profile with their Greek looks and power. Isama mo na din ang ama ni Euh Jin na si Tonio Austen na kilala sa Pharmaceautical Business Industry sa buong Asya. Kulang nalang ay hilingin niyang matunaw siya dahil sa nararamdamang panliliit sa harap ng mga ito.

"Congrats, sis." Naramdaman niya ang pagyakap ng bawat babaeng myembro ng pamilyang Austen at Henderson sa kanya.

Naunang bumati sa kanya si Goddess, ang asawa ni David, then Devonne, Rafael's wife followed by Jenny and Shanna na halata na ang umbok ng pinagbubuntis nito kay Anton. These girls are all amazing. Mababait ang bukas ng mga mukha ng mga ito at talaga namang hindi nag-iiwanan sa ganda.

"Thank you." tipid niyang sagot sa mga ito. Hindi niya kayang ngumiti ng buo at totoo. This is not what she dreamt of her wedding.

"Hi, Beauty. Sorry I was late. Ako nga pala si Barbara, David's sibling and your husband's cousin. Welcome to the family, sis." Yakap kaagad ang sinalubong sa kanya ng kararating pa lamang nang mestisahing dalaga.

They're all really pretty and wealthy. Buntong hiningang bulong ni Beauty sa sarili.

"Kinagagalak kong makilala kayong lahat." Marahan siyang yumuko sa mga ito at asiwa na ngumiti.

"Congratulations, hija." Pagpisil ni Tonio sa kanyang palad.

"Thank you po, sir."

"Dad, hija." Pagtatama nito sa kanya then gave her a warm fatherly hug.

"Don't hesitate to approach me hija if you need anything. After all, were a family, now." Maluwang na ngiti nito sa kanya matapos siyang bulungan.

Akmang sasagot pa siya sa mabait na father In law nang maramdaman ang galit na haklit ni Euh Jin sa braso niya.

"Stay away from my wife." Walang galang na turan nito. Halos tumagos sa kanya ang tensyon na namumuo sa mag-ama nang mga sandaling iyon. She can feel they are not in good terms.

"Why, son? Are you afraid I might snatch your wife from you?" ngisi ni Tonio.

"I am not worrying about that, Dad. I'm confident of my wife. She wouldn't want anything from you because I can provide all the things she needed. I doubt she would want an old man around her." Madilim nitong sansala sa ama.

Halos hindi makahinga nang maayos ang dalaga nang buong higpit na pinalibut ni Euh Jin ang mga braso nito sa kanyang baywang.

"Well, son. Siguraduhin mo lang na mapaninindigan mo ang sinasabi mong iyan. The moment you hurt your wife. Ako ang makakalaban mo." Seryosong sagot naman nito kay Euh Jin pagkatapos siyang bigyang ng sinserong ngiti.

"Dude, where are you going?" Tanong ng pinsang nitong si Anton sa asawa niya nang halos kaladkarin siya nito palabas ng city hall.

"Honeymoon." Tiim bagang sagot nito.

"Wow couz, atat lang?" Habol na asar ni Damon rito.

Halos lampas kinse minuto lang ang tinagal ng pagmamaneho ni Euh Jin at agad din nilang narating ang bungad ng subdivision ng mansion nito. Paarangkada nitong pinasibad ang kotse nang malampasan nila ang security guard. Euh Jin went out of his car and drags her upstairs the mansion. Ni hindi nito pinansin ang hilera ng mga kasambahay sa daraanan nila. Kinabahan ang dalaga nang sapilitan siyang ipasok ni Euh Jin sa master's bedroom nito. Sunod sunod ang naging paglunok niya nang simulant nitong hubarin ang damit sa harap niya.

"W-what are you doing?" kabadong tanong niya rito nang matanggal na nito ang suot na suit kasama ang necktie at sapatos nito. Her knees quivered when she saw his perfect six packed abs under his white long sleeve.

"Ano bang ginagawa mo?" Napaatras siya nang bahagya itong lumapit sa kanya at matiim siyang tiningnan sa kanyang mga mata. Napapikit si Beauty nang malanghap ang mabangong hininga ng asawa sa tenga niya.

"Start doing your job, now." Malamig na anas nito sa tenga niya.

Ano bang gagawin niya sa akin? Nang lumapit ang mukha nito ay napapikit na ang dalaga, expecting a kiss from him. Ngunit ang inaasahang pagdampi ng mga labi nito sa kanya ay hindi nangyare, bagkus ay naramdaman niya ang pag-abot ng hinubad nitong long sleeve sa palad niya.

"Clean the mess." Imwinestra nito ang nagkalat na damit na pinaghubadan nito sa master's bedroom.

"And make sure, you attend to my laundry needs personally. Metikuloso ako pagdating sa sinusuot. As my wife, you will do all the basic duties of a housewife." He casually said in a business-like manner.

"Ha?" Awang ang mga labing bumaba aang paningin niya in between his thighs as the only clothe left there is a white boxer brief. And it made her sweaty and hot just the sight of the big bulge down there.

Ang laki naman! Naeeskandalong tinakpan niya ang mga mata ng kanyang palad. After a couple of minutes, she finally opened her eyes. Wala na ang kanyang asawa. Napakagat labi siya nang mabanaag ang malabong hubad na pigura nito sa glass door ng banyo na nakabukas ang pintuan. It took her a strong motivation to start picking and his clothes and dropping it to the hamper at the side. Hindi niya maiwasang amoyin ang damit nito bago maisalansan ng maayos sa basket.

Ang bango naman. Tulalang nakatingin lang siya sa kawalan habang nakadikit pa din sa ilong niya ang damit ni Euh Jin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status