Share

Chapter 39

Sabado nang araw na iyon at wala siyang pasok sa munisipyo. Mabuti na rin yun para makapag- bonding naman sila ng anak niya kahit papaano. Kailangan niyang bumawi rito sa napakaraming taon na wala siya sa tabi nito.

Alas- sais pa nga lang iyon ng umaga ngunit bumangon na siya. Nang makita niya ang anak niya sa unang pagkakataon ay kasalukuyan itong naglalaro ng basketball.

Siguro ay hilig nito iyon kaya aayain niya itong maglaro, total naman ay nasa harap lang ng kaniyang bahay ang court.

Agad siyang bumaba sa kaniyang kama at nagbihis. Ginawa niya ang nga pang- umaga niyang ritwal pagkatapos ay lumabas ng kaniyang silid at dumiretso sa katabi niyang silid.

Pagbukas niya pinto ay nakita niyang payapa pa itong natutulog. Nakunsensiya naman siya na gisingin ito e kasarapan pa lamang ng tulog nito.

Isinara na lamang niya muli ang pinto at bumaba siya sa kusina upang magpatimpla ng kape kay Aya.

"Hatiran mo nga ako ng kape Aya sa silid ko." Sabi niya rito.

"Sige Sir." Sagot nito kaya tu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status