Umaga pa nga lang ay sobrang busy na ni Baxter samantalang si Axe Finn ay pumasok pa sa kaniyang opisina. Ang sabi niya ay magha- halfday na lamang daw ito at kailangan niya pa daw pumasok kahit pa biyernes na.Maaga pa nga kang ay nanduon na rin Gion upang pangasiwaan ang pagsasaayos ng magiging event place ng campaign rally ni Axe Finn. Sa halip na sa tapat na court sa bahay nito ay inilipat nila sa isang open field ng isang eskwelahan doon para na rin mas maluwang ang magiging venue.Sinuggest niya din iyon dahil baka marami siyang followers ang magpunta para sa face reveal niya. Isa pa ay nasisiguro din naman niyang marami ding taong pupunta doon dahil na rin marami rin naman talagang sumusuporta kay Axe Finn.------"Boss ito na ang mga bago nating kasama." Sabi ni Magno kasama ang sampung tao na kasama nito.Ito na ang pinakahihintay niyang araw. Ang araw ng kaniyang paghihiganti. Sa araw na ito ay gagawin na niya ang matagal na niyang pinagplanuhan. Maisasakatuparan na niya ang
Ang isang butil ng luha kaninang bumagsak ay nasundan pa. Namanhid ang buong mukha niya dahil sa mga sampal sa kaniya ni Vince. Nasisiguro niya na kung may salamin lang at titingnan niya ang kaniyang mukha ay maga na dahil sa lakas ng impact ng pagkakasampal sa kaniya.Nalasahan niya rin ang dugo sa gilid ng kaniyang mga labi. Pumutok ang mga ito nang sampalin siya ni Vince. Wala na siyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Manhid na ang buo niyang katawan dahil sa pinaghalo- halong sakit, pagod at stress. Napaiyak na lamang siya. Ang dami nitong tauhan na kinuha para sa plano nitong pagdakip kay Axe Finn at kay Vin. Ang lalaki ng mga katawan ng mga ito at hindi niya alam kung may laban ba si Axe Finn sa mga ito kung sakali.Wala siyang magawa kundi ang maiyak. Ito na ba ang katapusan niya? Nila?Napapikit siya at pagkatapos ay napaupo sa gilid ng dingding. Wala naman siyang magagawa kundi ang antayin na lamang ang mga susunod na magyayari o ang wakas ng buhay niya.-------Lunch brea
Alas syete nga ang start ng kaniyang campaign rally at alas sais na ng gabi. Isang oras na lamang ang kanilang dapat antayin at nakabihis na siya. Pati si Baxter ay nakabihis na rin.Handa na ito sa kaniyang pag- fe- face reveal. Napalingon naman ito sa kaniya ng mapansin nitong nakatingin siya rito."What?" Inis na tanong nito. Sinumpong na naman ito ng kasungitan nito. Matagal- tagal na rin naman ng huli siya nitong sinungitan. Medyo mabait ito sa kaniya nitong mga nakaraang araw dahil nga may problema silang kinakaharap. Pero nang gabing iyon ay hindi niya maintindihan kung bakit ito nagsusungit sa kaniya.Napailing na lang siya bilang sagot dito."Are you nervous?" Tanong niya rito. Bigla naman itong napatitig sa kaniya at pagkatapos ay tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo at nagsalamin."Is it obvious?" Tanong nito sa kaniya.So kinakabahan nga ito. Katanda- tanda na nito bakit kailangan pa nitong kabahan isa pa ay wala naman itong dapat ikakaba lalo na at hindi naman ito pangit d
Isang oras na ang nakakalipas nang mag-umpisa ang programa. Tapos na rin siyang magsalita at kasalukuyan na siyang nakaupo sa taas ng stage.Kasaluyukan nang ipinapakilala ng emcee ang kanilang guest ng gabing iyon at iyon ay si Baxter. Ilang sandali pa ay rinig na mula sa crowd ang mga sigaw ng mga tao. Alam niyang excited na ang mga ito na tuluyan ng makita ang itsura ng isa sa mga sikat na streamer.Ilang sandali pa ay tinawag na nga nito ng tuluyan si Baxter na kasalukuyang nasa likod pa. Ilang sandali pa ay lumabas na nga mula sa backstage si Baxter.Agad na naghiyawan ang mga tao nang makita siya. Hindi na halos magkamayaw ang mga babae sa pagsigaw. Bigla naman siyang napailing. Simula ngayong araw na ito ay nasisiguro na niyang magbabago na ang buhay ni Baxter.Pagkatapos ng gabing ito ay magiging isa na siyang instant celebrity. Panigurado siyang dudumugin na ito lagi ng mga tao kapag nakita siya sa mga public places.Hindi na ito basta basta makakalabas ng bahay nito pero sa
Biglang napadapa si Baxter ng marinig niya ang pagsabog. Walang ibang maririnig sa paligid kundi ang mga sigaw ng mga tao.Maraming tao sa venue. Ang ikinakatakot niya ay baka magkaroon ng stampede sa lugar dahil ang mga tao ay nagmamadaling makalabas sa lugar.Ang mga sigaw ay nagkaroon na ng halong iyakan. "Shit!" Mahina niyang mura. Ano ba ang nangyari? Bakit bigla na lang nag- play ang video na iyon? Natanong niya sa kaniyang sarili. Hindi niya inasahang mangyayari iyon. Isa pa ay si Gion ang naging event organizer kaya nasisiguro niya naisaayos nito ang lahat kaya bakit nangyari ang bagay na iyon?Hindi niya alam kung sino ang nasa likod ng lahat ng iyon. Wala naman silang alam pareho ni Axe Finn sa bagay na iyon isa pa ay bakit naman sana gagawin iyon ni Axe Finn. Kilala niya ito. Hinding hindi nito gagawin iyon dahil dedikadong dedikado talaga ito sa pagtakbo kaya hindi ito gagawa ng ikasisira nito. Napaangat ang kaniyang ulo upang tingnan ang mga ito. Nagtatakbuhan ang mga
Nang magmulat si Axe Finn ng kaniyang nga mata ay ramdam na ramdam niya ang bigat ng mga talukap ng kaniyang mga mata. Halos ayaw dumilat ng mga ito.Ilang sandali pa ay tuluyan na niyang naimulat ang kaniyang mga mata at inilibot ang paningin sa kaniyang paligid.Nasa isang hindi siya pamilyar na lugar. Niyuko niya ang kaniyang sarili. Kasalukuyan siyang nakatali sa isang upuan. Ang kaniyang mga kamay ay nakatali ng sobrang higpit.Napadako ang tingin niya sa gilid ng lugar dahil nakarinig siya ng mahinang paghalinghing.May taong nakahiga sa gilid. Medyo madilim sa kung saan ito nakahiga kaya hindi niya makita ang mukha nito."Jazz?" Mahina ngunit alam niyang umabot sa pandinig nito.Hindi niya alam kung sino ito ngunit malakas ang loob niya na si Jazz ito. Nang mag- sink in na sa kaniyang utak ang nangyayari ay hindi na natanggal sa kaniyang isip kung sino nga ba ang nasa likod ng lahat ng ito. Wala namang ibang gagawa ng bagay na iyon kundi ang isang taong may sira lamang sa ulo n
Nasa ganuon silang sitwasyon nang makarinig sila ng tinig na nagmumula hagdan.Napapapalakpak pa ito habang papalapit sa kanila."Well, well, well. Gising ka na pala?" Nakangising tanong nito kay Axe Finn.Nang makalapit ito sa harap ni Axe Finn ay nakapa- meywang ito. Sa likod nito ay ang apat nitong tauhan at ang isang babaeng pamilyar na sa kaniya. Ito ang babaeng kasama ni Vince nang ikulong siya ng mga ito."So it's true." Sabi ni Axe Finn na nakatingin sa babae."Bakit parang hindi ka nagulat?" Tanong naman ni Vince rito."Bakit pa naman ako magugulat e alam ko na ang lahat?" Ganting tanong naman nito kay Vince.Siya ay tahimik lang na nakikinig sa usapan ng mga ito. Wala siyang balak makisawsaw dahil wala naman siyang alam sa pinag- uusapan ng mga ito.Ngunit dahil na rin sa pag- uusap nila ay nalaman niya na kakilala ni Axe Finn ang babae."Why Lizette?" Nakuha nitong tanungin sa babae na punong- puno ng hinanakit.Nag- iwas lang ng tingin ang babae at hindi nito sinagot ang t
[Flashback]2013Masayang dumating sa bahay nila si Via. Abot- tainga ang ngiti nito nang pumasok sa silid ni Vince."Mukha yatang masaya ang prinsesa ko ahh." Puna sa kaniya ni Vince at tumayo mula sa harap ng kaniyang laptop.Kararating lang nito galing sa eskwelahan at kitang- kita sa mga mata nito ang kakaibang saya.Agad namang lumawak pa ang pagkakangiti nito at pagkatapos ay napahawak sa dalawa nitong pisngi."Halata ba Kuya?" Tanong nito at pagkatapos ay humarap sa salamin.Halos mamula ang buong mukha nito habang nakatitig sa salamin. Halatang- halata na kinikilig ito. Naipilig niya ang kaniyang ulo."Bakit sobrang saya mo? May nanliligaw na siguro sayo ano?" Tukso niya rito.Agad naman itong humarap sa kaniya na hindi pa rin mapawi- pawi ang mga ngiti."Bakit Kuya ayaw mo ba na may nagkakagusto sa akin?" Tanong nito sa kaniya.Napabuntung- hininga naman siya."Hindi naman sa ganun Via. Kaso seventeen ka pa lang." Sabi niya rito pagkatapos ay hinawi ang mga buhok na bumagsak