Share

Chapter 83

Papalubog na ang araw ng oras na iyon. Bukod na nga sa pagod na pagod na ang katawan niya at hinang- hina na ay dumagdag pa ang halos buong maghapon siyang nakabilad sa sikat ng araw.

Saktong- sakto kase sa tapat niya ang sinag ng araw kung saan walang bubong doon at tumatama direkta sa kaniya ang sikat ng araw.

Tuyong- tuyo na rin ang bibig niya. Simula kagabi nang bihagin siya ng mga ito ay hindi na siya pinakain o pinainom man lang. Ang tanging paglunok ng sarili niyang laway ang tanging nagawa niya.

Hindi niya inakalang aabutin niya ang ganuong sitwasyon. Wala sa utak niya na isang araw ay mararanasan niya ang ganuong bagay. Napapikit siya.

Hinang- hina na ang katawan niya. Halos bumigay na ito dahil sa sakit at pagod.

Napatanong tuloy siya sa kaniyang sarili kung kaya pa ba niya sa kabila ng sakit at pagod na nararamdaman niya.

Tama pa ba na lumaban pa siya? Tama pa ba na umasa pa siya na may darating pa para iligtas siya?

Biglang pumasok sa utak niya sina Baxter, Scott, Gion at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status