Share

CHAPTER 20

Sa loob ng mahigit isang buwan na kanyang pagbubuntis ay naranasan niyang pagsilbihan siya ni Beast. Hindi na rin palaging nakasigaw o nagagalit sa kanya si Beast. Minsan kahit kasalanan niya ay iniintindi pa rin siya nito.

Hindi na rin siya pumapasok sa university dahil ang payo ng doktor ay kailangang niyang hindi ma-stressed at nasa bahay lang siya hangga’t maaari. Kaya naisip ni Beast na huwag na muna siyang mag-enroll ngayong 2nd semester.

Sina Danella at Shaira naman ay dumadalaw-dalaw na lang sa bahay para hindi raw siya gaanong mabagot. Ang daddy naman niya ay nakalabas na rin ng ospital kaya palagi siyang pumupunta sa kuwarto nito para bumisita at sinasabayan siya nitong magpaaraw sa garden tuwing umaga.

“Good morning, asawa ko!” masiglang bati ni Beast sabay halik sa kanyang pisngi.

“Good morning too, Beast!” nakasimangot naman na bati ni Khrystal.

 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status