Share

CHAPTER SEVEN: DEPART

Chris Pov's

"dad?" tanong ko nang makita ang matalim na titig niya

pinilit kong tumayo kaso lalo lang ako nasusubsob sa lapag, nararamdaman ko ang pag yagig ng sahig dahil sa lakas ng impact.

tumayo si dad at lumapit sa'kin, nakita ko sila Jake, Dean, Razael at Hakeem na naka-tingin lang sa'kin.

"where did you get the girl" malamig na tanong ni dad

napalunok ako ng ilang beses bago ko maramdaman na gumaan ang pakiramdam ko, kaya tumayo ako at pumantay kay dad.

"Jake gave the girl to me" naka-tingin kong sagot kay Jake

halata sa ekspresyon niya ang gulat nang marinig ang sagot ko.

nilipat ni dad ang tingin kay Jake na naging dahilan ng panginginig niya

"n-no i i didn't" iling nitong sagot

"Jake, read his mind" napa-hilot si dad sa kaniyang sintido at umupo sa unahan

sumunod akong upo sa tapat ni Jake at pinatong ang dalawa kong kamay sa lamesa

"Chris" tawag sa'kin ni Jake kaya napatingin ako

nag tama ang aming mata, napa-titig lang ako sa pulang mata niya habang naka-tingin sa'kin ng taimtim. biglang na manhid ang buo kong katawan at nag simulang mahilo, may mga pangyayari na lumalabas sa isip ko ng sobrang bilis, napa-kuyom ako ng kamao dahil gusto ko nang pumikit kaso hindi ko magawa dahil naka-dikit ang tingin ko sa mata ni Jake, para itong magandang tanawin na ayaw mong alisan ng tingin. naramdaman ko na unting-unti sumisikip ang pag hinga ko, malalim na ang hugot ko sa hangin at lumalabo na ang paningin ko. nakita ko ang kunot sa noo ni Jake kasabay ng pag balik ng luntiang mata niya.

"d-d*mn" napa-yuko ako sa lamesa habang hinahabol ang hininga ko.

sh*t 

"it wasn't me" diretsong saad ni Jake sa'kin

"w-what?" hingal kong tanong

"Lord Valmont it wasn't me, hindi ako ang kasama niya kanina" malamig na saad niya

"what did you see Jake?" tanong ni Lord Valmont

nakuha ni Jake ang atensyon naming lahat, naka-tingin lang kami sa kaniyang diretso at walang kibo

"that guy, kaya niyang gayahin ang pisikal at ability ng isang bampira kung gusto niya. isang tingin lang niya at kaya na niyang kopyahin, walang makaka-alam depende kung alam mo 'yung ability ng ginaya niya.." paliwanag ni Jake

"did you notice something?" na lipat ang tingin nila sa'kin at alam kong may halong tensyon 'yon

lumunok ak at huminga ng malalim

"yeah, iba 'yung takbo mo duon compare sa normal. mas mabilis at agresibo, malakas din ang awra na naka-paligid sa'min noon." sagot ko, lahat ng mata ay lumipat agad kay Jake habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin

"masyado siyang malakas para kompyahin ang ability ko, masyado akong mahina para kopyahin niya.." naka-yukong tugon nito

"do you see something else?" seryosong tanong ni dad

"yes, nakita ko na may tattoo siya sa may bandang batok" tumingala siya at tumingin ng seryoso kay dad

"i saw his true form"

"d-dad" tawag ko sa kaniya ng makita itong naka-yuko at naka-kuyom ang kamao

"you're going to Philippines now!" tumingala si dad at lumitaw ang pangil niya

tumayo kami at agad na pumunta sa kaniya- kaniya naming silid at kinuha ang maleta.

pumunta agad kami sa sala at umupo habang hinihintay namin si Dad kasama ang ibang Lords.

"you all ready?" bungad ni dad pag baba nila ng hagdan.

lahat kami naka-suot ng itim na long sleeves blazer, at sa loob ay puting polo, itim na slack at itim na sapatos.

inayos ko ang necktie ko na ngayon ay tabingi, tumayo ako at sumunod naman sila.

"remember our deal Chris" tapik ni dad sa balikat ko, tumango lang ako.

nag paalam na sila Dean, Jake, Razael at Hakeem sa kanilang mga ama, ako naman nag lakad na palabas dala-dala ang dalawa kong maleta.

"ba't kase ang dami mong dala?" natatawang tanong sa'kin ni Jake na ngayon ay nasa likuran ko sila

hindi ko sila pinansin at nag patuloy lang pag lakad.

nang makarating kami sa gate ng mansyon ay agad naman itong binuksan ng nag babantay na isa ring bampira.

nang maka-tapak kami sa labas ng gate inayos namin ang sarili, pina-init ang katawan na parang may umaagos na dugo at may tumitibok na puso, binalik ko ang kulay ng mata ko sa dark brown, binalik din nila ang tunay na kulay ng mata nila, huminga ako ng malalim at ngumiti, pagka-ngiti ko ay agad namang nag tago ang pangil ko, gano'n din ang ginawa nila. 

nang matapos kami, tinignan namin ang sarili, mukha na kaming tao.

"let's go" malamig na aya ni Hakeem at nanguna sa pag lakad

ngumiti lang ako at sumunod sa kaniya.

nasa loob pa rin kami ng Crimson Moon, patungo kami ngayon sa portal kung saan naka-konekta ang mundo namin sa Switzerland mundo ng mga tao.

huminto kami ng makita ang isang mataas at madamong pader, nagka-tinginan kami ng maalala paano kami makaka-punta sa labas ng mundo

"yo~ sorry I'm late" 

napa-tingin kami sa aming likuran at bumungad ang isang bampira na kulay pula ang mata, semi- kalbo ang style ng buhok, may hikaw ito sa ilalim ng labi at sa tenga, maikli ang pilik-mata nito at makapal ang kilay, naka-suot ito ng green na t-shirt at pantalon na maong habang naka-tsinelas.

ngumiti ito sa'min na naging dahilan ng pag litaw ng kaniyang pangil

"I'm Keith, the Portal Keeper" naka-ngiting saad nito

lumapit siya sa'min at humarap sa pader

"once you got out makakalimutan niyo ang buhay niyo dito" huminga ito ng malalim at tumingin sa'min ng isa-isa.

"huh?" 

"WHAT?" sabay-sabay naming sigaw

"dad, never told me about this!" bulyaw ko sa kaniya

"HAHAHAHAH" napa-tingin kami sa kaniya ng bigla itong tumawa

"bro, I'm just kidding HAHAH" tugon niya at binalik ang tingin sa pader

d*mn this man

nilapat niya ang kaniyang palad sa pader at huminga ng malalim

"patefacio sursum" bulong nito 

biglang lumiwanag ang pader, halos masilaw kami sa sobrang liwanag nito, napa-takip ako ng mata at pumikit.

nang mawala ang liwanag unti-unti akong dumilat at halos malaglag ang panga ko

"d*mn man" bulong ko nang makita ang isang waterfalls sa harap namin

"go ahead" tinuro niya ang kaniyang kamay papasok

pumasok kami sa loob at tumagos sa tubig na bumabagsak

"take care" 

napalingon kami kay Keith na ngayon ay kumakaway

"pro'pe" bulong nito at bigla siyang nawala kasabay ng pag laho ng pader

tumingin kami sa paligid, nasa loob kami ng isang kweba na ang tanging labasan lang ay ang tubig na bumabagsak

"did you sense any human?" tanong ni Dean kay Razael

"nothing, malayo about 1 kilometer away"

"okay" nag lakad si Dean sa harapan ng umaagos na tubig at huminto

nag pa-mulsa siya at timitig sa tubig

"auferetur" saad nito

bigla namang nawala ang tubig, nag lakad kami at pumantay sa kaniya.

tumingala ako at nakita ang kaninang bumabagsak na tubig hanggang sa baba namin ay ngayon ay bumabagsak sa taas namin.

"aghh! it's too high Dean!" yugyog ni Jake kay Dean habang naka-nguso

"i get it" saad ni Dean

"petram" bulong ni Dean 

biglang lumutang ang mga bato na galing sa baba at nag tumpok-tumpok ito hanggang sa maging hugis hagdan ito

"YAY!" takbo ni Jake pababa

sumunod naman kaming bumaba.

"excited si Jake ah" tabig sa'kin ni Razael

ngumiti lang ako at nilagpasan siya

nang maka-baba kami ay agad akong naka-langhap ng dugo, lahat sila ay alam kong malapit, kahit saan akong direksyon tumakbo may makikita ako.

agad na nag init ang katawan ko, at nag simula nang matuyo ang lalamunan ko

sh*t

napa-singhap ako ng maka-amoy ng sariwang-sariwang dugo at alam ko malapit lang 'yon dito

lalong uminit ang katawan ko, unti-unti kong nararamdaman ang pangil ko na lumalabas

"Chris" napa-lingon ako sa humawak ng balikat ko

"y-yeah?" pina-kalma ko ang sarili ko nang makita ang titig ni Hakeem na nakakamatay

"don't try to do anything stupid" saad nito at tumalikod sa'kin.

ramdam kong kumalma na'ko dahil bumalik na sa normal ang kulay ng mata ko at pangil.

"et reditus ruinam" sabi ni Dean 

agad namang nasira ang hagdan at naging pira-pirasong bato ito, bumalik ang mga bato sa puwesto nila, ang tubig ay agad namang bumagsak sa baba.

"i wish i had that ability" naka-ngusong sabi ni Jake

tinawanan lang siya ni Dean at nag lakad.

sumunod naman ako sa likuran nilang apat nang bigla akong pantayan ni Hakeem at Razael, napa-kunot ang noo ko at nag una-una, pumantay ulit sila sa'kin kaya tumingin ako sa kanila

"what?!" inis kong tanong

nginisian lang ako ng dalawa at inalisan ng tingin

d*mn, there's blood everywhere. natatakam ako sh*t

naka-labas kami sa isang waterfalls na napapaligiran ng puno

gubat ba tawag do'n?

oo puwede din

huh?

ang bingi mo naman nasa isipan mo na nga ako bingi ka pa

napa-kunot ako ng noo nang ma-realize ko na sumisingit si Jake sa utak ko

tinignan ko siya at enjoy na enjoy sa pag sight seeing sa paligid niya

tss

nakarating kami sa isang malawak at malaking kalsada

"woaaah! ang laki nito! ibang klase sa Switzerland yuho~" talon ni Jake sa gitna ng kalsada

may nakita kaming itim na Van nang maka-tapat ito sa'min huminto ito at bumukas ang pintuan

"'sup!"

napangiwi kami ng makita si Keith sa loob ng sasakyan

"relax this is just my clone hop in!" natatawang sabi niya

sumakay naman kami sa sasakyan, nag agawan pa si Razael at si Jake kung sino unang makaka-upo sa tabi ng bintana

"tss" binatukan ni Hakeem ang dalawa at umayos naman sila ng upo

katabi ni Dean si Hakeem sa unahan kasama si Keith, katabi ko naman si Razael at Jake sa pangalawang upuan at ang nasa likuran namin ay ang mga maleta.

"what is your ability Keith?" tanong ni Jake at sinilip si Keith

"i can make my own clone using shadows" naka-ngiti nitong saad

"kayo lang nakakakita sa'kin" dugtong nito

"sino nag dridrive?" tanong ko

tumingin ito sa'kin at ngumiti ng nakaka-loko

"clone ko"

isang katahimikan ang bumabalot sa'min habang iniisip ang sagot niya

"WHAAARRGHT?!" sabay naming sigaw, nataranta naman si Jake at pinipilit tignan kung sino ang nag dridrive

"kidding" natatawang saad nito

"he's Harry one of my team" paliwanag niya

"akala ko naman hmp!" napa-cross arm si Jake at tumingin sa bintana

"where are we going now?" tanong ni Hakeem sabay buklat ng libro niya

"airport lilipad papunta sa Pilipinas" sagot nito at sumandal sa upuan

"matagal ba 'yung byahe?" tanong ko

hindi siya kumibo at naka-sandal lang, tinignan namin siyang lahat at para itong patay na naka-pikit lang

hinawakan siya ni Razael sa ulo hindi ito gumalaw, kinalabit siya ni Dean ngunit hindi pa rin siya gumagalaw.

"let him. sleep." malamig na saad ni Hakeem

agad naman umikot ang paningin ko at lumabo

"d-d*mn you H-hakeem" bulong ko bago ako mawalan ng malay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status