Share

CHAPTER TWENTY: VLAD

Alaris Pov's

"Did you find Vlad?" Tanon sa'kin ni Lord Falmund pagkapasok ko sa kwarto ni Lord Valmont.

"No, my Lord but we keep on searching" Magalang kong sagot at lumabas ng kwarto. 

"Keith" Tawag ko sa hangin. 

Bigla naman siyang lumitaw sa harapan ko kaya na pahinto ako ng lakad, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, "Ba't ang dumi mo?" Tanong ko sa kaniya.

"I found something." Sagot niya at inisnap ang kaniyang daliri.

"What?" Nakasimangot kong tanong.

"I'm not really sure, pero.." Huminto siya at lumapit sa'kin at bumulong.

"I found Vlad lying beside the Verzasca river" Bulong niya na naging dahilan ng pag laki ng mata ko. "That's great, I will tell Lord Valem right away." Tugon ko at tumalikod sa kaniya.

"NO!" Napahinto ako ng maramdaman ang hawak niya sa braso ko. 

"What do you mean?" Nakasimangot kong tanong sa kaniya ng makaharap ko siya.

"He is different from his old self" Sagot niya na naging dahilan nang lalong pag simangot ko.

"Huh?" 

"I can sense a powerful ability from him" Tugon niya at nag simulang mag lakad palabas.

"What's your plan then?" Tanong ko at nag lakad kasabay niya.

"We will get him and put him underground" Sagot niya at tumingin sa'kin. "Pero hindi natin sasabihin sa KINGS" Dagdag niya na naging dahilan ng pag init ng ulo ko.

"HUH?!"

"If you remember Soux, Vlad is his first victim we cannot trust Vlad after that, hindi natin alam kung siya pa rin ba talaga 'yon." Paliwanag niya na naging dahilan ng pag kalma ko.

Tama siya, right now hindi pa namin mapagkatiwalaan si Vlad. Lumiko kami sa isang hallway ng makababa kami ng hagdan, pagkaliko namin nag lakad pa kami ng kunti hanggang sa marating namin ang kaduluhan ng hallway. Hinawakan ni Keith ang isang lampara na nakakabit sa pader, bigla itong lumiwanag kasabay ng pag bukas ng isang portal, pumasok kami sa loob ng portal at nilamon ng kaliwanagan.

"Woah" bulong ko ng mag laho ang liwanag.

Napahinto ako sa pag lalakad ng makita ang kahabaan ng malinaw na ilog, matutuwa ka sa sobrang lakas ng agos ng tubig. Nilibot ko ang aking paningin, napapalibutan kami kulay berde na mga puno, ang kulay nito ang nag sisimbolong masaya at malusog ang mga puno, dumako ang aking paningin sa damuhan na tinatapakan namin, may iba't ibang uri ng baluklak; may asul, lila at dilaw. Napangiti naman ako ng makita ang nag sasayawan na mga paru-paro sa palibot ng mga bulaklak.

"Ang ganda" Bulong ko 

"Let's go enough of that" Panira ni Keith at na lakad papunta sa gilid ng ilog.

"So this is Verzasca River?" Tanong ko kay Keith habang nakatalikod sa'kin at nakapamulsa.

Nakasuot ito ng itim na long sleeves habang ang dalawang manggas nito sa dulo ay naka tiklop abot hanggang braso niya, nakasuot ito ng itim na slacks na pinaresan ng itim na sapatos.

"Yeah, Verzasca River ang nag dudugtong ng dalawang realm, ang Valhalla Realm at Cadis Realm. Ang nag dudugtong naman sa Wielder Realm at Estrael Realm ay ang Acre River. Ang huling ilog sa dulo ng Collins Realm ang Reuss River." Mahabang paliwanag niya.

"Iyong kay Vahagn?" Tanong ko at pumantay sa kaniya.

"Ah, hmm the Orbe River na nawala kasama ang Linth Realm." Sagot niya.

Tinanggal niya ang isa niyang kamay sa kaniyang bulsa at itinapat ito sa kumikinang na ilog.

"Sigillum pontis" Saad niya.

Pagkasaad niya agad namang huminto ang agos ng tubig mula sa ilog, sa may bandang gitna ng ilog pataas ng pataas ang tubig hanggang sa lumabas ang isang tulay na bato, makinang ito at kulay silver, may mga maliit na disenyo ang bumubuo sa tulay.

"Let's go." Aya ni Keith at nag lakad patungo sa tulay. Sumunod naman ako sa kaniya at tumawid sa tulay.

Pagkarating namin sa kabilang bahagi ng ilog agad namang nag laho ang tulay at bumalik ang malakas na agos ng tubig.

"Let's go, I saw him here" Saad niya at nag lakad patungo sa loob ng gubat.

Sumunod naman ako sa kaniya at tumingin-tingin sa paligid, hindi naman gano'n kalalim ang gubat dahil sumisilip pa rin ang araw sa loob. Lumiko kami sa bandang kanan dahil duon namin nakita ang isang track ng footsteps, sabi ni Keith sa kaniya daw 'yon kanina.

"There" Tinuro ni Keith si Vlad na ngayon ay nakahiga sa ilalim ng puno habang ang damit nito ay wasak-wasak, may nawawalang bahagi na rin ang kaniyang katawan tulad ng dalawa niyang daliri sa kaliwa niyang kamay, tanging abo na lang makikita sa puwesto niya dahil sa nalusaw niyang katawan.

Lumapit agad ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang ulo.

"He's alive, his soul is still alive" Saad ko at tumingin kay Keith na nakatayo sa gilid ko.

"Ano na ang gagawin natin?" Tanong ko

Nag lakad siya papunta sa tapat ko sa tabi ni Vlad at umupo para hawakan si Vlad sa noo.

"Dadalhin natin siya pabalik sa mansyon, gagamitin ko ang ability ko para mabilis tayong makapasok para hindi tayo matunugan." Paliwanag niya.

Tumango lang ako at binuhat si Vlad ng dahan-dahan, Tumabi ako kay Keith at huminga ng malalim.

"Ianuae est sub terra " Bulong niya.

Pagkabulong niya ay agad kaming kinain ng kadiliman, ang buong paligid ay madalim ngunit ang aming pang amoy at pandinig ay malakas.

Bigla namang lumiwanag at niluwal kami sa isang secret hallway sa ilalim ng mansyon.

"Let's go" Pag mamadali ni Keith at na una sa pag lalakad, sumunod lang ako habang nasa balikat ko si Vlad.

Huminto kami sa tapat ng isang pader at hinawakan iyon ni Keith at bumulong "aperta" agad namang yumanig ang pader at unti-unting nag bukas ito.

Pumasok kami at inilagay si Vlad sa isang kulungan at itinali ang paa nito sa isang kadenang may ability barrier.

"Let's go, I can hear Lord Falmund singing our names" Saad ni Keith nang masara ang lock sa gate ng kulungan ni Vlad. Tumango lang ako at lumabas sumunod naman si Keith, humarap kami ulit kami sa pader.

"claudere" bulong ni Keith at bigla namang nag sara ng pabagsak ang pader.

"Let's go" Saad niya

"Ianuae cenaculum" 

--

"Keith where the h*ll are you?" Rinig kong sigaw ni Lord Falmund sa taas.

"WE'RE HERE LORD!" Sigaw ni Keith na ngayon ay nakaupo sa tabi ko habang naka dekwatro.

"Kanina ko pa kayo tinatawag may meeting" Bungad ni Lord Falmund pagkababa niya dito sa sala.

"OKAY!" Tugon ni Keith at sumunod kay Lord Falmund.

aqua

A/N: [ a late update :) . enjoy reading, stay safe and thank you waters~]

| ชอบ
ความคิดเห็น (2)
goodnovel comment avatar
Pinky Villorente Asiong
next please
goodnovel comment avatar
Pinky Villorente Asiong
ipon coins muna
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status