Sa bahay pugad kung saan dinala nung Allan sina Marife at Berry ay sinalubong sila ng babaeng namamahala sa mga taong nakatira doon.
"Sila na ba ang bagong talent na sinasabi ni Madam Lorena?" tanong ng babaeng halos hindi naman nalalayo ang edad kina Berry sa lalaking umaalalay sa magkaibigan."Sila nga Jessa, ikaw na ang bahala sa dalawang yan. Mga mukhang walang muwang, turuan mo na muna bago mo isabak sa trabaho sa club para may idea sila kung ano ang gagawin nila sa club. Magpapahinga na muna ako at mamaya ihahatid ko na naman ang mga alagang kalapati mo. Ipatawag mo na lang ako mamaya kapag nakaready na kayong lahat," aning saad ng lalaki sa nagngangalang Jessa."Bahala ka, basta siguraduhin mong nakalock ang gate at ang mga kasamahan mo ay nagbabantay roon. Mahirap ng matakasan tayo ng mga ito dahil tayo ang malilintikan," biling saad ni Jessa kay Allan."Kahit hindi mo ipaalala Jessa, Alam ng mga tao ko ang trabaho nila rito. Wag mo kong manduhan ha! hindi ikaw ang boss ko," paangil na sagot nung Allan sa babae na inirapan na lang ang lalaki at hinarap silang magkaibigan."Kayong dalawa, sumunod kayo sa akin!" utos ng babae kina Berry at Marife.Walang imik na sumunod ang magkaibigan kay Jessa. Malawak ang bakuran ng lugar at dalawang palapag ang kabuuan ng malaking bahay. Sa itaas ng bahay sila dinala ng babae.Paakyat pa lang sina Berry at Marife ay pansin na nila ang ilang mga kababaehan na nakatanaw sa kanilang pagdating. Ang iba ay mapapansin agad ang awa sa mga mata nito, ang iba naman ay parang natutuwa sa pagdating nila at ang iba ay mga nakataas na ang kilay sa kanilang magkaibigan. Halos mga kaedaran lang din nila ang mga babaeng nakikita nila Berry at sapalagay nila ay katulad din nila ang sinapit ng mga babaeng iyon."Maupo kayong dalawa," utos sa kanila nung Jessa.Naupo sina Berry at Marife at parehong nakikiramdam sa paligid habang kinakausap sila nung babaeng sa tingin nila ay hindi naman ganoon kasama ang ugali."Mga mukhang isa rin kayo sa mga naloko ni Cristy. Saang probinsiya kayo narecruit ng balasubas na babaeng 'yon? Ikaw, maganda at makinis ka at maganda rin ang hubog ng iyong katawan, pwede kang maging dancer sa club. Anong pangalan mo?" aning tanong ni Jessa na napansin agad nito ang katangian ni Berry."Be-Berry Marasigan po ang pangalan ko, ma'am." sagot agad ng dalaga dahil sa takot."Maganda rin ang pangalan mo ha, bagay sa iyo. Ikaw, anong pangalan mo? medyo payat ka lang pero maganda ka rin at lalo kang gaganda kapag naayusan ka at tumaba ng kaunti. Magkaibigan kayong dalawa?" seryosong tanong pa ng babae sa kanila."Maria Fe Cantiga po. Taga Catanduanes kaming dalawa at oo, nadenggoy kami ng demonyang babae na yun at kaya kami naririto ngayon ay dahil sa kanya. Kapag nagkasalubong uli ang landas namin ng talipandas na gurang na iyon ay naku lintik lang ang walang ganti talaga!. Dahil sa ginawa niya sa amin ni Berry hindi ko alam kung anong kakahantungan ng buhay namin rito," mahumanay na sagot ni Marife ngunit halata ang galit nito sa babaeng naging dahilan ng pagkakasadlak nila ni Berry sa trabahong hindi nila kailanman ginustong pasuking magkaibigan.Hindi naman pinansin ng babae ang galit ni Marife at nagpatuloy sa pag iinterview at briefing nito sa dalawa."Dito kayo manunuluyan sa bahay pugad sa buong araw at sa gabi ay sa club kayo magtatrabaho bilang mga entertainer at dancer. May makukuha naman kayong sahod tuwing katapusan ng buwan, anim na libo. Hindi naman sobrang sama ng mga boss natin at maayos naman silang tumutupad sa usapan. Ang bawat isa sa inyo ay maaaring makalaya sa lugar na ito basta maibigay na ninyo ang isang daang libong halaga ng pang tubos sa sarili ninyo. Kaya kung gusto ninyong mapadali ang pag alis ninyo rito ay gumawa kayo ng paraan upang makalikom ng ganoong halaga, naiitindihan n'yo?" mahabang paliwanag ni Jessa sa dalawa na tumango lang."Si Allan ang tagahatid at sundo ninyo sa Club. Wala kayong dapat na ikapangamba kay Allan dahil hindi kayo sasaktan nun kung hindi ipag- uutos ni boss. Sa bahay na ito ay safe naman kayo, walang gagalaw sa inyo rito at walang mananakit sa inyong tauhan ni Madam Lorena. Except na lang kung magtatangka kayong tumakas. Syempre ibang usapan na kung susuway kayo sa rules. Kung hindi ninyo makuha ang ibig kong sabihin ipapaintindi ko para sa inyo," litanya ni Jessa kina Berry at Marife na magkahawak kamay at pinakikinggan ang bawat sabihin ng babae sa kanila."Kapag matigas ang ulo ninyo rito ay mapaparusahan kayo. Kapag kayo ay nagtangkang tumakas at mahuli kayo, ipagdasal na ninyo ang buhay ninyo dahil baka ibenta kayo sa mga halang ang bitukang kakilala ni boss dahil sa katigasan at tapang na ipapamalas ninyo. Kaya ngayon pa lang ay binabalaan ko na kayong mga bago rito. Hindi sa tinatakot ko kayo pero kailan lang may isang babae rito na nagtangka at ngayon ang alam ko ay ginawa ng sex slave ng mga tauhan ng mga Mafia na kakilala nila boss," pananakot na saad ng babae sa kanila.Nagkatinginan sina Berry at Marife na napansin naman ni Jessa. "Kaya kung ayaw ninyong sapitin ang dinanas ng ibang mga babae rito ay magpakabait kayo," matinding payo na may pananakot ng babae sa magkaibigan."Kumain na ba kayo?" muling tanong ni Jessa."H-Hindi pa nga po!" mahinang sagot ni Berry."Hindi kami pinakain ni Aling Cristy kanina, habang nasa byahe kami ay binigyan niya lang kami ng biscuits at bottled water ni Berry," sagot naman ni Marife.Lumayo ng bahagya si Jessa sa kanila at pasigaw na tinawag ang pangalang Janna na isa yatang kasambahay roon sa bahay pugad."Janna, maghain ka at kakain silang dalawa," utos ni Jessa sa babaeng lumabas sa isang pintuan."May natira pang ulam at kanin kanina, iinitin ko na lang iyon para sa kanilang dalawa, kasya naman na siguro sa kanila ang tirang kanin," wika ni Janna na isa pa lang PWD (Person with Disabilities.) may polio ang babaeng nagngangalang Janna."Asikasuhin mo na muna sila, Janna. Ikaw na muna ang bahala sa kanila at matutulog na muna ako," saad ni Jessa at tinalikuran na silang tatlo ng babae."Oo na, alam ko naman na ang gagawin ko," pabalang naman na sagot ni Janna na hindi pinansin ni Jessa at nagtuloy-tuloy ito sa paglalakad."Welcome mga girls sa bahay pugad. Ako si Janna ang utusan ni Jessa rito sa bahay. Actually magkapatid kami ng gaga kong ate na yon! Mabait naman yan, huwag lang ninyo gagalitin dahil makikita ninyo kung paano rin yan magalit. Pahihirapan kayo niyan sa rehersal ninyo," Nakangiting pakilala nung Janna sa kanila."Hi / Hello," magkapanabay na bati nila Marife at Berry, na nabawasan ng kaunti ang takot at kabang kanina pa nila nararamdaman at dahil iyon kay Janna na sa tingin nila ay maari nilang maging kaibigan sa bahay na iyon."Marife, anong iniisip mo?" pagpuna ni Berry sa kaibigan na biglang tumahimik."Huwag mo muna akong pansinin Berry," matamlay na turan ni Marife sa kanya."Galit ka ba sa 'kin? kanina ko pa kase napapansin ang pananahimik mo. Nararamdam kong may gumugulo sa iyong isipan, ano ba 'yon? sabihin mo naman sa akin," mahumanay na tanong ni Berry sa kaibigan ng maiwan silang dalawa sa kusina.Nagpaalam kase kanina sa kanila si Janna na may kukunin lang sa silid nito at babalikan daw sila agad, pagkatapos silang maipaghain ng makakain nila."Berry, ayoko sa ganitong lugar. Gusto kong tumakas pero ikaw ang iniisip ko, hindi kita pwedeng iwan at ayokong mapahamak ka dahil sa binabalak ko," mahinang pahayag ni Marife na ikinalaki ng mga mata ni Berry."Fe, huwag na nating subukan. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Jessa sa atin kanina?!" takot na saad ni Berry at yumuko."Patawarin mo 'ko, Marife! kase ng dahil sa akin nakasama ka rito ng dahil sa pagpupumilit kong samahan mo ako. Kung hindi kita
Samantalang ang lalaking nakakita kaninang tanghali kina Berry sa labas ng club ay nakabalik na sa loob ng opisina nito bilang CEO (Chief Executive Officer.) sa kanilang kumpanya.Pagkatapos niyang maihatid ang matalik niyang kaibigan na si Cyrus sa bahay nito ay agad siyang nagbalik sa Construction Company nila."Shlt!" murang wika ni Jayden dahil sa naiinis siya sa sarili kanina pa. Hindi siya makapagfocus sa kanyang ginagawa dahil sa paulit-ulit niyang naalala ang mukha ng babaeng nanalamin sa salamin ng kanyang kotse.Kanina pa siya sa harap ng screen ng laptop niya pero wala siyang nagagawa o natatapos. Napatayo na siya sa kanyang swivel chair upang makapag-isip ng kanyang gagawin para maalis sa isipan niya ang mukha ng babaeng probinsyana.Paroo't parito, pabalik-balik na ang lakad niya sa loob ng kanyang opisina. Ngunit walang ibang pumapasok sa isipan niya. Nag-aalala siya para sa babaeng probinsyana.Naalala niya ng pumasok ito sa loob ng club kasama ang dalawang babae at nai
"Girls, pinatatawag na kayo ni Ate Jessa," aning wika ng isang babaeng bigla na lamang pumasok sa silid nila Berry na ikinagulat nilang apat dahil hindi man lang kumatok ang babae sa pinto.Katatapos lang nila Berry at Marife na ayusin ang mga damit nila sa nakalaang cabinet para sa kanila sa loob ng silid na iyon. Habang ang dalawa nilang kasama ay busy sa kanilang mga ginagawa."Hindi ka ba marunong kumatok?"singhal ni Ginalyn sa babaeng nakatingin kina Berry at Marife."Dito pala sa kwarto ninyo inilagay ang mga bagong dating. Hi, im Teresa, Tere na lang for short. Bago lang din ako, magdadalawang linggo pa lang," aning bati sa kanila ng babaeng kumuha ng kanilang atensyon.Napakunot noo si Marife at si Berry ay napatitig sa mukha ni Teresa.Kung titignan nila kase ng mabuti si Teresa ay para itong hindi problemado na katulad nila. Samantalang sinabi nito na bago pa lang din pala ito sa lugar na iyon."Hi din, ako si Berry at siya naman si Marife. Magkaibigan kaming dalawa," balik
Sabay-sabay na kumain sila sa mahabang lamesa. Ang iba ay kumuha lang ng pagkain at sa sala na naupo dahil hindi sila kasya sa hapagkainan sa dami nila. Napansin ni Berry at Marife na ang tahimik ng lahat. Wala silang nakikitang mga nag uusap man lang. Pero pansin din nila ang pagtitinginan ng ibang mga babae.Bumalik sila ng silid matapos nilang kumain. Naunang naligo si Aireen kaya habang naghihintay silang matapos si Aireen ay muling nagtanong si Marife kay Ginalyn."Ginalyn, bawal bang makipag usap sa ibang kasama natin rito?""Ayaw ni Jessa ng maingay, kapag nagalit siya ay hindi ka n'ya pakakainin, akala ba ninyo ay mabait yun? Ako na ang magsasabi na hindi, si Jessa ang nagsusumbong kay Madam Lorena ng mga naririnig niya sa atin rito. Kaya wag kayong magtitiwala sa babae na yun at higit sa lahat may cctv camera na nakamonitor sa atin sa buong bahay. Mga kwarto lang rito ang hindi pinalagyan ng camera ni Madam Lorena. Ang alam ko nakaconnect ang cctv sa mga computer na nasa iba
"Wow, grabe ang gaganda n'yo talaga! Lalo ka na Berry," namamanghang turan ni Janna, matapos niyang lagyan ng kolorete ang mukha ng magkaibigan."Maganda na talaga si Berry noon pa man,, kahit walang make up, Janna. Kaya nga siguro hindi siya tinigilan ni Aling Cristy na mapapayag na sumama sa kanya," saad ni Marife na tumabi kay Berry at tinignan ang sarili niyang ayos sa salamin."Sumpa ba ang pagiging maganda? Kung ganoon nga, sana hindi na lang ako naging maganda," malungkot na wika ni Berry."Hindi sumpa ang pagiging maganda, Berry. Huwag mong masamain ang sinabi ko, okay!" mabilis na turan ni Marife."Bakit ako, hindi naman din kagandahan na tulad mo ah, marami kaming hindi kasing ganda mo, ninyo nila Ginalyn at Vanessa, pero narito rin sa lugar na ito. Nagkataon lang na nabiktima tayo ng bruhang Cristy na 'yon," Sabat naman ni Aireen.Natahimik silang lahat saglit sa loob ng silid sa sinabi ni Aireen."Tapos ko na kayong ayusan, magbihis na kayo dahil ilang minuto na lang ay ih
Samantala wala pang alas otso ng gabi ay nasa labas na ng club si Jayden. Nagparking siya ng sasakyan niya malapit lang sa club kung saan niya nakita kanina ang babae. Matiyaga siyang naghintay sa labas ng kanyang sasakyan, na may mga ilang costumer na rin ang dumating at pumapasok sa club kung saan niya nakitang pumasok kanina ang babaeng magandang probinsyana. Nagbabakasakali siyang talaga na makikita niya ang dalaga ngayong gabi. Malakas ang kutob niyang magtatrabaho bilang entertainer ang babae sa club na iyon.Sinadya niyang maagang makarating sa club dahil gusto niyang siya ang unang makapili kay Berry. Muntik pa nga siyang hindi makarating ng maaga kanina sa lugar ng dahil kay Ishie, dahil pagkatapos ng mainit na kaganapan sa kanilang dalawa sa loob ng kanyang opisina ay gusto pa nitong magpahatid sa kanya sa bahay nito. Nagpilitan pa silang dalawa at napapayag naman siya pero may plano na siya sa paghatid sa babae. Hindi kase gusto ni Jayden na makasalamuha ang parents ni Ish
Inilibot ni Cyrus ang paningin sa paligid at nakita nito si Jayden na nakaupo sa di kalayuan sa kanila at nakatitig sa kanya na pinakitaan siya ng middlefinger.Napangisi naman si Cyrus sa inakto ni Jayden. "Kanina ka pa ba rito o kadarating mo lang?" mahinang tanong ni Cyrus na hindi sinagot ni Jayden. "Do you know her?" seryosong tanong muli ni Cyrus.Tumango lang si Jayden. "She's safe with me, so don't worry. And stay where you are, Curtis. You know what to do, right?" mahinang bigkas ni Cyrus na ikinatangong muli ni Jayden.Ngumising muli si Cyrus sa kanya at pinatay na ang tawag niya.Sinenyasan naman agad ni Jayden ang waiter at inutos na dalhin sa kanya ang babaeng no.14 para makatable niya.Kilala niya si Cyrus, alam niyang hindi ito gagawa ng bagay na ikagagalit niya at ikapapahamak niya kahit pa nga isa itong mafia boss.Hindi niya alam na may transaction pala ngayon si Basmayor dito sa club dahil kanina ay nanggaling na sila sa lugar na ito."Boss, narito na ang makakata
"Relax, hindi mo pa nga naipapakilala ang sarili mo sa kanya kung maka-mine ka wagas Curtis," paninitang saad sa kanya ni Cyrus."Naunahan mo lang akong makausap siya. Kaya nga ako narito, upang magpakilala sa kanya at tulungan s'yang makaalis sa lugar na 'to," mariing wika ni Jayden sa kaibigan."Tawagan kita, mamaya," saad ni Cyrus ng may lumapit na tauhan sa kanya at bumulong sa tenga nito.Hindi na nagsalita pa si Jayden dahil nakita niyang may kinakausap na muli si Cyrus sa mga lalaking ka meeting nito. Napabaling ang paningin niya kay Berry ng tumayo ito at umalis sa tabi ni Cyrus na sumunod na naglakad sa isang babaeng naunang tumayo rito."Pupunta yata ng banyo si Beery, Marife. Pwede mo siyang sundan at kausapin," pasimpleng utos niya sa kaibigan ni Berry."Sige, kakausapin ko siya at kukumustahin, magbabanyo na rin ako. Salamat Jayden," sagot sa kanya ni Marife.Sinundan niya ng tingin ang paglalakad ni Marife hanggang sa makapasok ito ng banyo ng mga babae.Inilipat niya a