Share

KABANATA 43

Malayo pa lang si Zarina pero tanaw na niya ang mga estudyanteng babae na nagkukumpulan malapit sa gym na madadaanan niya. Nakapaikot ito na pabilog at nagtatawanan na tila may pinagkakatuwaan na kung sino. Ang iba naman na tila walang pakialam sa mga nangyayari. Sandali lang titingin doon pagkatapos aalis na rin kaagad kapag nakita kung sino ang nasa loob ng bilog.

Dala ng kuryosidad, naglakad din siya pahayon sa mga ito. Hindi niya mawari kung bakit parang bigla siyang kinabahan sa hindi malaman na dahilan. Lalo pa’t parang nakakaringgan niya ang boses ni LC na tila galit.

“Anong nangyayari sa mga iyon?” tanong niya sa isang babae na umalis sa mga nagkukumpulan na estudyante.

“’Yong anak ni Mayor Alexis Imperial, may binu-bully na bagong transferee. Kawawa nga iyong transferee naliligo na sa sabaw ng buko juice.”

Nangunot ang noo niya sa narinig.

Si LC ba ang tinutukoy nito?

"Si LC?"

Napakunot-noo rin ang babae na tinanong niya kapagkuwan nagkibit-balikat ito.

“Hindi ako sigurado ku
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status