Bigla siyang nakaramdam ng takot na baka iniwan na siya nito. Nasulyapan niya ang picture frame sa wall. Kinuha niya iyon. Larawan ito ng kasal nila ni Jeckaye. Ngunit picture na lang niya ang naiwan dahil punit na ito. Lalong naging masama ang kutob niya. Para na siyang iiyak. Maraming pumapasok sa
"Help, kuya." Sinigurado niyang na send ito bago nanilim ang paningin niya. Habang nakabaluktot sa ilalim ng hukay, naramdaman niya ang mainit na likido na dumadaloy sa kanyang pisngi. "Dugo," Tumama ang ulo niya sa bato sa ilalim kaya dumugo ito. Nanalangin siya na sana mahanap siya ng Kuya niya. S
“Dennis, ano tinawagan mo na ba ang lahat na mga shipping lines?” puno ng pag-alala ang boses niya. “Yes, boss ngunit wala siyang booking doon. Baka sa airlines Boss.” suhestiyon ni Dennis. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. “Walang bakas ni Kaye sa airport. Hindi rin siya nakapag
“Ganun ba kalala ang sinapit niya? Paano ko malalaman na siya ang ina ng anak ko kung hindi ako papasok sa silid niya?” Nagbuga ito ng hangin habang nakatingin sa kanya. “Alright, may iba pang paraan. Medyo risky on my part, dahil matatanggalan ako ng lisensya kapag nalaman sa taas ang gagawin nati
Hindi alam ni Tyler kung ilang oras na siyang nakatulala habang nakaupo sa driver seat ng kanyang sasakyan. Hanggang ngayon hindi pa rin niya matanggap na wala na si Kaye sa tabi niya. Bakit kung saan pa na handa na siyang sabihin rito ang totoong nararamdaman niya saka pa siya pinagkaitan ng tadhan
“Sige, Doc, maraming salamat. Gusto ko lang sanang humingi ng pabor. Kung pwede na sa ating dalawa lang ito. Paiimbestigahan ko pa kung ano ang nangyari sa kanya.” Tumango ito. “Makakaasa ka. Malaki na rin ang utang na loob ko sa’yo. Asahan mong mapagkakatiwalaan mo ako.” “Thank you Doc. Kumusta n
TWO WEEKS LATER…. “Dennis!” Gulat na napalingon si Dennis ng marinig ang boses ni Lezlie. Mabilis ang mga hakbang nito na pumasok din sa loob ng elevator kasama niya. Bumaba ang tingin nito sa puting envelope na hawak niya sa kamay. “Naku lagot,” usal ni Dennis sa sarili niya. Kabilin-bilinan ng
Napabuga siya ng hangin ng marinig ang pagsara ng pinto. “Boss, may iba pa po ba kayong ipag-uutos sa akin?” Binalingan niya si Dennis. “Aalis kami mamayang gabi ng anak ko. Ikaw na ang bahala rito.” “Saan niyo naman po iiwan ang anak ninyo kapag aatend kayo ng Business meeting?” Minsan na alib