Share

Chapter Thirty-One : Explaination

Tahimik lang akong bumaba sa sasakyan at sumunod lang Damon sa kompanya niya. May agad na bumati na empleyado sa kanya ni hindi niya man lang ito pinapansin.

Natigilan na lang ako ng bigla na lang siyang huminto. Napatingin naman ako sa harap ng nakita ko si Mr. Stefano at Genesis na nag-uusap papalapit sa amin. Nang nakita nila kami ay agad naman silang napahinto.

Nakita ko pang napunta ang tingin ni Genesis sa 'kin tsaka ako ningitian. Ningitian ko naman ito pabalik. Naramdaman ko na lang ang kamay ni Damon at hinawakan ang kamay ko, napansin naman iyon ni Genesis at ngumiti lang.

Tumingin ako kay Mr. Stefano at binati ito.

"Magandang araw ho Mr. Stefano," magalang na bati ko.

"What are you doing here?" seryosong tanong ni Damon sa kanila. Mukhang ayaw niyang makita si Genesis dahil sa tingin niya pa lang.

"We just discussed something here." Sagot ni Mr. Stefano kay Damon. Tinignan naman ako nito. "Pupunta ako sa bahay ng Tita Yuni mo, sasama ka?" Aniya. Nakunot naman ang noo ko sa.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maxhope Akira Smiths
next please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status