Share

CHAPTER 33: BLAME

I have done enough for today. Sobrang sakit na ng puso ko. Akala ko, magaling na ako. Akala ko lang pala iyon. Akala ko, okay na ang lahat. Umpisa pa lang pala iyon. Hindi ko inaasahang mangyayari ito.

Gusto kong paniwalain ang sarili ko na ano mang oras ay magigising din ako sa bangungot na ito pero ako mismo, hindi matulungan ang sarili ko. I am an irresposible person! Hindi na ako matuto-tuto.

Parang paulit-ulit lang naman. Iba-iba nga lang ang sitwasyon. Lagi na naman ako nasasaktan ah? Eh, bakit hindi pa rin ako masanay-sanay?

"D-Denice---"

Pinunasan ko kaagad ang luha sa aking pisngi nang marinig kong tinawag ni Ate Dorine ang pangalan ko. Tumayo rin siya sa kama at agad ko siyang inalalayan.

Hindi ko siya sinisigawan o pinapakitaan man lang ng kaunting galit ko kahit na sumasalungat na ang puso ko sa ginagawa at pinapakita ko ngayon. May karapatan akong magalit pero, paano ako magagalit sa taong laging nasa tabi ko tuwing may problema ako?

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status