Hi!
POV- Issa.Habang naglalakad kami sa kalasada nina Szarina at Marian patungo sa eskwela pakiramdam ko may mga matang nakatingin sa akin sa malayo. Panay ang linga ko sa kaliwa't kanan habang ang dalawa ay nagtatalo. "Ano ba! Marian h'wag ka ngang humawak sa braso ko na parang tuko. Naalibadbaran ako sayo eh," naiinis na salita ni Szarina kay Marian. "Ang arte mo naman eight onz. Wala naman akong galis at hindi naman ako mukhang tuko, parang hahawak lang sa braso mo damot-damot mo," pairap din na sagot ni Marian kay Szarina. "Kay Issa ka humawak h'wag sa akin feeling close ka sa akin. Ihulog kita d'yan sa kanal kapag hindi mo ako nilubayan," sagot muli ni Szarina. "Oo na! kapag lang ako nasagasaan, nagkapira-piraso ang aking katawan at ako ay namatay mumultuhin kita. Hindi kita patatahimikin gabi-gabi," sagot ni Marian. "Eh di mas okay yon para wala ng tuko na kakapit sa aking braso. Tsaka may pangontra ako sa multo noh! at mga maligno kaya di mo ako matatakot," sagot din ni Szarin
POV-EUTANES.Nandito ako ngayon sa Resort ng Lagunadito sa Japanese Garden. Napakaganda ng lugar na ito. Maraming torista ang pumupunta at namamasyal dito. Ang Japanese Garden sa tabi ng Lake Caliraya (sa Laguna) ay isang memorial park na itinayo ng gobyerno ng Japan noong 1970s upang gunitain ang mga sundalong Hapones na namatay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ayon sa ilang mga lokal at alamat, ito rin ang libingan ni Heneral Yamashita ng Yamshita treasure.Naghahanap ng mapayapang picnic spot? si mommy noon. Bumisita kami sa isang lugar sa Caliraya, Cavinti Laguna dito sa Pilipinas. Kung saan malamig ang hangin, tahimik na ambiance at bumubulong ang hangin sa mga dahon ng mga puno. Dito sa lugar na ito ko natuklasan ang isang lugar na sumisimbolo sa kapayapaan at pagkakaibigan ng dalawang bansa. Ang Japanese Garden ng Caliraya.Upang makarating dito kailangan mong magmaneho sa isang bundok kung saan matatagpuan ang isang lawa na tinatawag na Caliraya. Isang ginawang lawa ng t
POV-EUTANES.Pauwi na kami ngayon ng Maynila. Malaki ang pagkakangiti ko dahil marami akong dalang pasalubong para kay mommy na nakalagay sa cooler, tiyak na magugustuhan niya ito lahat. Habang binabagtas naming magkakaibigan ang daan palabas ng Japanese Garden may natanaw akong isang babae na nakatayo sa labas ng isang rest house na hindi nalalayo sa rest house na inukupahan namin. May nakaukit na pangalang PRINCESS MARIA AYONAH SABRINA ALCANTARA. Namukhaan ko ito. Pinahinto ko ang aking sasakyan sa gilid, ganoon din ang aking kaibigan."Dude bakit ka tumigil? Sino iyang babae? H'wag mong sabihin na may titirahin ka mona ngayon bago tayo umuwi," tanong ni Joseph."Sira ulo! kilala ko ang babaeng iyan, nakilala ko siya sa Maynila sa labas ng school ng Don Bosco Technical College." Sagot ko sa tanong ni Joseph habang naglalakad kmi papalapit kay Sabrina."Hello Sabrina! nagulat naman ito na napatingin sa amin."Oh Hi! sino po sila? Ano po ang kailangan ninyo sa akin? Tanong nito sa aki
POV- Issa. "Ano ba Aria h'wag ka ngang sumakay sa likod ko ang bigat bigat ng pp mo," reklamo ko. Nandito kami ngayon sa Josefina's Garden nagdadamo kami sa mga halaman bilang parusa sa amin ni sir Anderson. Dahil lahat kami ay bagsak sa long quiz kahapon, kaya itong mga kaklase ko kanina pa ako pinagtutulongan. May nakita akong bulate na gumagapang dali-dali ko itong dinampot mabuti na lang binigyan kami ni sir na gloves para hindi daw kami masugatan at madumihan. Lalapitan ako ni Chyryll para pahiran ng putik sa mukha. "Sege subukan mong lumapit sa akin isusubo ko ito sa bibig mo", pananakot ko kay Chyrll. Natapos ang maghapon na pagdadamo namin dito sa Josefina's Garden na puro kulitan. Hindi nakapasok si Bisugo ngayon kaya medyo tahimik ng kaunti. Dumating si sir Anderson nagsabi lang na maaari na kaming makauwi. Naglalakad na kami palabas ng gate na may lalaking nakatayo sa labas na nakasandal sa kanyang kotse. Nasa malapit na kami ay nakikilala ko ito at ng dalawa kung ka
POV-Issa. Sabado ngayon at wala kaming pasok, masakit ang aking ulo pagkagising ko. Pagkatapos kung makausap si mama sa selpon ay naglaba ako ng mga damit ko ng mano mano at naglinis na rin ako ng aking kwarto. Kailangan ko pala maghanap ng trabaho para may maipadala ako kay mama tumatanda na kasi sya kailangan na nyang magpahinga. Nagpapahinga ako habang nag-rereview ng lesson namin para sa lunes ay tumunog ang aking selpon. Tumatawag si Eutanes kinukumusta nya ako, kinuha niya kahapon ang numero ko sa selpon na binigay ko naman. Pagkatapos nyang tumawag ay naidlip ako masakit talaga ang aking ulo, ayaw kona talaga tumikim ng alak ilang saglit pa ay nakatulog na ako. •••••••••✍️ Lumipas ang araw, linggo at buwan ngayon ay kalahating taon na kaming nag-aaral dito sa Don Bosco Technical College. Nakaupo kami ngayon dito sa Cafeteria hindi kona nagawa pang mag-almusal sa dorm dahil tinanghali ako ng gising. Dito kami nagkikita kapag tapos na ang klase namin sa kinuha naming kurso. H
POV-EUTANES."Ahhhhh! tang-naahhh! tang-na! Ako lang dapat ang lalaking humahawak at umaaligid sa kanya at wala ng iba naiintindihan mo ba!" sigaw ko sa pagmumukha ni Anthony."Kahit pagbantaan mo pa ako hindi mo ako matatakot, dahil hindi mo din alam kung sino at ano ang kaya kung gawin sa mga katulad ninyong mayayaman, sagot ni Anthony."Sir tama na po ang pagwawala ninyo ang dami na pong tao ang nakikiisyuso sainyo? Kapag hindi pa kayo tumigil tatawag na po kami ng pulis. Dahil nakakaabala na po kayo sa trabaho namin." pag-awat ng gwardya."Pagsabihan ninyo ang lalaking yan kung ayaw ninyong mawalan ng trabaho?" sagot ko sa kanila.Inayos ko lang ang damit na suot ko na nagusot ay umalis na rin ako. Sa Casa Isabella ako dumiritso."Dude lasing kana tama na iyang paglalasing mo? Ano ba nangyayari sa iyo Bakit ka nagkakaganyan? Bakit may sugat ka sa kamao mo at may pasa kapa sa mukha at putok ang labi mo? Akala ko ba nagbago kana dahil ang sabi mo sa amin ay nakita mona ang babaeng n
POV-ISSA. Lumipas ang dalawang buwan na hindi ko pinapansin si Eutanes dahil sa nangyare sa labas ng campus. Maraming beses akong pinuntahan ni Eutanes sa dorm at minsan pumupunta dito sa unibersidad para manghihingi ng pasensya sa nangyari. Walang tigil na tawag sa selpon ko. Gusto ko sana syang kausapin kaso nahihiya ako, iwan ko ba o baka natatakot lang ako na kapag kinausap ko sya eh bigla ko syang sagotin. Dahil nararamdaman ng aking puso na minamahal ko na sya. May pag aalinlanngan lang akong nadarama sa sarili ko na, hindi ako nararapat sa kanya na hindi ako magustuhan ng magulang nya. Si Anthony naman ay hinayaan ko na lamang na ipagpatuloy ang panliligaw niya sa akin, dahil hindi ko naman siya masisisi kung bakit niya nagawang patulan si Eutanes. Dahil unang-una siya ang unang nasaktan. Magkasama kami Ngayon dalawa dito sa coffee shop ng dalawa kung kaibigan. "Isadora nagustuhan mo ba ang inorder ko para saiyo? Tanong sa akin ni Anthony. "Oo naman nagustuhan ko salam
POV-EUTANES "Ahhhhhhhh!... Ajaizahhhhh!".... sigaw ko sa babaeng itinatangi ng puso ko. Napasabunot na lang ako ng aking buhok ng tinigilan ako ni Anthony sa kakasuntok sa aking mukha, habang naka salampak dito sa semento. "Hindi ako papayag! Akin lang si Ajaziah akin lamang siya!.... Akin!.. akinnnnn!" sigaw ko. Napahilamos ako ng aking mukha. Tumayo ako at dispiradong hinarap si Anthony. Nakita ko si Eleonor na hawak si Anthony sa braso na pinipigilang sumugod sa akin ng tumayo ako. "Sa akin lang si Ajaziah! Sa akin lamang siya nababagay! Hindi sa katulad mong pipitsugin!" sigaw kung muli. Sabay lapit ko at kinuwelyuhan ko ito. Kapag itinuloy mo kung anoman ang namamagitan sainyo ngayon ni Ajaizah? Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo at sa buong pamilya mo? Naiintindihan mo ba ako?" Bulong ko sa kanyang tainga na kami lang ang nakakarinig habang nagtatagisan ang aking mga ngipin. Binitawan ko sya naglakad na ako papalayo sa kanila. "Putang-na mo! Hindi ako natatakot sai